Ang Diariong Tagalog (sa makabagong ortograpiya: "Diyaryong Tagalog") ay pahayagang nasa wikang Tagalog at Espanyol noong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Itinatag ito ni Marcelo del Pilar noong 1882 at tinustusan naman ni Francisco Calvo ang pagpapalimbag ng pahayagan.[1] Ang Diariong Tagalog ang unang naglathala ng mga kaisipang nag-uudyok ng reporma sa pamahalaan at tumuligsa rin sa pang-aabuso ng mga prayle. Tumagal lamang ng limang buwan ang pahayagan magmula nang lumabas ang unang sipi nito noong Hulyo 1 ng natura ring taon.[2]

Sipi ng Diariong Tagalog

Nilalaman

baguhin

Pinamatnugutan ni del Pilar ang Diariong Tagalog at naglathala ng mga daing ng mga inaapi at pagsulong ng reporma sa pamahalaang Kastila.[3] Nagsulat si Jose Rizal para sa Diarong Tagalog ng makabayang sanaysay na pinamagatang Aoomor Patrio gamit ang pangalang Laong Laan. Isinalin ito sa Tagalog ni del Pilar at lumabas sa pahayagan noong Agosto 20, 1882.[4]

Ang Diariong Tagalog ay muling binuhay sa digital na pormat ng Negosentro Media noong taong 2023.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Almario, Virgilio S., pat. (1992). Filway's Philippine Almanac (sa wikang Ingles) (ika-First (na) edisyon). Lungsod Quezon: Filway Marketing.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Kintanar, Thelma B., pat. (2009). Cultural Dictionary for Filipinos (sa wikang Ingles) (ika-Second (na) edisyon). Lungsod Quezon: University of the Philippines Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Villa Panganiban, Jose (1987). Panitikan ng Pilipinas (ika-Binagong (na) edisyon). Lungsod Quezon: Rex Bookstore. 92.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Samson, Lucero (Nobyembre 29, 2005). "Today in the past" (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong Setyembre 15, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Gabion, Cris Delle (Hunyo 6, 2023). "Negosentro Media Group Launches Filipino Legacy Publications". Negosentro.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 11, 2023. Nakuha noong Oktubre 1, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.