Si Doktor Stephen Vincent Strange, pinakakilala bilang Doctor Strange, ay isang kathang-isip na karakter na lumalabas sa mga Amerikanong komiks na inilalathala Marvel Comics. Ginawa ni Steve Ditko, ang karakter ay unang lumabas sa Strange Tales sa ika-110 na isyu na inilathala noong Hulyo 1963. Dating isang doktor sa neurosiruhiya, si Strange ay naninilbihang bilang ang Salamangkerong Supremo (Sorcerer Supreme), ang pangunahing manananggol ng Daigdig laban sa mga mabalaghan at paranormal na mga banta. Unang lumabas sa Silver Age ng komiks, ang karakter ay naitanghal sa mga serye komiks na ipinangalan sa kanya at iba pang mga nilisensya akda katulad ng mga larong bidyo, isang palabas sa telibisyon na animated at mga pelikula.

Doctor Strange
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaMarvel Comics
Unang paglabasStrange Tales #110 (Hulyo 1963)
TagapaglikhaSteve Ditko
Impormasyon sa loob ng kwento
Kasaping pangkatNew Avengers
Illuminati
Defenders
The Order
Midnight Sons
Kilalang alyasStephen Sanders, Vincent Stevens
KakayahanBihasa sa mahika
Pang-henyo na katalinuhan
Bihasa sa Panggagamot

Noong 2012, si Dr. Strange ay itinala bilang ika-33 sa talaan ng IGN na "Ang mga Top 50 na Avengers".[1] Ang isang pelikulang live-action, na itatanghal si Benedict Cumberbatch bilang bida, ay ipapalabas sa 2016.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "The Top 50 Avengers". IGN. 30 Abril 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Marso 2015. Nakuha noong 28 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin
 
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Komiks ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.