Djehuti
Si Sekhemre Sementawi Djehuti, Djehuty o Thuty ang paraon noong Ikalawang Pagitang Panahon ng Ehipto. Ang kanyang prenomen na Sekhemre Sementawy ay nangangahulugang "Ang Kapangyarihan ni Re ang Nagtatatag ng Dalawang mga Lupain". [1] Pinaniniwalaang siya ay hinalinhan ni Sobekhotep VIII. Si Djehuti ay maaaring bahagi ng Theban na Ikalabinganim na Dinastiya ng Ehipto na nakabase sa Itaas na Ehipto. Siya ay naghari sa loob ng ca. 3 taon pagkatapos ng 1650 BCE ayon kay Kim Ryholt. [2] Ikinatwiran ni Vandersleyen na si Djehuty ay naghari sa wakas ng Ikalabingtatlong Dinastiya ng Ehipto at mas malamang na inilagay ng dalawng mga henerasyon ng lagpas kay Haring Ibiaw.[3] Ang argumentong pumapabor sa petsang Ika-17 dinastiya ay nagmula sa pagkakatuklas ng libingan ng kanyang asawang si Mentuhotep sa Dra' Abu el-Naga' na karaniwang inuugnay sa ika-17 dinastiya. Ang iba gaya ni Bennett ay nagsaad na ito ay hindi kinakailangang mangahulugan na si Djehuty ay inilibing rin sa Dra' Abu el-Naga'. [4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Titulary
- ↑ K. S. B. Ryholt, The political situation in Egypt during the second intermediate period, c. 1800-1550 B.C., Museum Tusculanum Press, 1997, pp 152
- ↑ Ryholt, Note 555 page 152
- ↑ Christina Geisen, Zur zeitlichen Einordnung des Königs Djehuti an das Ende der 13. Dynastie, Studien zur Altägyptischen Kultur, Bd. 32, (2004), pp. 149-157