Ang dekoksyon o pagpapakulo at paglalabog ay isang paraan ng pagluluto o paghahanda ng inumin, partikular na ang mula sa yerba.[1] Bagaman parang katulad ng sa inpusyon, mas masigasig o matindi ang pagpapakatas ng yerba sa dekoksyon.[2] Kabilang sa paghahanda nito ang proseso ng pagpapakulo, pagpapakatas, at pagbababad.[3]

Mga sangkap

baguhin

Ginagamit na bahagi ng yerba para dekoksyon ang mga ugat, matigas na balat, sanga o tangkay, at ilang mga bungang ratiles ng halaman. Karaniwang dami ang 30 mga gramo ng pinatuyong yerba o 60 mga gramo ng sariwang yerba, at 750 mililitrong tubig na magiging 500 mililitro na lang kapag pinakuluan na sa mahinang apoy.[2]

Mga kagamitan

baguhin

Ginagamit sa pagluluto ng dekoksyon ang maliit na kawali o munting kaserolang gawa sa enamel kung maaari, pansala na maaaring yari sa naylon, at imbakang pitsel na may takip.[2]

Paraan ng paghahanda

baguhin

Naglalagay ng yerba sa isang maliit na kawali. Nagdaragdag ng malamig na tubig. Pinapakuluan ito. Hinihinaan ang apoy at babayaang kumulo pa sa loob ng isang oras hanggang sa mabawasan ng ⅓ ang lamang tubig. Pagkaraan, sinasala ito patungo sa isang pitsel o tasa. Itinatabi sa isang hindi naiinitan lugar.[2]

Pag-inom

baguhin

Iniinom ang dekoksyon habang mainit o malamig. Karaniwang pamantayang dosahe ang kalahating tasa, na tatlong ulit sa loob ng isang araw.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Blake, Matthew (2008). "Decoction, pagkaluto, pagkalabog". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), mula sa decoction Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Ody, Penelope (1993). "Decoction". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 120.
  3. Gaboy, Luciano L. Decoction - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.