Distritong pambatas ng Lapu-Lapu

Ang solong Distritong Pambatas ng Lungsod ng Lapu-Lapu ang kinatawan ng mataas na urbanisadong lungsod ng Lapu-Lapu sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Kasaysayan

baguhin

Ang noo'y munisipalidad ng Opon ay dating bahagi ng kinakatawan ng ikalawang distrito ng lalawigan ng Cebu mula 1907. Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 3134 na nilagdaan noong Hunyo 17, 1961, ginawang lungsod at binago ang pangalan ng Opon. Ito'y naging Lungsod ng Lapu-Lapu at nanatiling bahagi ng ikalawang distrito hanggang 1972.

Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon VII sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, muling hinati ang lalawigan ng Cebu sa anim na distritong pambatas noong 1987. Naging bahagi ang Lapu-Lapu ng ikaanim na distrito hanggang 2010.

Taong 2007 nang ginawang mataas na urbanisadong lungsod ang Lapu-Lapu. Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 9726 na naaprubahan noong Oktubre 22, 2009, hiniwalay ang lungsod mula sa ikaanim na distrito ng Cebu upang bumuo ng sariling distrito. Nagsimulang maghalal ng kinatawan ang lungsod noong eleksyon 2010.

Solong Distrito

baguhin
  • Populasyon (2015): 408,112
Panahon Kinatawan
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Arturo O. Radaza
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Aileen C. Radaza
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Ika-18 na Kongreso
2019–2022
Paz C. Radaza

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  • Philippine House of Representatives Congressional Library