Talahuluganan
Ang diksiyonaryo[1] (talahuluganan,[1] talatinigan[1]) ay isang aklat ng mga nakatalang mga salita ng isang partikular na wika na ang ayos ay ayon sa pagkakasunud-sunod ng titik ng abakada o alpabeto. Nakatala rin dito ang mga kahulugan ng salita, maging ang mga etimolohiya o pinagmulan ng salita, mga pagbigkas (diksiyon), at iba pang mga impormasyon;[2] o isa rin itong aklat – na kung tawagin ay leksikon (lexicon) na may mga nakatalang salita ng isang wika at nakaayos din ayon sa mga titik ng abakada o alpabeto ngunit naglalaman naman ng mga katumbas na salita sa ibang wika.[2] Ang tawag sa taong tagapaghulog o tapagtala ng mga salita sa isang diksiyunaryo ay diksiyonarista[kailangan ng sanggunian] (leksikograpo).[1] Kung susuriin, ang salitang talatinigan ay nangangahulugang listahan ng mga pagbigkas, subalit minsan din itong ginagamit na panturing sa aklat na diksiyunaryo.[1]
Sa maraming mga lengguwahe, ang mga salita ay maaaring lumitaw sa maraming anyo, ngunit tanging ang mga walang pagbabago ang makikitang gumaganap bilang salitang-ugat o punong-salita sa maraming mga talahuluganan. Pinakakaraniwan na ang matagpuan sa anyo ng isang aklat ang mga diksiyunaryo, ngunit may ilang mga bago at makabagong diksiyunaryo, katulad ng StarDict at ng New Oxford American Dictionary sa Mac OS X, ay mga software na talahuluganan na umaandar sa mga PDA o kompyuter. Marami ring mga sityo ng mga diksiyunaryong mapupuntahan sa pamamagitan ng Internet.
Kasaysayan
baguhinAng pinakaunang diksiyunaryo ng wikang Tsino, ang Shuowen Jiezi, ay isinulat noong mga 100 CE. Ayon sa Mga Kronika ng Hapon o Nihon Shoki (日本書紀), ang mga diksiyunaryong Hapones ay nagsimula pa noong 682 CE, bagaman ang pinakaunang talahuluganan na tumatalakay sa mga masagisag na panitik (logogramong karakter) ng wikang Tsino. Ang pinakaunang diksiyunaryong naisulat ay ginawa ng mga Babilonyano noong ika-6 dantaon BCE.
Ang mga pinakaisinaunang mga talahuluganang Europyano ay mga pandalawahang-wikang diksiyunaryo. Ang mga ito ay mga talaturingan (glosaryo, o tala ng mga kahulugan) para sa mga salita ng wikang Pranses, Italyano o Latin, na kasama ang mga katumbas na kahulugan sa Ingles ng mga dayuhang salita.
Ang isang isinaunang talaan ng mga 8,000 salitang Ingles, na hindi alpabetiko ang pagkakasunud-sunod ng ayos ng titik, ay ang Elementarie na nilikha ni Richard Mulcaster noong 1582.[3][4]
Ang pinakaunang diksiyunaryong naglalaman lamang ng mga salita sa wikang Ingles, at nakaayos din na batay sa alpabeto nito, ay ang A Table Alphabeticall, na isinulat ni Robert Cawdrey, isang guro sa isang paaralan sa Inglatera, noong 1604.
Datapwa, ang pagkakasunud-sunod na alpabetiko ay nagpatuloy na madalang hanggang sa ika-18 dantaon. Bago pa man ang mga talaang alpabetiko, ang mga talahulugan ay nakaayos ayon sa paksa, halimbawa na ang isang tala ng mga hayop na magkakasamang lahat sa nagiisang paksa.
Sa pampanitikan at mapaglarong gamit ng mga pananalita sa wikang Ingles, ang mga diksiyunaryong maramihan ay tinaguriang kawan ng mga talahuluganan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 English, Leo James (1977). "Disksiyunaryo". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Webster's New World College Dictionary, Fourth Edition, 2002
- ↑ 1582 - Mulcaster's Elementarie Naka-arkibo 2017-10-11 sa Wayback Machine., Learning Dictionaries and Meaning, The British Library
- ↑ A Brief History of English Lexicography Naka-arkibo 2008-03-09 sa Wayback Machine., Peter Erdmann and See-Young Cho, Technische Universität Berlin, 1999.