Kalapati
(Idinirekta mula sa Dove)
Ang Columbidae ay isang pamilya ng mga ibon na binubuo ng mga kalapati, pitson, paloma, o batubato (Ingles: dove o pigeon, Kastila: pichón). Ang mga ito ay mga ibon na may stout na katawan na may mga maiiksing leeg, at mga tuka na maiiksi at balingkinitan na may mga cere na malamán sa ilang mga espesye. Pangunahin silang kumakain ng mga buto ng halaman, prutas, at halaman. Makikita ang pamilya sa buong mundo, ngunit nasa Indomalayan at Austronesian na mga realm ang pinakasamot-saring baryedad.
Kalapati | |
---|---|
Columba livia domestica | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Aves |
Orden: | Columbiformes |
Pamilya: | Columbidae |
Mga subpamilya | |
Tingnan ang teksto ng artikulo. |
Naglalaman ang pamilya ng 344 na mga espesye na nahahati sa 50 mga genus (sari). Ekstinto ang labintatlong mga espesye.[1]
Tignan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Gill, Frank; Donsker, David; Rasmussen, Pamela, mga pat. (2020). "Pigeons". IOC World Bird List Version 10.1. International Ornithologists' Union. Nakuha noong 27 Pebrero 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.