Dennis Ritchie
Si Dennis MacAlistair Ritchie (September 9, 1941-October 12, 2011) ay isang Amerikanong siyentipiko ng kompyuter na "nakatulong sa paghubog ng panahong digital". Kanyang nilikha ang wikang pamprograma na C at kasama si Ken Thompson sa paglikha ng sistemang operatibo na UNIX. Natanggap nina Ritchie at Thompson ang Gantimpalang Turing noong 1983, ang medalyang Hamming mula sa IEEE noong 1990 at ang Pambansang Medalya ng Teknolohiya mula sa dating Pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton noong 1999. Si Ritchie ang pinuno ng Kagawaran ng Pagsasaliksik ng Sopwer ng Lucent Technologies nang siya ay magretiro noong 2007. Siya ang R sa K&R C at kilala sa kanyang pangalanng tagagamit na dmr.
Dennis MacAlistair Ritchie | |
---|---|
Kapanganakan | 9 Setyembre 1941 Bronxville, New York, U.S. |
Kamatayan | found dead 12 Oktobre 2011 | (edad 70)
Nagtapos | Harvard University |
Kilala sa | ALTRAN B BCPL C Multics Unix |
Parangal | Turing Award National Medal of Technology |
Karera sa agham | |
Larangan | Computer science |
Institusyon | Lucent Technologies Bell Labs |