Dorothy Lavinia Brown
Si Dorothy Lavinia Brown[1][2] (Enero 7, 1919 - Hunyo 13, 2004[3]) ay isang Aprikano Amerikanong maninistis, lehislador, at guro. Siya ang unang babaeng siruhinang Aprikano Amerikano mula sa Timog-Silangang Estados Unidos ng Amerika. Siya rin ang unang Aprikano Amerikanong naglingkod sa Asamblea Heneral ng Tennessee.[4] Nakilala rin siya bilang "Dr. D."[4]
Talambuhay
baguhinIpinanganak si Brown sa Philadelphia, Pennsylvania,[5] at inilagak sa isang bahay-ampunan sa Troy, Bagong York noong 5 buwang gulang pa lamang ng kanyang inang si Edna Brown. Doon siya sa ampunan namuhay hanggang sa edad na 12. Habang nasa ampunan, sumailalim siya sa operasyong tonsilektomiya o pagtatanggal ng tonsil, isang karanasang humantong sa pagkakaroon niya ng kagustuhan sa larangan ng medisina.[4] Bagaman sinubok ng kanyang inang sumama at makipamuhay nang muli ang bata pang si Dorothy sa piling nito, walang tigil na lumalayas mula sa kanilang sariling tahanan si Brown, upang magbalik lamang sa bahay-ampunan sa Troy. Nang abutin na niya ang edad na labinglima, lumayas si Brown upang makapagpata sa Mataas na Paaralan ng Troy. Naghanapbuhay siya bilang katulong ng isang ina sa bahay ni Gng. W.F. Jarrett.[5] Sa tulong ng prinsipal ng paaralan, naipakilala siya kina Samuel Wesley at Lola Redmon, isang mag-asawing umampon sa kanya at naging pangalawang mga magulang.[4]
Edukasyon
baguhinMakaraang makapagtapos sa mataas na paaralan, habang nagtatrabaho bilang isang katulong sa bahay, nag-aral siya sa Dalubhasaang Bennett sa Greensboro, Hilagang Karolina, na tumanggap ng tulong mula sa Kahatian ng mga Kababaihan ng Palingkurang Kristiyano ng isang Simbahang Metodista sa Troy upang makatanggap ng iskolarsip.[5] Pagkatapos ng kolehiyo, naghanapbuhay siya sa Kagawaran ng Ordinansa ng Hukbong Katihan ng Rochester sa Bagong York sa loob ng dalawang mga taon.[4] Noong 1941, nakatanggap niya ang kanyang degri ng Batsilyer sa mga Sining,[5] at naging isang inspektor para sa isang plantang pandepensa sa Troy.[5] Noong 1944, nagsimulang mag-aral ng medisina si Brown sa Dalubhasaan ng Panggagamot ng Meharry sa Nashville, na tinapos ang kaniyang pagka-interno sa Ospital ng Harlem sa Lungsod ng Bagong York.[4] Makaraang makapagtapos noong 1948,[5] naging isa siyang residente sa Ospital ng Hubbard ng Meharry noong 1949, sa kabila ng oposisyon sa pagkakaroon ng mga kababaihang siruhano at dahil sa nakumbinsi niya ang noo'y hepeng siruhanong si Matthew Walker.[4][5] Nakumpleto ni Brown ang kanyang residensiya noong 1954.[5]
Pansariling buhay
baguhinNoong 1956, pumayag si Brown na ampunin ang isang batang babaeng nagmula sa isang walang asawang pasyente niya sa Ospital ng Riverside. Siya ang naging unang nakikilalalng walang asawang babae sa Tennessee na legal na umampon ng isang bata, na pinangalanan niyang Lola Denise Brown bilang pagpaparangal para sa pangalawang inang umampon naman sa kanya.[4] Kasapi si Brown ng Nagkakaisang Metodistang Simbahan.[5] Namatay siya sa Nashville na nasa County ng Davidson, Tennessee noong 2004.[1]
Bilang may-akda
baguhinSumulat si Brown ng isang autobiyograpiya[4], mga sanaysay, at pamapigla o pang-inspirasyong mga patnubay.[5]
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Jackson, Curtis. Dr Dorothy Lavinia Brown, findagrave.com, Hunyo 18, 2004
- ↑ Brown, Lola Denise (anak na babae ni Dorothy Lavinia Brown) Dorothy L. Brown Naka-arkibo 2009-06-29 at Archive.is, African American Registry, AAR.com
- ↑ Martini, Kelli. Dorothy Brown, South’s first African-American woman doctor, dies, News Archives, The United Methodist Church, Hunyo 14, 2004, UMC.org
- ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 4.7 4.8 Brown, Lola Denise (anak na babae ni Dorothy Lavinia Brown) Dorothy Lavinia Brown, TennesseeEncyclopedia.net
- ↑ 5.00 5.01 5.02 5.03 5.04 5.05 5.06 5.07 5.08 5.09 McKenzie, Julie at Denita Denhart. Dorothy Lavinia Brown Naka-arkibo 2005-03-16 sa Wayback Machine., The Scientist Bank, cspumona.edu