Sobekhotep VIII
Si Sekhemre Susertawi Sobekhotep VIII[1] ang paraon na naghari sa ika-16 o ika-17 dinastiyang Theban ng Ehipto. Siya ang pinaniniwalaang kahalili sa trono ni Djehuti ayon kay Kim Ryholt. Siya ay naghari sa Itaas na Ehipto sa panahon ng pananakop ng Hyksos ng Memphis at Mababang Ehipto. Ang isang stelang natagpuan sa Karnak na pinetsahan sa epagomenal o huling 5 araw ng kanyang ikaapat na taon ng paghahari ay naglalarawan ng kanyang mga pagtatangka na ipreserba ang templo rito mula sa pinsala ng isang malaking baha ng Ilog Nilo. Siya ay naghari ng 16 taon ayon sa Kanon na Turin.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Titulary of Sobekhotep VIII
- ↑ Kim Ryholt, The Political Situation in Egypt during the Second Intermediate Period c.1800-1550 B.C, Museum Tusculanum Press, (1997), pp.152-154 & 202