Idolo
Ang idolo (tinatawag din sa Pilipinas na anito) ay isang tao o bagay na hinahangaan o sinasamba.[1] Maaari rin itong anumang bagay na sinasamba sa halip na ang tunay na Diyos. Sa mga kapanahunan sa Bibliya, kalimitang mga istatwa ng hindi totoong mga diyos ang mga anito. Maaaring yari ang mga idolong ito sa kahoy, bato, o metal.[2] Tinatawag na idolatriya ang pagsamba sa mga diyus-diyosan o bulag na paghanga sa mga idolong nabanggit.[1] Mayroon ding naniniwala sa mga larawan ng mga diyus-diyosang sinasaad na nagbabantay sa tahanan, katulad ng nabanggit na mga "diyus-diyusang pangtahanan" o terafim (mula sa wikang Hebreo) ni Laban sa Aklat ng Henesis (Henesis 31:19), na katumbas ng mga penates ng sinaunang mga Romano at ng anito ng sinaunang mga Pilipino. Batay sa mga dalubhasa, nagkakaroon ng karapatan sa mana ng isang ama ang sinumang nagdadala ng mga terafim, babae man o lalaki.[3]
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Idol, anito, idolo; idolatry, idolatriya - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ The Committee on Bible Translation (1984). "Idol". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B5. - ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Diyus-diyusan, diyus-diyosan, penates, anito, terafim". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 53.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.