Ang DocuDays UA International Human Rights Documentary Film Festival (o kilala rin sa pinaikli nitong pangalan, DocuDays) ay ang nag-iisang film festival para sa karapatang pantao sa Ukraine. Ipinagdiriwang ang festival na ito sa buwang Marso ng bawat taon sa Kiev, ang kabisera ng bansa, at ay libre sa publiko.[1][2] Bawat taon, nagbabago ng tema ang festival, at kahit hindi lahat ng mga pelikulang ipinapalabas sa festival ay sumusunod sa tema ng taong iyon, ang lahat naman ng mga ito ay mga dokumentaryong nakapokus sa paksang karapatang pantao.

Litrato mula sa DocuDays Film Festival noong taong 2013.
Awards Ceremony ng DocuDays Film Festival noong taong 2014, na ginanap sa Kiev, Ukraine.

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ang DocuDays taong 2004 bilang isang film festival kung saan bumibili ang mga makikilahok ng mga tiket upang manood ng mga pelikula sa iba't-ibang mga benyu o lugar sa lungsod ng Kiev. Noong taong 2020, dulot ng pandemyang COVID-19, hindi ginanap ang festival nang personal. Sa halip ay ginanap ito nang birtwal sa isang website na pinangalanang DOCU/SPACE, na mayroong iba't-ibang mga panel at klase hinggil sa paksang paggawa ng mga pelikula, na ginawang puwedeng tingnan o bisitahin nang walang bayad, na mayroon ding mga kasamang pelikulang pupwede lamang mapanood sa loob ng limitadong oras na ipapalabas dapat sa ipinlanong in-person na festival.[3]

Noong taong 2021, inanunsiyo na gaganapin ang mga programa ng festival sa pinaghalong paraan: magkakaroon ng ilang in-person na pagpapalabas na magaganap sa Sinemang Zhovten, IZONE Creative Space, at Dymchuk Gallery, na lahat ay matatagpuan sa Distritong Podilskyi ng Kiev, samantalang magaganap naman ang iba pang mga pagpapalabas sa DOCU/SPACE kasama ng iba't-ibang mga panel sa website.[4] Ang naging tema ng festival sa taong iyon ay ang "karapatan ng mga tao sa kalusugan" bilang tugon sa nagaganap na pandemya.[5]

Mga Pelikula

baguhin

Ika-17 na DocuDays Film Festival

baguhin

Ipinalabas ang mga sumusunod na piniling mga pelikula nang birtwal sa ginanap na ika-17 DocuDays Film Festival noong taong 2020:

  • Huwag Kang Mag-Alala, Magbubukas Din Ang Mga Pinto/Don't Worry, The Doors Will Open (Oksana Karpovych)
  • Bagong Jerusalem/New Jerusalem (Yarema Malashchuk at Roman Himey)
  • The Building (Tatjana Kononenko at Matilda Mester)
  • Kasing-Asul Ng Dalandan Ang Mundo/The Earth Is Blue as an Orange (Iryna Tsilyk)
  • War Note (Roman Liubyi)

Mga Parangal

baguhin

Ipinepresenta ng DocuDays ang mga sumusunod na mga parangal o gantimpala bawat taon, nang may isa sa bawat kategorya, at ang bawat makatatanggap ng parangal ay may makukuhang premyong $1,000 (o isang libong dolyar):

  • DOCU/LIFE Competition Jury Award
  • DOCU/RIGHT Competition Jury Award
  • DOCU/SHORT Competition Jury Award
  • DOCU/UKRAINE Competition Jury Award
  • RIGHTS NOW! Special Award (ipinresenta lamang noong taong 2021)

Mga sanggunian

baguhin
  1. British Council Film: Docudays UA International Human Rights Documentary Film Festival. film-directory.britishcouncil.org. Wayback Machine
  2. Exploring Human Connection with DocuDays UA | What's On. whatson-kyiv.com. Wayback Machine
  3. European Documentary Distributors Speculate on Post-Pandemic Market at Docudays UA. documentary.org. Wayback Machine
  4. Docudays UA to take 18th edition hybrid | MODERN TIMES REVIEW. moderntimes.review. Wayback Machine
  5. Docudays UA announced the topic of this year's festival (Wayback Machine). artslooker.com.