Dicaeum dayakorum
Ang Dicaeum dayakorum (Ingles: spectacled flowerpecker, lit. 'nasasalaminang ibong namumupog ng bulaklak') ay isang bagong uri ng ibong natagpuan ng mga siyentipiko sa mga kagubatan ng Borneo noong Hunyo 2009. Natagpuan itong namumupog o tumutuka (nanginginain) ng mga namumulaklak na miseltow sa bahaging Malaysia ng Borneo. Nasaksihan ito ng isang pangkat ng mga biyologo, kasama ang mga biyologong mula sa Pamantasan ng Leeds ng Inglaterang si David Edwards at isang ekologong tropikal na si Richard Webster. Wala pa itong pangalang pang-agham o siyentipikong pangalan dahil kakaunti pa lamang ang nalalaman hinggil sa ibong ito.[1][2]
Dicaeum dayakorum | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Aves |
Orden: | Passeriformes |
Pamilya: | Dicaeidae |
Sari: | Dicaeum |
Espesye: | D. dayakorum
|
Pangalang binomial | |
Dicaeum dayakorum |
Mga katangian
baguhinIsa itong maliit na ibong namumupog ng bulaklak, na abo ang kulay at may puting mga guhit. Kasinlaki ito ng isang ibong nasa pamilyang Troglodytidae, na kilala sa Ingles bilang wren at sa Kastila bilang chochín (chochines kapag maramihan). Tinawag na "nasasalaminan" o spectacled (sa diwang "tila may suot na salamin") ang ibon dahil mayroon itong mga puting marka sa paligid ng mga mata, pati na sa tiyan at sa dibdib.[1][2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Reuters. "Spectacled flowerpecker" bird found in Borneo, scientificamerican.com, 13 Enero 2010, napuntahan noong 15 Enero 2010.
- ↑ 2.0 2.1 Walton, Doreen, tapag-ulat na pang-agham. New bird species found in rainforests of Borneo, BBC News, news.bbc.co.uk, 14 Enero 2010, napuntahan noong 15 Enero 2010.
Mga kawing panlabas
baguhin- Larawan ng nasasalaminang ibong namumupog ng bulaklak, mula sa newsimg.bbc.co.uk
Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.