Kaloob ni Constantino

(Idinirekta mula sa Donasyon ni Constantine)

Ang Kaloob ni Constantine, Ambag ni Constantine, Abuloy ni Constantine, o Donasyon ni Constantine (Latin: Donatio Constantini, Constitutum Donatio Constantini o Constitutum domini Constantini imperatoris) ay isang pekeng kautusang Romano na inimbento noong mga 750 hanggang 850. Ang dokumentong ito ay ginamit upang palakasin ang prestihiyo at kapangyarihan ng mga papa ng Simbahang Katoliko Romano. Ang dokumentong ito ay nag-aangkin na inalok ni Dakilang Constantino ang kanyang korona kay Papa Silvestre I(314–35) at binautismuhan ni Silvestre si Constantino. Gayunpamanan, sa katotohanan, si Constantino ay binautismuhan nang nalalapit sa kanyang kamatayan noong Mayo 337 ni Eusebio ng Nicomedia na isang obispong Ariano hindi tulad ng papa. Ang Nicomedia ang kabisera ng Silangang Imperyo Romano simula 286 CE. Si Silvestre ay hinalinhan ni Papa Marcos(336) at Papa Julio I (337–52) noong panahon ni Constantino.

Paggamit

baguhin

Ang marahil na pinakamaagang alam na alusyon ng Donasyon ni Constantino ay sa isang liham noong 778 CE kung saan hinimok ni Papa Hadriano I si Charlemagne na ang amang si Maliit na Pepin ay nagpasimula ng soberanya ng mga papa tungkol sa mga estado na pang-Papa upang sundin ang halimbaw ni Constantino at pagkalooban ang simbahang Romano. Ang unang papa na direktang bumanggit ng kautusang ng donasyon ni Constantino ay si Papa Leo IX sa isang liham na ipinadala noong 1054 kay Miguel I Cerularius na Patriarka ng Constantinople.[1] Kanyang binanggit ang isang malaking bahagi ng dokumento na naniniwalang ito ay tunay[2][3] na nagpadagdag sa debate na huling humantong sa Sismang Silangan-Kanluran. Noong ika-11 at ika-12 siglo CE, ang Donasyon ni Constantino ay palaging binabanggit sa mga alitang imbestitura sa pagitan ng kapapahan at mga kapangyarihang sekular sa Kanluran. [1]

Imbestigasyon

baguhin

Noong Mga Gitnang Panahon, ang Donasyon ni Constantino ay malawak na tinanggap bilang autentiko bagaman si Emperador Otto III ay posibleng nagtaas ng mga pagsusupetsa sa dokumentong ito bilang pandaraya sa pagkakaloob ng regalo sa Sede ng Roma.[4] Hanggang sa gitna lamang ng ika-15 siglo CE at muling pagbuhay ng klasikong skolarship at kristisimong tekstuwal na natanto ng mga humanista at kalaunan ay ng burokrasya ng Simbahan na ang dokumentong ito ay hindi posibleng tunay. Idineklara ni Kardinal Nicholas ng Cusa ang dokumentong ito bilang pandaraya.[5][6] Kalaunan, pinatunayan ng paring Katoliko na si Lorenzo Valla, sa De falso credita et ementita Constantini donatione declamatio na ito ay isang pandaraya nang may katiyakan.[7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Donation of Constantine". Catholic Encyclopedia. New York: Robert Appleton Company. 1913.
  2. Migne, Jacques-Paul (1891). Patrologia Latina. Volume 143 (cxliii). Col. 744–769.
  3. Mansi, Giovanni Domenico. Sacrorum Conciliorum Nova Amplissima Collectio. Volume 19 (xix). Col. 635–656.
  4. Monumenta Germaniae Historica. DD II 820. pp. 13–15.
  5. Toulmin, Stephen; Goodfield, June (1982). The Discovery of Time (ika-Phoenix (na) edisyon). Chicago: University of Chicago Press. pp. 104–106. ISBN 0-226-80842-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Nicholas of Cusa; Paul E. Sigmund (editor and translator) (1991). "The properly ordered power of the Western emperor does not depend on the Pope". The Catholic Concordance. Cambridge Texts in the History of Political Thought. Cambridge University Press. pp. 216–222. ISBN 0-521-40207-7. {{cite book}}: |author2= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Coleman, Christopher B. (1922). Discourse on the Forgery of the Alleged Donation of Constantine. New Haven: Yale University Press. (Translation of: Valla, Lorenzo (1440). De Falso Credita et Ementita Constantini Donatione Declamatio.) Hosted at the Hanover Historical Texts Project.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.