Ang mate ay isang inuming gawa sa pagbabad ng mga pinatuyong dahon ng yerba mate sa mainit (ngunit di-kumukulong) tubig. Ito ang pambansang inumin ng Arhentina, Paragway, at Urugway, at popular din ito sa Bolibya, Brasil, Libano, Sirya, Tsile, at Turkiya. Ang panghithit na ginagamit sa pagkonsumo ng mate ay tinatawag na bombilya (Kastila: bombilla).

Mate, sinuksukan ng panghithit, tinatawag na bombilya

Inumin Ang lathalaing ito na tungkol sa Inumin ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.