Ekumenikong Patriarka ng Constantinopla
Ang Patriarkang Ekumenikal o Ecumenical Patriarch (Griyego: Η Αυτού Θειοτάτη Παναγιότης, ο Αρχιεπίσκοπος Κωνσταντινουπόλεως, Νέας Ρώμης και Οικουμενικός Πατριάρχης, "His Most Divine All-Holiness the Archbishop of Constantinople New Rome and Ecumenical Patriarch") ang Arsobispo ng Constantinople na Bagong Roma at may ranggong primus inter pares (una sa mga magkatumbas) sa komunyong Simbahang Silangang Ortodokso na nakikita ng mga tinatayang 300 milyong kasapi nito bilang ang Nag-iisa, Banal, Katoliko, at Simbahang Apostoliko. Ang Patriarkang Ekumenikal ay kilala sa kasaysayan na Griyegong Patriarka ng Constantinople bilang natatangi mula sa Armenianong Patriarka ng Constantinople at tagapagkrusadang Latin na Patriarka ng Constantinople. Sa kasaysayan, sa loob ng limang mga sedeng ekumenikal ng pentarkiya, ang Patriarka ay itinuturing na kahalili ni Apostol Andres. Ang kasalukuyang nakaluklok na Patriarka ng Constantinople ay si Ekumenikal na Patriarka Bartholomew I ng Constantinople na ika-270 patriarka ng Constantinople.[1]
Ecumenical Patriarch of Constantinople ng Eastern Orthodox Church & Orthodox Church of Constantinople | |
---|---|
Istilo | His All Holiness |
Tirahan | Fener, Istanbul, Turkey |
Nagtalaga | Holy and Sacred Synod |
Haba ng termino | life |
Nagpasimula | Saint Andrew/Anatolius |
Nabuo | 38/451 |
Websayt | patriarchate.org |
Mga estilo ni Ecumenical Patriarch Bartholomew I of Constantinople | |
---|---|
Sangguniang estilo | His All Holiness |
Estilo ng pananalita | Your All Holiness |
Estilo ng relihiyoso | Ecumenical Patriarch |
Estilo ng pumanaw | N/A |
Ang Patriarka ay kinikilala ng pamahalaan ng Turkey bilang ang espiritwal na pinuno ng minoridad na Griyego ng Turkey at tumutukoy sa kanya bilang ang Griyegong(lit. Romano) Ortodoksong Patriarka ng Phanar (Turko: Fener Rum Ortodoks Patriği).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Chryssavgis, John. "Turkey: Byzantine Reflections". World Policy Journal (Winter 2011/2012). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 5 Septiyembre 2017. Nakuha noong 31 May 2012.
{{cite journal}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong)