Depensa
Ang depensa[1] (Ingles: defense [ Amerikano ], defence [ Britanya ]; Kastila: defensa) ay isang salitang tumutukoy sa isang gawaing pagsanggalang o pagprotekta sa isang bagay o nilalang mula sa kamatayan, pagkasira at iba pang panganib. Singkahulugan ito ng sanggalang, tanggol at pananggol. Ginagamit din itong katawagan sa kahit na anumang bagay na magagamit bilang pananggalang o pamprotekta. Katagurian din ito para sa bamper (fender) na bahagi sa may harapan ng mga sasakyan. Tinatawag namang depensor ang taong nagbibigay ng proteksiyon lalo na ang isang may kaugnayan sa pagpapairal at pagtataguyod ng batas. Katumbas ng depensor (Ingles: defender) ang manananggol, tagapagtanggol at tagapagsanggalang.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ English, Leo James (1977). "Depensa". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.