Luiz Inácio Lula da Silva
Si Luiz Inácio Lula da Silva (Portuges na Brasilyano: [luˈiz iˈnasju ˈlulɐ dɐ ˈsiwvɐ] ( pakinggan) ; ipinanganak si Luiz Inácio da Silva ; 27 Oktubre 1945),[1] na kilala bilang Lula, ay isang Brasilyanong politiko at unyonistang manggagawa na nagsilbi bilang ika-39 na pangulo ng Brazil mula noong 1 Enero 2023.[2][3] Isang miyembro ng Partido para sa Manggagawa, siya ay dating ika-35 na pangulo mula 2003 hanggang 2010.[4] Siya ang kauna-unahang pangulo ng Brazil na nahalal sa ikatlong termino at ang unang nakatalo sa isang kasalukuyang pangulo sa isang halalan. Sa edad na 77, siya ang pinakamatandang pangulo ng Brazil sa panahon ng kanyang inagurasyon.
Luiz Inácio Lula da Silva | |
---|---|
Pangulo ng Brazil | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan 1 Enero 2023 | |
Pangalawang Pangulo | Geraldo Alckmin |
Nakaraang sinundan | Jair Bolsonaro |
Nasa puwesto 1 Enero 2003 – 31 Disyembre 2010 | |
Pangalwang Pangulo | José Alencar |
Nakaraang sinundan | Fernando Henrique Cardoso |
Sinundan ni | Dilma Rousseff |
National President of the Workers' Party | |
Nasa puwesto 15 Hulyo 1990 – 24 Enero 1994 | |
Nakaraang sinundan | Luiz Gushiken |
Sinundan ni | Rui Falcão |
Nasa puwesto 9 Agosto 1980 – 17 Enero 1988 | |
Nakaraang sinundan | Itinalaga sa posisyon |
Sinundan ni | Olívio Dutra |
Member of the Chamber of Deputies | |
Nasa puwesto 1 Pebrero 1987 – 1 Pebrero 1991 | |
Konstityuwensya | São Paulo |
Personal na detalye | |
Isinilang | Luiz Inácio da Silva 27 Oktubre 1945 Caetés, Pernambuco, Brazil |
Partidong pampolitika | PT (1980–present) |
Asawa |
|
Anak | 5 |
Tahanan | Palácio da Alvorada |
Edukasyon | National Service for Industrial Training |
Trabaho | Metalworker, trade unionist |
Pirma | |
Websitio | lula.com.br |
Kabilang sa mga uring-manggagawa, lumipat siya bilang isang bata mula sa Pernambuco patungong São Paulo kasama ang kanyang pamilya. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang isang manggagawang metal at kalakalang unyonista. Sa panahon ng diktadurang militar sa Brazil, pinamunuan niya ang mga pangunahing welga ng manggagawa sa pagitan ng 1978 at 1980, at tumulong sa pagsisimula ng Partido para sa mga Manggagawa noong 1980, sa pagbubukas ng pulitika ng Brazil. Si Lula ay isa sa mga pangunahing pinuno ng kilusang Diretas Já na humihiling ng pagsasagawa ng mga demokratikong halalan. Noong halalang lehislatibo ng 1986, nahalal siya bilang diputadong pederal sa estado ng São Paulo na may pinakamaraming boto sa buong bansa. Pinatakbo niya ang kanyang unang pangunahing kampanya noong halalang pagpakapangulo ng Brazil ng taong 1989, natalo siya sa ikalawang round kay Fernando Collor de Mello. Dalawang beses pa siyang tumakbo noong 1994 at 1998 halalang pagkapangulo, natalo sa parehong halalan sa unang round kay Fernando Henrique Cardoso. Nanalo siya sa 2002 Brazilian presidential election, natalo niya si José Serra sa ikalawang pag-ikot ng boto. Siya ay muling nahalal noong 2006 Brazilian presidential election, tinalo naman niya si Geraldo Alckmin sa ikalawang pag-ikot ng boto.[5]
Inilarawan bilang isang taong may paniniwala sa pagbabago,[6][7][8] ang unang pagkapangulo ni Lula, na kasabay ng unang malarosas na alon sa rehiyon, ay minarkahan ng pagsasama-sama ng mga programang panlipunan tulad ng Bolsa Família at Fome Zero, na humantong sa Brazil na umalis sa Hunger Map ng UN.[9] Sa kanyang dalawang termino sa panunungkulan, nagsagawa siya ng mga radikal na reporma, na humahantong sa paglago sa GDP ng bansa, isang pagbawas sa pampublikong utang at inplasyon, at pagtulong sa 20 milyong Brasilyano na makatakas sa kahirapan.[10] Ang kahirapan, hindi pagkapantay-pantay ng karapatan, kawalan ng edukasyon, kawalan ng trabaho, infant mortality, at ang rito ng nagtratrabahong kabataan ay bumagsak nang malaki, habang ang minimum na sahod at average na kita ay tumaas, at ang access sa paaralan, unibersidad, at pangangalagang pangkalusugan ay pinalawak. Ginampanan niya ang isang kilalang papel sa patakarang panlabas, sa antas ng rehiyon (bilang bahagi ng BRICS) at bilang bahagi ng pandaigdigang kalakalan at negosasyon na makakatulong sa kapaligiran.[11] Si Lula ay itinuturing na isa sa mga pinakasikat na pulitiko sa kasaysayan ng Brazil at isa sa pinakasikat sa mundo habang siya ay nagsisilbi bilang pangulo.[12][13][14] Ang kanyang unang termino ay minarkahan ng maraming iskandalo, lalo na ang iskandalong Mensalão at Escândalo dos sanguessugas . Pagkatapos ng pangkalahatang halalan sa Brazil noong 2010, pinalitan siya ng kanyang dating Chief of Staff na si Dilma Rousseff.[15]
Pagkatapos ng kanyang unang pagkapangulo, si Lula ay nanatiling aktibo sa larangan ng pulitika at nagsimulang magbigay ng mga lektura sa Brazil at sa ibang bansa. Noong 2016, itinalaga siya bilang Chief of Staff ni Rousseff, ngunit ang pagkakatalaga ay sinuspinde ng Korteng Pederal Suprema.[16][17] Noong Hulyo 2017, hinatulan si Lula sa mga kaso ng pagnanakaw ng pera at katiwalian sa isang kontrobersyal na paglilitis, at sinentensiyahan ng siyam at kalahating taon sa bilangguan. Ang pederal na hukom ng kaso, si Sergio Moro, ay naging Ministro ng Hustisya at Pampublikong Seguridad sa gobyerno ni Bolsonaro.[18] Pagkatapos ng hindi matagumpay na apela sa korte, inaresto si Lula noong Abril 2018 at gumugol ng 580 na araw sa bilangguan.[19][20][21] Tinangka ni Lula na tumakbo sa 2018 Brazilian presidential election ngunit hindi siya pinayagan sa ilalim ng Batas Ficha Limpa ng Brazil.[22] Noong Nobyembre 2019, pinasiyahan ng Korteng Pederal Suprema na ang mga pagkakakulong na may nakabinbing apela ay labag sa batas at si Lula ay pinalaya mula sa bilangguan bilang resulta.[23] Noong Marso 2021, pinasiyahan ni Supreme Federal Court Justice na si Edson Fachin na dapat mapawalang-bisa ang lahat ng hatol ni Lula dahil nilitis siya ng korte na walang tamang hurisdiksyon sa kanyang kaso.[24] Ang desisyon ni Fachin, na kinumpirma ng ibang mga Mahistrado ng Korte Suprema noong Abril 2021, ay nagpanumbalik sa mga karapatang pampulitika ni Lula.[25] Ang Supreme Federal Court ay nagpasiya noong Marso 2021 na si hukom Moro, na namamahala sa kanyang paglilitis sa katiwalian, ay may kinikilingang bahagi sa kontrobersya.[26] Ang lahat ng mga kaso na dinala ni Moro laban kay Lula ay pinawalang-bisa noong Hunyo 24, 2021. Kasunod ng desisyon ng korte, legal na pinahintulutan si Lula na tumakbong pangulo muli sa halalang 2022, at tinalo si Bolsonaro sa runoff.[27] Siya ay nanumpa noong 1 Enero 2023.[28][29][30] Makalipas ang isang linggo, ang Praça dos Três Poderes ay inatake sa isang pagsalakay na pinamunuan ng mga taga-suporta ni Jair Bolsonaro. Kinondena niya ang pag-atake at nangakong parurusahan ang lahat ng kasangkot sa nangyaring kaguluhan.
Maagang buhay
baguhinSi Luiz Inácio da Silva ay ipinanganak noong 27 Oktubre 1945 (nakarehistro sa petsa ng kapanganakan noong 6 Oktubre 1945) sa Caetés (noo'y isang distrito ng Garanhuns), na matatagpuan 250 km (150 milya) mula sa Recife, kabisera ng Pernambuco, isang estado sa Hilagang-silangang bahagi ng Brazil. Siya ang ikapito sa walong anak nina Aristides Inácio da Silva at Eurídice Ferreira de Melo, isang mag-asawang magsasaka na nakaranas ng taggutom sa isa sa pinakamahihirap na bahagi ng rural na lupain.[2] Dalawang linggo pagkatapos ng isilang si Lula, lumipat ang kanyang ama sa Santos, São Paulo, kasama si Valdomira Ferreira de Góis, isang pinsan ni Eurídice. Pinalaki siyang isang Romano Katoliko.[31] Ang ina ni Lula ay may lahing Portuges at may pagkabahagyang Italyano.
Noong Disyembre 1952, nang si Lula ay pitong taong gulang, inilipat ng kanyang ina ang pamilya sa São Paulo upang muling samahan ang kanyang asawa. Pagkatapos ng 13 araw na paglalakbay sa isang pau-de-arara (isang bukas na higaan ng trak), nakarating sila sa Guarujá at natuklasan na ang kanyang asawa na si Aristides ay bumuo ng pangalawang pamilya kasama si Valdomira. Ang dalawang pamilya ni Aristides ay nanirahan sa iisang bahay sa loob ng ilang panahon, ngunit hindi sila masyadong nagkakasundo, at pagkaraan ng apat na taon, lumipat si Eurídice kasama ang kanyang mga anak sa isang maliit na silid sa likod ng isang inuman sa São Paulo. Pagkatapos nito, bihirang makita ni Lula ang kanyang ama, na namatay bilang isang lasinggero noong 1978.
Personal na buhay
baguhinSi Lula ay ikinasal ng tatlong beses. Noong 1969, pinakasalan niya si Maria de Lourdes, na namatay sa sakit na hepatitis noong 1971 habang nagdadalang-tao sa kanilang unang anak kung saan ito ay namatay din.[32] Noong 1974, nagkaroon ng anak na babae si Lula, si Lurian, kasama ang nobya niyang si Miriam Cordeiro. Ang dalawa ay hindi kailanman ikinasal, at nagsimula lamang siyang makilahok sa buhay ng kanyang anak noong ito ay isang dalaga na.[33] Noong 1974, pinakasalan ni Lula si Marisa Letícia Rocco Casa, isang balo, kung saan nagkaroon siya ng tatlong anak na lalaki. Inampon din niya ang anak niya mula kay Marisa, ang unang kasal niya. Nanatiling kasal sila ni Lula at Marisa sa loob ng 43 taon, hanggang sa kanyang kamatayan noong 2 Pebrero 2017 pagkatapos mamatay sa sakit na stroke.[34] Noong 2017 pa rin, nakilala niya at nagsimula ng isang relasyon kay Rosângela da Silva, na kilala bilang Janja, ngunit naging pampubliko lamang ito noong 2019 habang nakakulong siya sa Curitiba, Paraná, dahil sa mga kasong katiwalian na kalaunan ay ibinaba.[35] Ikinasal si Lula kay Janja noong 18 Mayo 2022.[3]
Edukasyon at trabaho
baguhinSi Lula ay nakakuha ng kaunting pormal na edukasyon. Hindi siya natutong magbasa hanggang siya ay sumapit ng sampung taong gulang.[36] Kalaunan huminto siya sa pag-aaral pagkatapos ng ikalawang baitang upang magtrabaho para makatulong sa kanyang pamilya. Ang kanyang unang trabaho sa edad na 8 ay nasa Guarujá pa rin bilang isang magtitinda sa kalsada.[5] Noong siya ay 12 taong gulang, nagtrabaho siya bilang tagapag-ayos ng sapatos at nagtitinda sa kalye ng São Paulo. Noong 1960, noong siya ay nasa edad na 14, nakuha niya ang kanyang unang pormal na trabaho bilang isang empleyado ng bodega.[37]
Noong 1961, nagsimula siyang magtrabaho bilang isang baguhan ng press operator habang nag-aaral sa isang kursong bokasyonal sa industriyang metalurhiko na gumagawa ng mga turnilyo. Sa panahong ito, unang nakipag-ugnayan si Lula sa mga paggalaw ng welga. Matapos mabigo ang kilusan sa negosasyon, umalis si Lula sa kumpanya para sa isa pang industriya ng metalurhiko. Doon, nawala ang kanyang kaliwang kamay niya sa edad na 19 sa isang aksidente Ito ay nangyari habang nagtatrabaho siya bilang press operator sa pabrika.[36] Pagkatapos ng aksidente, kinailangan niyang tumakbo sa ilang ospital bago siya makatanggap ng medikal na atensyon. Ang karanasang ito ay nagpataas ng kanyang interes sa paglahok sa Unyon ng mga Manggagawa. Noong panahong iyon, naging kasangkot siya sa mga aktibidad ng unyon at humawak ng ilang mahahalagang posisyon sa iloob ng pakikisama niya sa unyon.[37][38]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Jeff Wallenfeldt (10 Abril 2018). "Luiz Inácio Lula da Silva". Encyclopædia Britannica. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Hulyo 2019. Nakuha noong 27 Hulyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Magalhaes, Luciana; Pearson, Samantha (2022-10-30). "Brazil's Luiz Inácio Lula da Silva Wins Presidential Election, Beating Jair Bolsonaro". The Wall Street Journal (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Nobyembre 2022. Nakuha noong 2022-11-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Phillips, Tom; Malleret, Constance (2022-10-30). "Lula stages astonishing comeback to beat far-right Bolsonaro in Brazil election". The Guardian (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Nobyembre 2022. Nakuha noong 2022-11-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Luiz Inácio Lula da Silva" (sa wikang Portuges). Biblioteca da Presidência da República. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Marso 2017. Nakuha noong 30 Hunyo 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Jeantet, Diane; Saverese, Mauricio (30 Oktubre 2022). "Lula defeats Bolsonaro to again become Brazil's president". AP News. Associated Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Oktubre 2022. Nakuha noong 31 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Boadle, Anthony (2022-10-31). "Brazil leftist Lula wins third presidential term to redeem tarnished legacy". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Nobyembre 2022. Nakuha noong 2022-11-01.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Magalhaes, Luciana; Pearson, Samantha (2022-10-30). "Brazil's Luiz Inácio Lula da Silva Wins Presidential Election, Beating Jair Bolsonaro". The Wall Street Journal. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Nobyembre 2022. Nakuha noong 2022-11-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Phillips, Tom; Malleret, Constance (2022-10-30). "Lula stages astonishing comeback to beat far-right Bolsonaro in Brazil election". The Guardian. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Nobyembre 2022. Nakuha noong 2022-11-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Brazil removed from UN World Hunger Map". AP News (sa wikang Ingles). Setyembre 16, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Nobyembre 2022. Nakuha noong 2022-11-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "How left-wing on economics is Luiz Inácio Lula da Silva?". The Economist. ISSN 0013-0613. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Nobyembre 2022. Nakuha noong 2022-11-01.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ de Almeida, Paulo Roberto (2009), Love, Joseph L.; Baer, Werner (mga pat.), "Lula's Foreign Policy: Regional and Global Strategies", Brazil under Lula: Economy, Politics, and Society under the Worker-President (sa wikang Ingles), New York: Palgrave Macmillan US, pp. 167–183, doi:10.1057/9780230618374_10, ISBN 978-0-230-61837-4, inarkibo mula sa orihinal noong 14 Enero 2023, nakuha noong 2022-11-01
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lula leaves office as Brazil's 'most popular' president". BBC News. British Broadcasting Corporation. 31 Disyembre 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Enero 2011. Nakuha noong 4 Enero 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Most Popular Politician on Earth". 31 Disyembre 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Disyembre 2010. Nakuha noong 4 Enero 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lula's last lap". The Economist. 8 Enero 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Pebrero 2018. Nakuha noong 4 Enero 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jeantet, Diane; Saverese, Mauricio (30 Oktubre 2022). "Lula defeats Bolsonaro to again become Brazil's president". AP News. Associated Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Oktubre 2022. Nakuha noong 31 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Brazil judge blocks Lula appointment to government". BBC News. British Broadcasting Corporation. 17 Marso 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Marso 2016. Nakuha noong 17 Marso 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Justice Gilmar Mendes suspends Lula's nomination as Chief of Staff". Correio Braziliense (sa wikang Portuges). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Marso 2016. Nakuha noong 18 Marso 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bolsonaro appoints judge who helped jail Lula to lead justice ministry". the Guardian (sa wikang Ingles). 1 Nobyembre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Marso 2021. Nakuha noong 22 Enero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sergio Lima, Mario; Adghirni, Samy (5 Abril 2018). "Brazilian Judge Orders Arrest of Former President Lula". Bloomberg.com. Bloomberg. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2019. Nakuha noong 6 Abril 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lopes, Marina (5 Abril 2018). "Lula verdict plunges Brazil into political chaos ahead of presidential election". The Washington Post (sa wikang Ingles). ISSN 0190-8286. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Abril 2018. Nakuha noong 5 Abril 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Brazil's former president Lula walks free from prison after supreme court ruling". the Guardian (sa wikang Ingles). 8 Nobyembre 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Marso 2021. Nakuha noong 18 Marso 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lopes, Marina (31 Agosto 2018). "Brazil's jailed former president Lula barred from running again by electoral court". The Washington Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Setyembre 2018. Nakuha noong 1 Setyembre 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Brazil's former president Lula walks free from prison after supreme court ruling". The Guardian. 8 Nobyembre 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Nobyembre 2019. Nakuha noong 8 Nobyembre 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Fachin anula condenações de Lula relacionadas à Lava Jato; ex-presidente volta a ser elegível". G1 (sa wikang Portuges). 8 Marso 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Marso 2021. Nakuha noong 8 Marso 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lula: Brazil's ex-president cleared by Supreme Court". Reuters (sa wikang Ingles). 8 Marso 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Abril 2021. Nakuha noong 16 Abril 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lula judge was biased, Brazil supreme court rules, paving way to challenge Bolsonaro". The Guardian (sa wikang Ingles). Associated Press. 24 Marso 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hulyo 2021. Nakuha noong 14 Hulyo 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nicas, Jack (2022-10-30). "Brazil ejects Bolsonaro and brings back the former leftist leader Lula". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Oktubre 2022. Nakuha noong 2022-11-02.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Savavrese, Mauricio; Bridi, Carla (Enero 1, 2022). "Lula sworn in as president to lead polarized Brazil". Associated Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Enero 2023. Nakuha noong Enero 1, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nicas, Jack (2022-10-30). "Brazil Elects Lula, a Leftist Former Leader, in a Rebuke of Bolsonaro". The New York Times. ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Oktubre 2022. Nakuha noong 2022-11-01.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Boadle, Anthony (2022-10-31). "Brazil leftist Lula wins third presidential term to redeem tarnished legacy". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Nobyembre 2022. Nakuha noong 2022-11-01.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Feltrin, Ricardo (6 Abril 2005). ""Lula é um católico a seu modo", diz d. Cláudio Hummes". Folha de S.Paulo. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Oktubre 2018. Nakuha noong 3 Oktubre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Narciso, Paulo. "Da distante Paulicéia, Lula vinha namorar todas as noites". Hoje em Dia (sa wikang Portuges). Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Oktubre 2011. Nakuha noong 14 Disyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fordeleone, Yolanda. "Lurian, filha de Lula, foi atendida no hospital Sírio-Libanês". Estadão. Grupo Estado. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hunyo 2013. Nakuha noong 3 Oktubre 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Souza Cruz, Bruna; Bianchi, Paula (2 Pebrero 2017). "Marisa Letícia tem morte cerebral, e família autoriza doação de órgãos". UOL Notícias. Grupo Folha. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Pebrero 2017. Nakuha noong 2 Hulyo 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Casamento de Lula: Conheça Janja, socióloga e noiva do ex-presidente". 18 Mayo 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Mayo 2022. Nakuha noong 19 Mayo 2022.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 36.0 36.1 "Lula: Fourth time lucky?". BBC News. British Broadcasting Corporation. 28 Oktubre 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Agosto 2018. Nakuha noong 27 Abril 2007.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 37.0 37.1 "Biography". Presidency of the Federative Republic of Brazil. 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Disyembre 2007. Nakuha noong 2 Setyembre 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Luiz Inácio Lula da Silva". Encyclopedia Britannica. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Hulyo 2019. Nakuha noong 27 Oktubre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)