Ang inpusyon o buhos-salin-babad ay isang payak na paraan ng paghahanda ng mga inuming katulad ng gawa mula sa mga yerba. Halos katulad ng sa paggawa ng tsaa ang paraang ginagamit para rito.[1] Kabilang sa paghahanda nito ang mga proseso ng pagbubuhos, pagsasalin, at pagbababad.[2][3]

Ang paghahanda ng inpusyon ay halos katulad ng sa paggawa ng tsaa.
Mate.

Mga sangkap

baguhin

Ginagamit ang inpusyon para sa mga bulaklak at madahong bahagi ng mga halaman. Karaniwang dami ang 30 mga gramo ng tuyong yerba o kaya 75 mga gramo ng sariwang yerba, at 500 mililitrong tubig. Palagiang gumagawa ng bagong inpusyon sa bawat araw na sapat para sa tatlong dosahe.[1]

Mga kagamitan

baguhin

Sa pagluluto ng inpusyon, gumagamit ang naghahanda ng tahure o kaldero, palayok na pang-tsaa, pansala na maaaring yari sa naylon, tasa na pang-tsaa, at pitsel na may takip.[1]

Paraan ng paghahanda

baguhin

Inilalagay ang mga bahagi ng yerba sa isang kalderong may mahigpit na takip, karaniwang palayok ng tsaa. Nagpapakulo ng tubig na hindi itinatapat sa pagkakataon ng sagad na pagpapakulo upang hindi mawala ang mahahalagang mga langis kapag sumingaw. Pagkaraan, binubuhusan ng mainit na tubig ang yerba. Pinababayaang kumatas ang yerba sa loob ng sampung mga minuto. Binubuhos ito na sinasala papunta sa isang tasang pang-tsaa. Itinatabi ang natira sa loob ng isang pitsel na inilalagak sa isang hindi naiinitang lugar.[1]

Pag-inom

baguhin

Bilang pamantayang dosahe, iniinom ang inpusyon ng kalahating tasa bawat pag-inom, na inuulit ng tatlong beses sa loob isang araw. Iniinom na mainit o malamig ang produkto.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Ody, Penelope (1993). "Infusion, Making Herbal Remedies". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 120.
  2. Blake, Matthew (2008). "Infusion, pagbubuhos, pagsasalin". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa Infusion Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine.
  3. Gaboy, Luciano L. Infuse, infusion - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.