Optical disc drive
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang optical disc drive (ODD) ay isang disk drive na gumagamit ng liwanag ng laser light o mga along elektromagnetiko o malapit sa makikitang spektrum ng liwanag bilang bahagi ng proseso ng pagbabasa o pagsulat ng mga datos tungo o mula sa mga optical disc. Ang ilang mga drive ay makakabasa lamang mula sa mga disc ngunit ang mga kamakailang drive ay karaniwang parehong mga tagapagbasa at mga recorder na tinatawag ring mga burner o writer. Ang mga Compact disc, mga DVD at mga Blu-ray disc ang mga karaniwang uri ng mga optical media na mababasa at marerecord ng mga gayong drive. Ang optical drive ang pangalang heneriko. Ang mga drive ay karaniwang inilalarawan bilang "CD" "DVD", o "Blu-ray" na sinundan ng "drive", "writer", etc.
Ang mga optical disc drive ay integral na bahagi ng isang nag-iisang mga consumer appliances gaya ng mga CD player, mga DVD player at mga DVD recorder. Ang mga ito ay karaniwan ring ginagamit sa mga kompyuter upang magbasa ng software at consumer media na nasa disc, at upang mag-record ng mga disc para sa mga mga layuning arkibal at pagpapalit ng datos. Ang mga USB flash drive na may mataas na kapasidad at hindi mahal ay angkop kapag ang kakayahang pagbasa/pagsulat ay kinakailangan.