Ang demensiya o demensya (Ingles: dementia) ang seryosong pagkawala ng mga kakayahang kognitibo sa isang tao na higit sa inaasahang nangyayari sa normal na pagtanda nito. Sa mas espesipikong paglalarawan, isa itong kabawasan o pagbaba ng kaparaanan o proseso ng pag-iisp o kaisipan na sanhi ng pagkasalanta o karamdaman sa utak. Kabilang sa mga sintomas ang kawalan ng kakayahang makaalala ng mga bagay, makaunawa at bumuo ng wika, lumutas ng mga problema, gumawa ng mga desisyon at atensiyon.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.