Ang disenyong grapiko ay ang proseso ng komunikasyong biswal at ang paglulutas ng problema sa pamamagitan ng paggamit ng uri, ispasiyo, larawan at kulay.

Ang larangan na ito ay itinuturing na bahagi ng komunikasyong biswal at disenyo ng komunikasyon pero minsan ang salitang "disenyong grapiko" ay maaaring pamalit din sa mga ito sapagkat nagsasanib ang mga kasanayang nasasangkot dito. Ang mga nagdidisenyong grapiko ay gumagamit ng iba’t-ibang pamamaraan upang lumikha at magsama ng mga salita, mga simbolo, at mga larawan para gumawa ng biswal na representasyon ng mga ideya at mga mensahe. Ang nagdidisenyo ng mga grapiko ay maaaring gumamit ng isa kombinasyon ng palalimbagan, mga sining biswal, at mga pamamaraan sa paglalalatag ng pahina upang gumawa ng huling resulta. Madalas ang disenyong grapiko ay tumutukoy sa parehong proseso (pagdidisenyo) na kung saan may nabubuong komunikasyon at nililikhang mga produkto(disenyo).

Pangkaraniwang gamit ng disenyong grapiko ay ang mga pagkakakilanlan (mga logo at branding), pahayagan (magasin, diyaryo at libro), tatak na mga lathala, karatula, mga billboard, mga website na grapika at mga elemento, mga palatandaan at mga pagpakete ng produkto. Halimbawa, isang pakete ng produkto ay maaaring may kasamang isang logo o ibang artwork, inayos na teksto at wagas na mga disenyong elemento tulad ng mga larawan, hugis at kulay na nagpapaisa sa piyesa. Ang komposisyon ay isa sa mga importanteng katangian ng disenyong grapiko, lalo na kapag gumagamit ng mga datihang kagamitan o magkakaiba na mga elemento.

Ang isipan ay importanting kasangkapan sa disenyong grapiko. Maliban sa teknolohiya, ang disenyong grapiko ay nangangailangan ng paghatol at pagkamalikhain. Kritikal, praktikal, mapagmasid at analitikong pag-iisip ang kailangan sa pagdisenyo ng mga krokis at pagsasalin. Kung ang tagagawa ay sumusunod lamang sa isang solusyon (hal. Krokis, iskrip o instruksiyon) na nasa kondisyon ng ibang tagadisenyo (tulad ng direktor ng sining) samakatwid ang tagagawa ay hindi karaniwang tinuturing na tagadisenyo.

Mga sanggunian

baguhin