Si Dioscoro L. Umali (19171992) ay kinilala sa kanyang kontribusyon ukol sa pag-aaral ng genes at pagpapatubo ng mga halaman. Kinilala rin sya sa pagtuklas ng mainam na tubo ng palay, prutas at ornamental na halaman. Pinarangalan siya bilang Pambansang Siyentipiko para sa Genetics at Plant Breeding noong 1986.

Mas kilala sa tawag na "Diosing", isinilang si Dioscoro Umali noong Nobyembre 17, 1917 sa Biñan, Laguna kina Cesorio Umali at Edilberta Gana-Lopez.

Nakapagtapos siya ng Bacholor of Science in Agronomy mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Agrikultura noong 1939 at doctorate degrees - Ph.D. in Genetics and Plant Breeding mula sa Unibersidad ng Cornell sa Estados Unidos noong 1949, Ph.D. in Agricultural Education mula sa Unibersidad ng Xavier noong 1967, Ph.D. in Humanities mula sa Central Luzon State University noong 1979 at Doctor of Science, Honoris Causa mula sa Pamantasang Ateneo de Manila noong 1992.

Ang kanyang pananaliksik para sa mas maiinam na tubo ng palay at iba pang pagkaing buto (grains), legumes, prutas at ornamental na halaman ang nagbigay daan upang umunlad ang pananim sa matataas na lugar (upland agriculture) at mapanatili ang konserbasyon ng paligid at mapagaan ang kahirapan sa kanayunan.

Dahil kay Diosing, ang Kolehiyo ng Agrikultura ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños, Laguna ay kinilalang premyadong institusyon ng mataas na pag-aaral sa buong Asya sa ilalim ng kanyang pamamahala. Ang kanyang kamalayan sa suliranin ng pamumuhay ng maliliit na magsasaka at mangingisda ang nagbunsod na baguhin niya ang sistema ng pag-aaral sa buong kolehiyo at iba pang institusyon. Ito ay upang malutas ang kahirapan at kawalan ng trabaho ng maraming Pilipino.


AghamPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.