Dominic Roque

Pilipinong aktor

Si Dominic Karl Manalo Roque (ipinanganak noong Hulyo 20, 1990 sa Lungsod ng Cavite, Cavite, Pilipinas), tanyag bilang Dominic Roque ay isang artista at modelo sa Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagganap sa Aryana bilang Hubert, at sa pelikulang Pagpag: Siyam na Buhay bilang si Rico.

Dominic Roque
Si Roque noong December 22, 2016
Kapanganakan
Dominic Karl Manalo Roque

(1990-07-20) 20 Hulyo 1990 (edad 34)
NasyonalidadPilipino
NagtaposDe La Salle–College of Saint Benilde
TrabahoAktor, modelo
Aktibong taon2010–kasalukuyan
AhenteStar Magic (2010–kasalukuyan)
Kilala saHubert Francisco
Tangkad1.75 m (5 ft 9 in)
KinakasamaBea Alonzo (2023; engaged)
PamilyaAnthony Roque (kapatid)
Arny Ross (pinsan)
Mariah Roque
WebsiteDominic Roque sa Instagram

Maagang pamumuhay at Edukasyon

baguhin

Si Dominic Karl Manalo Roque o Dominic Roque ay tubong Tagalog, isinilang at nagmula sa Lungsod ng Cavite, Cavite. Siya ay anak ng isang businessman at presidente ng kumpanya. Siya ay pamangkin ng aktres na si Beth Tamayo. Si Roque ay nag-aral ng High School sa Imus Institute. Noong 2007 ay nagsimula siya ng kolehiyo sa De La Salle - College ng Saint Benilde sa kursong Turismo.

Pag-momodelo

baguhin

Bago pumasok sa pag-arte, siya ay isa sa mga modelo ng Cosmopolitan simula noong 2008.

Pag arte

baguhin

Noong 2010, si Dominic ay isinalang sa isang onscreen sa sa soap opera na Habang May Buhay, bilang Mark. At ang sumunod niyang proyekto ay ang kanyang unang pag-arte bilang major lead sa isang pantasya-drama na Aryana katambal si Ella Cruz at kasama si Michelle Vito.

Habang nag-tataping sa isang serye, siya ay dumalo sa mga guesting sa Bandila at sa morning talk show na Kris TV, kung saan napag-usapan ang isyu kay Kathryn Bernardo.

Pagkatapos nang Aryana noong ika Enero 2013, siya ay pumirma sa pangalawang major role ng noon-time serye na May Isang Pangarap, ginampanan niya ang papel ng arroganteng Alvin. Siya ay ipinares kay Erin Ocampo.

Noong Hunyo 2013, si Roque ay naging parte ng Pagpag: Siyam na Buhay sa MMFF entry ng 2013. Kasama niya sa pelikula sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Miles Ocampo, Michelle Vito, CJ Navato at iba pa.

Noong Disyembre 25, 2016, gumanap siya bilang si Fabian aa Horror-thriller, pelikulang Seklusyon na kabilang sa entry nang 2016 Metro Manila Film Festival. Ang pelikula ay nakatanggap ng 8 na premyo, ang pinakamataas na bilang ng premyo na nakamit ng isang pelikula sa kompetisyon.

Pilmograpiya

baguhin

Telebisyon

baguhin
Taon Pamagat Ginampanan Network
2019 Pamilya Ko David Lardizabal ABS-CBN
2018 La Luna Sangre Jill Imperial
2017 FPJ's Ang Probinsyano Christian Clemente
Langit Lupa Luis
2016 Maalaala Mo Kaya: Silver Medal Gino
Ipaglaban Mo: Lola Pong
Umagang Kay Ganda Kanyang sarili/Host
2015 Pangako Sa 'Yo Mark Delgado
Home Sweetie Home Warren
Kapamilya Deal or No Deal Lucky Star (Batch 1)
2014 Wansapanataym: My App #Boyfie Melvin
Ipaglaban Mo: Akin Ang Asawa Ko Archie
Sana Bukas pa ang Kahapon Teen Leo Romero
Moon of Desire Vince Regalado
Maalaala Mo Kaya: Bahay Luman
Luv U Joel Velasquez
2013 Maalaala Mo Kaya: Singsing batang Roger Canlas
It's Showtime Kanyang sarili/Special Guest
Kris TV Kanyang sarili/Guest
Bandila Himself/Special Guest
Wansapanataym: Flores de Yayo Carlo
May Isang Pangarap Alvin Francisco
2012-2013 Aryana Hubert Francisco
2010 Habang May Buhay Mark Alcantara

Pelikula

baguhin
Taon Pamagat Ginampanan Produksyon
2013 Pagpag: Siyam na Buhay Rico Star Cinema
Regal Films
2015 Crazy Beautiful You Male Car Racer Star Cinema
2016 Seklusyon Fabian Reality Entertainment
2017 My Ex and Whys Jaguar Martinez Star Cinema
Spirit of the Glass 2: The Haunted Vince OctoArts Films, T-Rex Entertainment Productions

Panlabas na kawing

baguhin