Ang dosirak (도시락) sa Timog Korea o kwakpap (곽밥) sa Hilagang Korea ay tumutukoy sa baon. Kadalasan itong binubuo ng bap (Koreano: 밥, kanin) at iilang banchan (pamutat).[1][2] Karaniwan na ang baunan, na tinatawag ding dosirak o dosirak-tong (lalagyan ng dosirak), ay lalagyan na gawa sa plastik o thermo-steel na may kompartimento o salansan o wala.[3] Madalas ginagawa ang dosirak sa bahay, ngunit ibinebenta rin ito sa mga istasyon ng tren at convenience store.[4][5]

Ang mga iba't ibang Dosirak
Korean name (South Korea)
Hangul도시락
Binagong Romanisasyondosirak
McCune–Reischauertosirak
IPA[to.ɕi.ɾak̚]
Korean name (North Korea)
Chosŏn'gŭl곽밥
Binagong Romanisasyongwakbap
McCune–Reischauerkwakpap
IPA[kwak̚.p͈ap̚]

Mga uri

baguhin

Kadalasan, iniimpake ang gawang-bahay na dosirak sa mga nakasalansang baunan na nakakapaghiwalay ng bap (kanin) at banchan (pamutat).[6] Napapanatiling mainit ang salansang pang-guk (sabaw), kung mayroon, sa pamamagitan ng insulasyon.[7] Pinakakaraniwan ang mga lalagyan na gawa sa plastik o thermo-steel, ngunit ginagamit din ang mga kombinasyon ng kahoy at laker, seramika at kawayan, pati na rin ang mga ibang materyales.[8]

Ibinubuo ang yennal-dosirak (옛날 도시락; "datihang dosirak") ng bap (kanin), sinangkutsang kimchi, mga longganisa na pinahiran ng itlog at pan-fried, pritong itlog, at ginutay-gutay na gim (damong-dagat), karaniwan, iniimpake sa hugis-parihabang baunan na gawa sa [[tinplate|tinplate]] o pilak-Aleman. Kinakalog ito habang nakatakip, at sa gayon ay mahahalo ang mga sangkap, bago kainin.[3][7]

Karaniwan, iniimpake ang gimbap-dosirak (김밥 도시락; "inimpakeng gimbap"), gawa sa hiniwang gimbap (rolyo ng damong-dagat), para sa mga piknik.[9]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "dosirak" 도시락. Standard Korean Language Dictionary (sa wikang Koreano). National Institute of Korean Language. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 30, 2017. Nakuha noong Marso 29, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "gwakbap" 곽밥. Standard Korean Language Dictionary (sa wikang Koreano). National Institute of Korean Language. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 30, 2017. Nakuha noong Marso 29, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "What the world eats for lunch" [Ang kinakain ng mundo para sa tanghalian]. The Daily Meal (sa wikang Ingles). Setyembre 24, 2012. Nakuha noong Mayo 12, 2017 – sa pamamagitan ni/ng Fox News.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Hong, Ji-yeon (Pebrero 17, 2016). "Local specialties take train travel to a new level" [Mga lokal na espesyalidad, nagpapaasenso sa paglalakbay sa tren]. Korea JoongAng Daily (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 12, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Park, Han-na (Oktubre 15, 2015). "Convenience stores vie for lunch box market" [Mga convenience store, nakikipag-agawan sa merkado ng baunan]. The Korea Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 12, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Frizzell, Nell (Hulyo 24, 2014). "Store-Bought Lunch Is Stupid and Wasteful" [Ang Pananghaliang Ibinili sa Tindahan ay Bobo at Maaksaya]. Munchies (sa wikang Ingles). VICE. Nakuha noong Mayo 12, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Williams, Maxwell (Marso 30, 2017). "5 Best Lunches In the World". GOOD magazine. Nakuha noong Mayo 12, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Kim, Hyung-eun (Mayo 2, 2017). "Korean dining on view in London : Craft Week showcases fine objects used in eating and drinking" [Kainang Koreano kitang-kita sa Londres : Itinanghal ng Craft Week ang mga pinong bagay na ginagamit sa pagkakain at pag-iinom]. Korea JoongAng Daily (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 12, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Kayal, Michele (Hulyo 3, 2012). "Thinking Outside The Bento Box". NPR. Nakuha noong Mayo 12, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)