Digmaan sa Donbas

Kasalukuyang digmaan sa Ukraine

Ang Digmaan sa Donbas ay isang digmaan na kasalukuyang nangyayari sa rehiyon ng Donbass sa Ukraine. Sa pagsisimula ng Marso 2014, kabi-kabilang demonstrasyon ng mga taong panig sa Rusya ang naganap sa mga oblast ng Donetsk at Luhansk na tinatawag ding "Donbass" kasunod ng Rebolusyong Ukranyano na nagpatalsik kay Viktor Yanukovych. Ang mga demonstrasyon na ito ay humantong sa digmaan sa pagitan ng mga separatista ng Donetsk at Republikang Bayan ng Luhansk at ng pamahalaan ng Ukraine.

Digmaan sa Donbas
Petsa6 Abril 2014 (2014-04-06) – kasalukuyan
Lookasyon
Donbass, kasali ang:
Mga oblast ng Donetsk at Luhansk
Katayuan

Stalemate

  • Nakuha ng mga separatista ang ilang bahagi ng mga oblast ng Donetsk at Luhansk
    • Nakialam ang Rusya sa digmaan
  • Pinabagsak ang Malaysia Airlines Flight 17; 298 ang namatay
  • Ang Minsk Protocol ay nilagdaan noong 5 Setyembre 2014
  • Nabuo ang Komisyong Donbass dahilan upang mapasailalim sa de facto kontrol ang Donbass sa Rusya
  • Umepekto ang Minsk II noong 15 Pebrero 2015; nakuha ng DPR at LPR ang Debaltseve
  • Ang pagpapatupad muli sa Minsk II ay nagawa noong 1 Setyembre 2015
Mga nakipagdigma

Donetsk People's Republic
Luhansk People's Republic


 Rusya
 Ukraine

Sa pagitan ng 22–25 Agosto 2014, pumasok sa teritoryo ng Ukraine ang mga tropa ng Rusya nang walang pahintulot sa gobyerno ng Ukraine. Ang mga pagpasok na ito ay naganap sa mga teritoryong hawak ng mga separatista. Tinawag naman ng mga opisyal na Ukranyano at ng mga bansa sa Kanluran ang ginawa ng Rusya bilang "lihim na pananakop" sa Ukraine. Dahil dito, nabawi ng mga separatista ang mga teritoryong nawala sa nakalipas na mga opensiba ng mga puwersa ng gobyerno.

Para magkaroon ng tigil-putukan, nilagdaan ng magkabilang kampo ang Minsk Protocol noong 5 Setyembre 2014. Tuluyang nawala ang tigil-putukan noong Enero 2015, nang nagsimula muli ang labanan ng magkabilang kampo. Isang bagong kasunduang tigil-putukan, na tinawag na Minsk II, ang nilagdaan noong 12 Pebrero 2015. Ilang sandali matapos nilagdaan ang kasunduan, naglunsad ang mga separatista ng isang opensiba sa Debaltseve at napilitang umatras ang mga hukbong Ukranyano doon. Ilang buwan pagkatapos makuha ang Debaltseve, mangilan-ilang paring mga engkuwentro ang nagaganap pero wala nang nangyayaring pagbabago sa teritoryo. Dahil matagal nang hindi nagbabago ang teritoryo ng magkabilang panig, tinawag ang digmaan bilang "frozen conflict".

Background

baguhin

Oblast ng Donetsk

baguhin
Mga pro-Russian na raliyista sa Donetsk, 9 Marso 2014

Ang pagtatangka na pasukin ang gusali ng Donetsk Regional State Administration (RSA) ay nagsimula nang umusbong ang mga protestang pro-Russian sa silangan at timog Ukraine. Inokupahan ng mga raliyista ang gusali ng Donetsk RSA mula Marso 1–6 Marso 2014 bago sila pinaalis ng Security Service ng Ukraine (SBU). Noong 6 Abril 2014, 1,000 hanggang 2,000 katao ang nagtipon-tipon sa isang rally sa Donetsk para humingi ng isang referendum na katulad ng idinaos sa Crimea noong Marso. Sinugod ng mga demonstrador ang gusali ng RSA at kinuha ang unang dalawang palapag ng gusali. Sinabi nila na kapag walang extraordinary legislative session ang idadaos ng mga opisyal para magkaroon ng referendum, kokontrolin nila ang pamahalaan ng rehiyon at idi-dismiss ang mga nahalal na mga konsehal ng rehiyon at miyembro ng parliyamento.

Nang hindi nakuha ang mga hinihingi, nag daos ang mga aktibista ng isang pagtitipon sa gusali ng RSA at bomoto pabor sa paghiwalay sa Ukraine. Iprinoklama nila ang Donetsk People's Republic.

Oblast ng Luhansk

baguhin

Nagsimula ang mga kaguluhan sa oblast ng Luhansk noong 6 Abril, nang pinasok ng 1,000 aktibista ang gusali ng SBU sa lungsod ng Luhansk. Binarikada ng mga aktibista ang gusali at hiniling na palayain ang lahat ng inarestong lider ng mga separatista. Nakuha pa ng mga pulis ang gusali pero nagtipon-tipon uli ang mga demonstrador para sa isang 'people's assembly' sa labas ng gusali at nanawagan ng isang 'people's government', humiling sila ng pederalisasyon o pagsali sa Rusya. Sa kanilang asembleya, inihalal nila si Valery Bolotov sa posisyong "People's Governor". Dalawang referendum ang inanunsyo, ang una ay sa 11 Mayo para malaman kung ang rehiyon ay dapat magkaroon ng awtonomiya at ang ikalawa ay sa 18 Mayo, para malaman kung ang rehiyon ay dapat sumali sa Pederasyon ng Rusya o magdeklara ng kasarinlan.

Idineklara ang Luhansk People's Republic noong 27 Abril. Hiniling ng mga kinatawan ng republika sa pamahalaang Ukranyano na bigyan ng amnestiya ang lahat ng raliyista, gawing opisyal na wika ang Ruso, at magsagawa ng isang referendum. Nagbigay sila ng ultimatum na kapag hindi sinunod ng Kiev ang kanilang mga hiling, magsasagawa sila ng isang rebelyon kasama ang DPR.

Kasaysayan

baguhin

Pagkatapos makontrol ang gusali ng Donetsk RSA at naideklara ang DPR, pinangako ng mga grupong pro-Russian na kanilang kokontrolin ang mga imprastraktura sa Donetsk at hiniling sa mga pambublikong opisyal na gustong ipagpatuloy ang kanilang trabaho na manumpa sa republika. Sa katapusan ng Abril 14, nakontrol ng mga separatista ang mga gusali ng pamahalaan sa mga lungsod ng oblast, kasama na ang Mariupol, Horlivka, Sloviansk, Kramatorsk, Yenakiieve, Makiivka, Druzhkivka, at Zhdanivka.

Unang Standoff

baguhin

Ipinangako ng acting president ng Ukraine na si Oleksandr Turchynov na magsasagawa siya ng isang malaking operasyon laban sa mga kilusang separatista sa Donetsk. Sinabi ni Arsen Avakov, Ministro ng Ugnayag Panloob noong 9 Abril na ang kaguluhan sa Donetsk ay mareresolba sa loob ng 48 oras sa pamamagitan ng negosasyon o sa paggamit ng puwersa. Pinirmahan ni acting president Turchynov ang isang decree para makontrol muli ang gusali ng Donetsk RSA at isailalim ito sa "state protection" at bigyan ng amnestiya ang mga demonstrador kung sila'y susuko.

Paglawak ng teritoryo

baguhin

Sinugod ng mga separatista ang opisina ng Ministeryo ng Ugnayang Panloob sa lungsod ng Donetsk noong 12 Abril. Pagkatapos ng negosasyon sa pagitan ng mga militante at mga taong nasa loob ng gusali, ang pinuno ng opisina ay nagbitiw sa puwesto. Ang mga opisyal ng Berkut special police force na binuwag ng pamahalaan noong kasagsagan ng rebolusyon ng Pebrero ay sumali sa panig ng mga separatista. Pagkatapos nito, nagsimula nang palawakin ng mga militante ang kanilang kontrol sa buong lungsod. Ang gusali ng municipal administration ay sinugod at inokupa ng mga separatista noong 16 Abril. Nakontrol rin ng mga separatista ang opisina ng regional state television network noong 27 Abril. Pagkatapos makuha ang broadcasting center, sinimulan ng mga separatista na i-broadcast ang mga television channels ng Rusya. Noong 4 Mayo, iwinagayway ang bandila ng Donetsk People's Republic sa police headquarters sa city proper.

Sloviansk

baguhin
 
Inokupa ng mga separatista ang gusali ng Sloviansk city administration, 14 Abril 2014

Kinontrol ng mga militanteng Ruso sa ilalim ni Colonel Igor Girkin ang gusali ng city administration, mga opisina ng pulis at gusali ng SBU sa Sloviansk, isang lungsod sa hilagang bahagi ng Donetsk, noong Abril 12. Matapos makontrol ng mga militante ang lungsod, nagpakita si Nelya Shtepa, ang mayor ng Sloviansk, sa isang istasyon ng pulis at nagpahayag ng suporta sa mga militante. Ikinulong si Shtepa ng mga militante at siya'y pinalitan ng self-proclaimed na si Vyacheslav Ponomarev bilang "people's mayor". Nakuha ng mga militante ang mga armas ng mga pulis sa lungsod. Agad naglunsad ang pamahalaan ng isang operasyon para makuha muli ang lungsod. Nagsimula ang opensiba noong 13 Abril. Natapos ang operasyon noong 5 Hulyo, nang makubkob ang lungsod ng mga sundalong Ukranyano. Si Mayor Shtepa ay inaresto noong 11 Hulyo dahil sa umano'y pakikipagsabwatan sa mga separatista.

Kramatorsk

baguhin

Sa Kramatorsk, isang lungsod sa hilagang Donetsk, inatake ng mga separatista ang isang istasyon ng pulis noong 13 Abril. Nakuha rin ito ng mga miyembro ng Donetsk People's Militia makalipas ang ilang oras. Itinaas nila ang bandila ng DPR sa gusali. Nagbigay sila ng ultimatum sa alkalde ng lungsod na kung hindi sila manunumpa ng katapatan sa Republika, siya ay tatanggalin sa pwesto. Samantala, pinalibutan ng isang grupo ng mga demonstrador ang gusali ng city administration. Nakontrol nila ang gusali at itinaas ang bandila ng DPR.

Pagkatapos ang kontra-opensiba ng gobyerno noong 2–3 Mayo, pumunta ang mga separatista sa okupadong gusali ng SBU sa Kramatorsk. Pero umatras pa rin ang mga puwersang Ukranyano sa lungsod nang walang dahilan kaya nabawi agad ng mga separatista ang lungsod. Nagpatuloy ang mga labanan hanggang 5 Hulyo, nang umatras ang mga separatista mula sa Kramatorsk.

Horlivka

baguhin

Tinangka ng mga militante na kontrolin ang headquarters ng mga pulis sa Horlivka noong 12 Abril pero ito'y nahinto. Iniulat ng Ukrayinska Pravda na ang dahilan ng pagtatangka ay para makapasok sa imbakan ng baril ng headquarters. Sinabi ng mga pulis na gagamit sila ng puwersa kung kinakailangan laban sa mga "kriminal at terorista". Noong 14 Abril nakuha ng mga militante ang gusali matapos ang isang mainit na standoff sa mga pulis. Ilang mga pulis ang pumanig sa DPR sa araw na iyon samantalang ang mga natirang pulis ay umatras, dahilan upang makuha ng mga militante ang gusali. Ang lokal na hepe ng mga pulis ay nahuli at binugbog ng mga militante noong 17 Abril. Isang konsehal ng lungsod ang dinukot ng mga di kilalang tao na pinaniniwalaang mga militanteng pro-Russian. Natagpuan ang kanyang katawan sa isang ilog noong 22 Abril 2014. Nakuha ng mga militante ang gusali ng city administration na nagpaigting sa pagkontrol sa Horlivka. Ang self-proclaimed mayor ng Horlivka na si Volodymyr Kolosniuk ay inaresto ng SBU noong 2 Hulyo 2014 dahil sa suspetsang pagsali sa mga "gawain ng mga terorista".

Mariupol

baguhin

Nakontrol noong 13 Abril 2014 ng mga aktibista ng DPR ang gusali ng city administration. Lumala ang labanan ng mga sundalong Ukranyano at mga grupong pro-Russian noong Mayo 2014, nang sandaling nakuha ng mga Ukrainian National Guard ang gusali ng city administration. Nabawi naman agad ang gusali ng mga puwersang pro-Russian. Naglunsad ng pag atake ang mga militante sa isang istasyon ng pulis. Dahil dito, nagpadala ang gobyerno ng mga sundalo. Nasunog ang gusali ng city administration. Noong 16 Mayo 2014, pinalayas ng mga pulis at security forces ang mga militante sa mga gusali ng lungsod. Maraming mga militante ang umalis sa lungsod. Noong 13 Hunyo 2014, nakuha ng mga tropang Ukranyano ang lungsod sa tulong ng National Guard. Idineklara ang Mariupol bilang bagong kabisera ng oblast ng Donetsk matapos makontrol ng mga separatista ang lungsod ng Donetsk, ang orihinal na kabisera ng oblast.

Ibang mga lungsod

baguhin

Maraming mga maliliit na lungsod sa Donbass ang napasakamay ng mga separatista. Sa Artemivsk noong 12 Abril, nabigo ang mga separatista na mapasakamay ang opisina ng lokal na Ministeryo ng Ugnayang Panloob, sa halip ay kinontrol nila ang gusali ng city administration at iwinagayway ang bandila ng DPR. Napasakamay din nila ang mga gusali ng city administration sa Yenakiieve at Druzhkivka. Napigilan ng mga pulis ang pag-atake ng mga separatista sa isang opisina ng Ministeryo ng Ugnayang Panloob sa Krasnyi Lyman noong 12 Abril pero nakuha pa rin ang ang gusali ng mga separatista pagkatapos ng isang skirmish. Nakubkob ng mga taong miyembro ng Donbass People's Militia ang gusali ng regional administration sa Khartsyzk noong 13 Abril na sinundan naman ng isa pang gusali ng local administration sa Zhdanivka noong 14 Abril.