Diana Serra Cary
Si Diana Serra Cary (pinanganak bilang si Peggy-Jean Montgomery noong Oktubre 26, 1918 – namatay noong Pebrero 24, 2020) ay isang Amerikanang dating batang aktres, mananalaysay at may-akda ng mga aklat tungkol sa kasaysayan ng Hollywood.[1]
Diana Serra Cary | |
---|---|
Kapanganakan | Peggy-Jean Montgomery 29 Oktubre 1918 |
Kamatayan | 24 Pebrero 2020 | (edad 101)
Ibang pangalan | Baby Peggy Baby Peggy Montgomery Peggy Montgomery Peggy-Jean Montgomery |
Edukasyon | Lawlor Professional School Fairfax High School |
Trabaho | Aktor mananalaysay May-akda |
Aktibong taon | 1921-1938 |
Asawa | Gordon Ayres (k. 1938; d. 1948) Bob Cary (k. 1954; died 2001) |
Anak | 1 |
Buhay at karera
baguhinUna siyang nakilala sa pagganap sa ibat-ibang papel noong dekada 20 bilang si Baby Peggy, kung saan ay kumita siya ng 1.5 miliong dolyar noong 1924. Sa kabila nito ay tumamlay ang kanyang karera bilang aktres matapos ang alitan sa pagitan ng kanyang ama at si Sol Lesser ukol sa kanyang kinita, at namasukan siya bilang isang tagapagtanghal sa Bodabil. Nasadlak sa kahirapan ang kanyang pamilya at gumanap na ekstra sa ibat-ibang pelikula si Peggy noong dekada 30 hanggang sa magretiro siya sa pag-arte noong 1938.
Sa kagustuhang lumayo sa mundo ng pelikula, nagpakasal si Peggy kay Gordon Ayres noong 1938 at nagpalit siya ng pangalan bilang si Diana Ayres. Noong panahong siya ay may-akda para sa mga palabas sa radyo, madaming nakatuklas sa kanyang nakaraan kung saan ay mas interesado sila sa kanyang buhay bilang isang dating batang aktres kaysa sa kanyang mga akda. Muli siyang nagpalit ng pangalan bilang si Diana Serra Cary matapos siyang lumipat sa Katolisismo at ang kanyang pagpapakasal kay Bob Cary noong 1954.[2]
Kinalaunan ay nakilala siya sa pagiging manunulat at sa kanyang adbokasiya para sa mga kapwa batang aktor, kung saan ay sumulat siya ng libro tunkgol sa kanyang buhay at karera na pinamagatang What Ever Happened to Baby Peggy: The Autobiography of Hollywood's Pioneer Child Star, at Jackie Coogan: The World's Boy King: A Biography of Hollywood's Legendary Child Star, isapang akda tungkol sa kapwa batang aktor na si Jackie Coogan.
Noong 2017, inilathala ni Cary ang kanyang nobela na pinamagatang The Drowning of the Moon, isang kuwento tungkol sa pamiliyang may hawak ng minahan ng pilak sa Mexico noong ika-18 na siglo.
Namatay siya sa kanyang tahanan sa Gustine noong Pebrero 24, 2020, sa taong 101.
Pelikula
baguhinTaon | Pamagat | Ginampanan | Tandaan |
---|---|---|---|
1921 | Her Circus Man | ||
1921 | On with the Show | ||
1921 | The Kid's Pal | ||
1921 | Playmates | bilang Peggy Montgomery | |
1921 | On Account | ||
1921 | Pals | ||
1921 | Third Class Male | ||
1921 | The Clean Up | ||
1921 | Golfing | ||
1921 | Brownie's Little Venus | ||
1921 | A Week Off | ||
1921 | Brownie's Baby Doll | ||
1921 | Sea Shore Shapes | ||
1921 | A Muddy Bride | ||
1921 | Teddy's Goat | ||
1921 | Get-Rich-Quick Peggy | ||
1921 | Chums | ||
1922 | The Straphanger | Di kumpirmado | |
1922 | Circus Clowns | ||
1922 | The Little Rascal | ||
1922 | Fools First | Little girl | |
1922 | Little Red Riding Hood | Little Red Riding Hood | |
1923 | Peg o' the Movies | Peg | |
1923 | Sweetie | ||
1923 | The Kid Reporter | Peggy | |
1923 | Taking Orders | ||
1923 | Nobody's Darling | ||
1923 | Tips | ||
1923 | Little Miss Hollywood | Little Miss Hollywood | |
1923 | Miles of Smiles | The Twins (Dual role) | |
1924 | Our Pet | ||
1924 | The Flower Girl | ||
1924 | Stepping Some | ||
1924 | Poor Kid | ||
1923 | Hansel and Gretel | ||
1924 | Such Is Life | ||
1924 | Peg o' the Mounted |
Year | Title | Role | Notes |
---|---|---|---|
1921 | Fool's Paradise | Child | Walang kredito |
1922 | Little Miss Mischief | ||
1922 | Penrod | Baby Rennsdale | Bilang Peggy Jane |
1922 | Peggy, Behave! | Peggy | |
1923 | Hollywood | Herself (cameo) | Lost film |
1923 | Carmen, Jr. | ||
1923 | The Darling of New York | Santussa | Bilang Baby Peggy Montgomery |
1924 | The Law Forbids | Peggy | |
1924 | Captain January | Captain January | |
1924 | Jack and the Beanstalk | Maikling pelikula | |
1924 | The Family Secret | Peggy Holmes | |
1924 | Helen's Babies | Toodie | |
1926 | April Fool | Irma Goodman | |
1932 | Off His Base | Peggy | Bilang Peggy Montgomery |
1934 | Eight Girls in a Boat | Hortense | Bilang Peggy Montgomery |
1934 | The Return of Chandu | Judy Allen, party guest | Walang kredito |
1935 | Ah, Wilderness! | Schoolgirl at graduation | Walang kredito |
1936 | Girls' Dormitory | Schoolgirl | Bilang Peggy Montgomery |
1937 | Souls at Sea | Bit Role | Walang kredito |
1937 | True Confession | Autograph Hunter | Walang kredito |
1938 | Having Wonderful Time | Extra | Walang kredito Alternative title: Having a Wonderful Time |
Bibliography
baguhin- What Ever Happened to Baby Peggy: The Autobiography of Hollywood's Pioneer Child Star, Diana Serra Cary, St. Martins Press, 1996, (ISBN 0-312-14760-0)
- The Hollywood Posse: The Story of a Gallant Band of Horsemen Who Made Movie History, Diana Serra Cary, University of Oklahoma Press, 1996, (ISBN 0-8061-2835-6)
- Hollywood's Children: An Inside Account of the Child Star Era, Diana Serra Cary, Southern Methodist University Press, 1997, (ISBN 0-87074-424-0)
- Jackie Coogan: The World's Boy King: A Biography of Hollywood's Legendary Child Star, Diana Serra Cary, Scarecrow Press, 2003, (ISBN 0-8108-4650-0)
- The Shirley Temple Story, Lester David, Putnam Pub Group, 1983, (ISBN 0-399-12798-4)
- "At 93, a Party Girl Is Silent No More", photographs, interview and article by Bruce Bennett, in the U.S. edition of The Wall Street Journal, September 5, 2012, page A19.
- "The Last Silent Star Standing: An Oral History of 1920s Film With Diana Serra Cary," photographs, interview and article by Jeffrey Crouse, Film International, Vol. 11, No. 2, 2013, pages 6–24.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Lamont, Tom (23 Mayo 2015). "'I spent most of my life as a nobody': the last of the silent movie stars". The Guardian. Nakuha noong 14 Hulyo 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Goldrup, Tom; Goldrup, Jim (2002). Growing Up on the Set: Interviews With 39 Former Child Actors of Classic Film and Television. McFarland. p. 29. ISBN 0-786-41254-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Kawing panlabas
baguhin- Diana Serra Cary sa IMDb
- Baby Peggy: The Elephant in the Room
- Isang panayam kay Baby Peggy
- Baby Peggy sa Virtual History