Komunikasyong biswal
Ang komunikasyon biswal ay ang paggamit ng mga elementong biswal upang ihatid ang mga ideya at impormasyon na kinabibilangan ng (subalit hindi limitado sa) mga paskil, tipograpiya, guhit, disenyong grapiko, ilustrasyon, disenyong industriyal, pagpapatalastas, animasyon, at mga mapagkukunang elektroniko.[1] Mayroon nang komunikasyong biswal ang mga tao noong pang panahon bago ang kasaysayan.[2] Sa loob ng makabagong kalinangan, may ilang mga uri at katangian kapag sinasabi ang mga elementong biswal, binubuo ang mga ito ng mga bagay, modelo, grapiko, diyagramo, mapa at litrato.[3] Sa labas ng iba't ibang uri ng katangian at elemento, may pitong bahagi ang komunikasyong biswal: kulay, hugis, mga tono, tekstura, pigura-pundo, balanse, at herarkiya.[3]
Gumaganap ang bawat katangian, elemento, at bahagi sa pang-araw-araw na buhay. Tangan-tangan ng komunikasyong biswal ang partikular na layunin sa mga aspeto tulad ng hatirang pangmadla, kultura, politika, ekonomika, at agham. Sa pagkunsidera sa mga iba't ibang aspetong ito, ipinapakita ng mga elementong biswal ang iba't ibang gamit at kung papaano nito naihahatid ang impormasyon.[4]
Ang pag-aaral ng komunikasyong biswal
baguhinAng mga mag-aaral ng komunikasyong biswal ay tinuturuan ng panimulang pisika ng liwanag, anatomiya at pisyolohiya ng mata, teoryang kognitibo at pagkaunawa, teoryang kulay, sikolohiyang Gestalt, estetika, natural na huwarang sa pag-babasa, prinsipyong pangdisenyo, semiotiks, panghikayat, mga aksyon at mga tipong-imahe (image-types) sa pagkuha ng kamera, at iba pa. Ang mga kolehiyo para sa komunikasyong biswal ay nagkakaiba sa kanilang kaparaanan ngunit karamihan ay pinagsasama ang teoya at pagsasanay sa ilang porma.
Pagsusuring pang-imahen
baguhinAng komunikasyong biswal ay naglalaman ng aspetong pang-imahen. Ang interpretasyon ng imahen ay subhetibo at para maunawaan ang kalaliman at kahulugan, o iba't ibang kahulugan, na ipinararating sa imahen ay kinakailangan ng pagsusuri. Ang mga imahen ay maaaring masuri sa paggamit ng iba't ibang perspektibo, halimbawa ang anim na mga pangunahing perspektibong inilahad ni Paul Martin Lester:[5]
Perspektibong pansarili
baguhinKapag mayroong opinyon ang tagamasid ukol sa imaheng nakabase sa kanilang pansariling saloobin, ang pansariling tugon ay umaasa sa saloobin at pinahalagahan ng tagamasid. Ito ay maaaring magkaroon ng hindi pagkakasundo sa pinahahalagahan ng kultura. Tuwing natatanaw ng tagamasid ang imahen na may kasamang pansariling saloobin din, mahirap ngayon baguhin ang pananaw ng imahen sa tagamasid, kahit na ang imahen ay maaari ding matanaw sa iba pang paraan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Subject Week". www.aubg.edu (sa wikang Ingles). Nobyembre 21, 2020. Nakuha noong 2021-01-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Eddy, Matthew Daniel. "Diagrams" (sa wikang Ingles). in Anthony Grafton, Ann Blair and Anja Sylvia Goeing (Eds.), A Companion to the History of Information (Princeton: Princeton University Press, 2020), 397-401.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong) - ↑ 3.0 3.1 "7 Paramount Components of Visual Communication". Infographic Design Team - Infographics Design - Data Visualization. Retrieved 2021-01-27. https://www.infographicdesignteam.com/blog/components-of-visual-communication/ (sa Ingles)
- ↑ Bordley, Robert F. (Mayo 2009). "The Hippocratic Oath, Effect Size, and Utility Theory" (PDF). Medical Decision Making (sa wikang Ingles). 29 (3): 377–379. doi:10.1177/0272989X09333128. PMID 19380886. S2CID 45802325.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Paul Martin Lester.