Dilma Rousseff
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Si Dilma Vana Rousseff (ipinganganak 14 Disyembre 1947) ay isang ekonomista at politiko sa Brazil. Siya ay nasisilbi bilang ika-36 Pangulo ng Brazil. Siya ang unang babae sa puwesto.[1] Siya ay dating Chief of Staff ni Pangulong Luiz Inácio Lula da Silva mula 2005 hanggang 2010.[2]
Dilma Rousseff | |
---|---|
ika-36 Pangulo ng Brazil | |
Nasa puwesto 1 Enero 2011 – 31 Agosto 2016 Nasuspende: 12 Mayo 2016 – 31 Agosto 2016 | |
Pangalawang Pangulo | Michel Temer |
Nakaraang sinundan | Luiz Inácio Lula da Silva |
Sinundan ni | Michel Temer |
Chief of Staff of the Presidency | |
Nasa puwesto 21 Hunyo 2005 – 31 Marso 2010 | |
Pangulo | Luiz Inácio Lula da Silva |
Nakaraang sinundan | José Dirceu |
Sinundan ni | Erenice Guerra |
Minister of Mines and Energy | |
Nasa puwesto 1 Enero 2003 – 21 Hunyo 2005 | |
Pangulo | Luiz Inácio Lula da Silva |
Nakaraang sinundan | Francisco Luiz Sibut Gomide |
Sinundan ni | Silas Rondeau |
Personal na detalye | |
Isinilang | Dilma Vana Rousseff 14 Disyembre 1947 Belo Horizonte, Brazil |
Kabansaan | Brazilian |
Partidong pampolitika | Workers' Party |
Asawa | Cláudio Galeno Linhares (1967–69) Carlos Franklin Paixão de Araújo (1969–2000) |
Anak | Paula Rousseff Araújo (ipinanganak 1976) |
Tahanan | Alvorada Palace (opisyal) Porto Alegre (pribado) |
Alma mater | Universidade Federal do Rio Grande do Sul |
Propesyon | Ekonomista Politiko |
Pirma | |
Websitio | Official website |
Anak ng isang negosyanteng Bulgarian, lumaki si Rousseff sa isang pamilyang upper middle class sa Belo Horizonte, Minas Gerais.[2] Siya ay naging sosyalista sa kanyang kabataan, at matapos ang coup d'état noong 1964 sumapi siya sa iba't ibang makakaliwa at Marxistang urban guerrilla groups na lumaban laban sa diktadurang militar. Si Rousseff ay nahuli at nabilanggo mula 1970 at 1972, sa panahong iyon ay naiulat pinahirapan (tortured).[2][3]
Matapos mapalaya, nagsimula ulit si Rousseff ng buhay sa Porto Alegre kasama ni Carlos Araújo, na kanyang magiging ka-partner ng 30 taon.[2] Tumulong sila sa pagtatag ng Partido Democrático Trabalhista (PDT; Democratic Labour Party) sa Rio Grande do Sul, at lumahok sa ilang kampayang panghahalan ng partido. Siya ay naging Secretary of the Treasury of the City of Porto Alegre sa administrasyong Alceu Collares, sumunod ay naging Secretary of Energy of the State of Rio Grande do Sul sa administrasyong Collares at Olívio Dutra.[2] Noong 2000, matapos ng panloob na alitan sa gabineteng Dutra, iniwan niya ang PDT at sumapi sa Partido dos Trabalhadores (PT; Workers' Party).[2]
Noong 2002, sumapi si Rousseff sa komiteng gagawa ng polisiya sa enerhiya ng kandidato sa pagkapangulo na si Luiz Inácio Lula da Silva. Nang manalo si da Silva sa halalan, inanyayahan niya si Rousseff upang maging Minister of Energy.[2] Noong 2005, isang krisis pampolitikang dulot ng isang corruption scandal ang nagtulak sa pagbibitiw ni Chief of Staff José Dirceu. Si Rousseff ang humalili sa puwesto, at nanatili hanggang 31 Marso 2010, nang siya ay bumabab upang tumakbo sa pagkapangulo.[2] Siya ay nahalal sa isang run-off noong 31 Oktubre 2010, tinalo niya ang kandidato ng Partido da Social Democracia Brasileira (PSDB) na si José Serra, at nahalal muli noong 26 Oktubre 2014 laban kay Aécio Neves, kandidato rin ng PSDB.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ EFE.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 Bennett, Allen." Naka-arkibo 2010-04-09 sa Wayback Machine.
- ↑ "Ex-Guerrilla to be Brazil's First Female President". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-11-04. Nakuha noong 2015-10-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dilma Rousseff re-elected Brazilian president". BBC Online. 26 Oktubre 2014. Nakuha noong 26 Oktubre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)