Aso

alagang hayop
(Idinirekta mula sa Dog)

Ang aso (Ingles: Dog ; Canis lupus familiaris) ay isang uri ng wangis-aso (canine), isang uri ng mamalya sa orden ng Carnivora. Ang salitang ito ay nabibilangan ng parehong mga lagalag (feral) at mga domestikadong uri, ngunit kadalasang hindi sinasama ang canids tulad ng mga lobo. Ang mga demostikong aso ay isa sa mga pinakamaraming hayop na inaalagaan sa kasaysayan ng tao. Naging kontrobersiyal ang mga aso dahil ito ay isa ring pinagkukunan ng pagkain ng ilang kultura na kinokontra ng mga aktibistang pang-hayop.

Domestikong aso
Temporal na saklaw: 0.015–0 Ma
Pleistoseno – Kamakailan
Katayuan ng pagpapanatili
Domesticated
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
Subespesye:
C. l. familiaris[1]
Pangalang trinomial
Canis lupus familiaris[2]
Kasingkahulugan

Maraming naitutulong ang mga aso sa mga tao. Ginagamit ng mga pulis at ng mga gwardya ang aso dahil matalas ang pang-amoy nito at pwede itong makaamoy ng mga bomba, mga pinagbabawal na droga at iba pa. Ginagamit din ang mga aso sa pangangaso at sa pagbabantay.

Ang aso ay isa ring popular at sikat na alaga at pwede rin itong gamitin para magpasaya ng mga tao sa telebisyon at sa mga palabas, sa perya at sa mga sirkus at sa iba pa. Tinutulungan din ng mga aso ang mga taong may kapansanan lalo na ang mga bulag. Ang asong Dalmatian ay sikat na sikat dahil nakakatulong ito sa mga bumbero at marami ding mga lahi ng aso ang sikat katulad ng Golden Retriever, German Shepherd, Belgian Malinois, Doberman Pinscher, Chihuahua at Labrador Retriever. Mayroong tinatayang mga lagpas 800 na milyong mga aso sa mundo.[3]

Pinagmulan ng aso

baguhin
 
Isang lobong gray na ninuno ng mga domestikadong aso.

Ang kasalukuyang lipi ng mga aso ay dinomestika mula sa mga lobong gray (gray wolf).[4] Ayon kay Carles Vilà na nagsagawa ng pinaka-malawak na pag-aaral sa kasalukuyan, ang ebidensiya ng DNA ay nagpapakita na walang ibang ninuno ang mga aso maliban sa mga lobo. Sinuri ng pangkat ni Vilà ang 162 iba ibang mga halimbawa ng DNA ng lobo mula sa 27 populasyon sa Europa, Asya at Hilagang Amerika. Ang mga resultang ito ay kinumpara sa DNA mula sa 140 indibidwal na aso mula sa 67 breed na tinipon sa buong mundo. Gamit ang mga sampol ng dugo o buhok, ang DNA ay kinuha at ang distansiyang henetika para sa mitokondriyal na DNA ay tinantiya sa pagitan ng mga indibidwal.[5] Ang mga lobong gray ang pinakamalapit na kamag-anak ng mga aso. Ang diberhensiyang henetika sa pagitan ng mga lobong gray at aso ay 1.8% lamang salungat sa higit sa 4% sa pagitan ng mga lobong gray, mga lobong Etiopiyano at mga coyote.[6]

Ang mga paghahambing na pag-aaral sa anatomiya at pag-aasal ng mga aso at lobo ay nagpapakita na ang pisiolohiya at karamihan ng pag-aasal ng aso ay katulad ng mga batang lobo na isang halimbawa ng neoteniya at pedomorpismo.[7] Bagaman ang mga labi ng mga domestikadong aso ay natagpuan sa Siberia at Belgium mula sa mga 33,000 taon ang nakalilipas, wala sa mga liping ito ay nakapagpatuloy sa huling pang-yelong maksimum. Ang pagsubok na DNA na mitokondriyal ay nagmumungkahing ng isang paghihiwalay na ebolusyonaryo sa pagitan ng mga aso at mga lobo mga 100,000 taon ang nakalilipas.

Bagaman ang ebidensiya ng fossil para sa mga aso ay malaking nabawasan ng higit sa 14,000 taon ang nakalilipas at nagwawakas ng 33,000 taon ang nakalilipas, may mga fossil ng mga buto ng lobo na nauugnay sa mga sinaunang tao ng higit sa 100,000 taon ang nakalilipas.[8]

[9][10][11]

Ang mga pinakaunang mga fossil ng mga karnibora na maiiuugnay ng may ilang katiyakan sa mga canid (na kinabibilangan ng mga lobo, fox, at mga aso) ang mga hayop na Miacid na lumitaw sa panahong Eoseno mga 56 hanggang 38 milyong taon ang nakalilipas. Mula sa mga miacid ay nag-ebolb ang mga karniborang tulad ng pusa (Feloidea) at tulad ng aso (Canoidea). Ang linyang canoid ay tumungo mula sa hayop na may sukat ng coyote na tinatawag na Mesocyon na lumitaw sa panahong Oligoseno 38 hanggang 24 milyong taon ang nakalilipas tungo sa tulad ng fox na hayop na Leptocyon at tulad ng lobo hayop na Tomarctus na gumala sa Hilagang Amerika mga 10 milyong taon ang nakalilipas. [12]

Ang hayop na Canis lepophagus na isang may makitid na bungo na canid sa Hilagang Amerika na lumitaw sa panahong Mioseno ay tumungo sa mga unang tunay na lobo sa wakas ng Yugtong Hilagang Amerikano na Blancan gaya ng Canis priscolatrans na nag-ebolb sa Canis etruscus at pagkatapos ay sa Canis mosbachensis[13]. Ang Canis mosbachensis ay nag-ebolb naman sa mga lobong gray(Canis lupus) na nauna sa mga domestikadong aso. Mula sa lobong gray na ito ay dinomestika ang mga domestikadong aso.

Katangian

baguhin

Pandama

baguhin
 
Magkaibigang tao at aso
 
Isang asong masigla

Nakikita ng mga aso ang kulay na dilaw, bughaw, at gray. Ang kulay pula na nakikita ng tao ay dilaw sa persepsyon ng aso at ang kulay luntian na nakikita ng tao ay kulay white.[14] Naririnig ng mga aso ang mga tunog na nasa loob ng 16Hz-40Hz hanggang 45000-60000Hz na higit pa sa kakayanan ng mga tao.[15] Mas malayo nang 4 beses kaysa sa tao ang kayang marinig ng mga aso.[16] Mas marami nang 40 beses kaysa sa tao ang reseptor pang-amoy ng aso.[17]

Inaasahang hangganan ng buhay

baguhin
 
Isang ordinaryong tuta

Ang iba't ibang breed ng aso ay may iba't ibang karaniwang haba ng buhay. 10-14 na taon ang madalas na tagal ng buhay ng isang aso.[18]

Breed Tagal
Chichuahua 15
Siberian Husky 13.5
Shih Tzu 13.4
Labrador Retriever 12.6
German Shepherd 10.3

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Mammal Species of the World – Browse: Canis lupus familiaris". Bucknell.edu. 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Disyembre 2012. Nakuha noong 12 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Mammal Species of the World – Browse: lupus". Bucknell.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Abril 2013. Nakuha noong 10 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Matthew Gompper (2013). The dog-human-wildlife interface: assessing the scope of the problem. p. 9-54. ISBN 978-0191810183.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Savolainen P; Zhang YP; Luo J; Lundeberg J; Leitner T (Nobyembre 2002). "Genetic evidence for an East Asian origin of domestic dogs". Science. 298 (5598): 1610–3. Bibcode:2002Sci...298.1610S. doi:10.1126/science.1073906. PMID 12446907.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Vila, C.; Peter Savolainen; Jesus E. Maldonado; Isabel R. Amorim; John E. Rice; Rodney L. Honeycutt; Keith A. Crandall; Joakim Lundeberg; Robert K. Wayne (13 Hunyo 1997). "Multiple and ancient origins of the domestic dog". Science. 276 (5319): 1687. doi:10.1126/science.276.5319.1687. PMID 9180076. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-26. Nakuha noong 2012-10-03.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Mech & Boitani 2003, p. 225
  7. Hemmer 1990, p. 83
  8. "Humans live a dog's life". ABC Science. 26 Marso 2002. Nakuha noong 2007-04-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Germonpré, Mietje; Sablin, Mikhail V.; Stevens, Rhiannon E.; Hedges, Robert E.M.; Hofreiter, Michael; Stiller, Mathias; Després, Viviane R. (2009). "Fossil dogs and wolves from Palaeolithic sites in Belgium, the Ukraine and Russia: osteometry, ancient DNA and stable isotopes". Journal of Archaeological Science. 36 (2): 473. doi:10.1016/j.jas.2008.09.033.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Ovodov, Nikolai D.; Crockford, Susan J.; Kuzmin, Yaroslav V.; Higham, Thomas F. G.; Hodgins, Gregory W. L.; van der Plicht, Johannes (2012). "A 33,000-year-old incipient dog from the Altai Mountains of Siberia: Evidence of the earliest domestication disrupted by the Last Glacial Maximum". PLoS ONE. 6 (7): e22821. doi:10.1371/journal.pone.0022821. PMC 3145761. PMID 21829526.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Pionnier-Capitan M; Bemilli C; Bodu P; Célérier G; Ferrié J-G; Fosse P; Garcià M; Vigne J-D (2011). "New evidence for Upper Palaeolithic small domestic dogs in South-Western Europe". Journal of Archaeological Science. 38 (9): 2123. doi:10.1016/j.jas.2011.02.028.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Douglas J. Brewer; Terence, Sir Clark; Adrian Phillips (Marso 2002). DOGS IN ANTIQUITY Anubis to Cerberus: The Origins of the Domestic Dog. Aris & Phillips (Marso 2002). ISBN 978-0-85668-704-4. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-05-17. Nakuha noong 2012-10-03.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Mech & Boitani 2003, pp. 239–45
  14. Jennifer Davis (1998). "Dr. P's Dog Training:Vision in Dogs and People". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  15. Timothy Condon, Glenn Elert (2003). "Frequency Range of Dog Hearing".{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Dog sense of hearing". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  17. Stanley Coren (2004). How Dogs Think. ISBN 0-7432-2232-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Michell AR (Nobyembre 1999). "Longevity of British breeds of dog and its relationships with sex, size, cardiovascular variables and disease". Vet. Rec. 145 (22): 625–9. doi:10.1136/vr.145.22.625. PMID 10619607. S2CID 34557345.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)