Ang batubato o zebra dove ( Geopelia striata ), ay isang uri ng ibon ng pamilya ng kalapati, Columbidae, na katutubo ng Timog-silangang Asya . Ito'y maliliit na mga ibon na may mahabang buntot, na pangkalahata'y kayumanggi-kulay-abo na may itim-at-puting baras. Ang species ay kilala para sa kanyang kaaya-aya, malambot, estakatong huning pagkuho (cooing).

Batubato
Isang batubato sa Singapore
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Aves
Orden: Columbiformes
Pamilya: Columbidae
Sari: Geopelia
Espesye:
G. striata
Pangalang binomial
Geopelia striata
(Linnaeus, 1766)
Kasingkahulugan

Columba striata Linnaeus, 1766

Taksonomiya

baguhin

Noong 1743 isinama ng Ingles na naturalist na si George Edwards ang isang larawan at isang pagsasalarawan ng batubato sa kanyang A Natural History of Uncommon Birds . Ang kanyang pagguhit ay halaw sa isang buhay na ispesimen mula sa tahanan ni admiral Charles Wager sa Parsons Green malapit sa London. Galing dawang kalapati sa East Indies. Noong 1766, binago ng Swedish naturalist na si Carl Linnaeus ang kanyang Systema Naturae para sa ikalabindalawang edisyon; isinama niya ang batubato at inilagay ito kasama ng lahat ng iba pang kalapati sa genus na Columba . Naglakip si Linnaeus ng isang maikling paglalarawan at kinilala niya ang kontribusyon ni Edwards, at binigyan niya ang batubato ng binomial na pangalan na Columba striata. Ang partikular na pangalang striata ay mula sa Latin na striatus na nangangahulugang "striated". Ang ispesye ay inilagay na ngayon sa genus Geopelia na ipinakilala ng English naturalist na si William John Swainson noong 1837. Ang batubato dove ay monotypic : walang kinikilala na subspecies nito.[kailangan ng sanggunian]

Malapit na kamag-anak ng batubato o zebra dove ang peaceful dove (Geopelia placida) ng Australia at New Guinea at ng barred dove (Geopelia maugeus) ng silangang Indonesia . Hanggang kamakailan lamang ay inuri ang dalawang ito bilang mga subspecies ng zebra dove, at noo'y madalas na ginagamit ang mga katagang iyon para sa buong ispesye.

Paglalarawan

baguhin
 
Batubato mula sa Mindanao, Pilipinas . Kilala sila duon bilang kurokutok bilang pagtukoy sa kanilang mga huni.

Ang mga ibong ito ay maliliit at payat, at may mahab't makitid na buntot. Ang mga bandang itaas ay malakayumangging kulay-abo na may puti't itim na mga baras. Ang mga bandang ilalim ay kulay malarosas na may mga itim na baras sa gilid ng leeg, dibdib at tiyan. Ang mukha ay asul-abo na may litaw na balat na kulay asul sa paligid ng mga mata. May mga puting dulohan ang mga balahibo ng buntot nito.

Ang mga batang batubato ay masmapusyaw at mas maputla kaysa sa mga matatanda. Maaari rin silang magkaroon ng kayumangging balahibo. Ang mga batubato ay 20–23 sentimetro ang haba na may haba ng pakpak na 24–26 cm.

Ang kanilang huni ay isang serye ng malambot at estakatong pagkuho (cooing). Sa Thailand at Indonesia, kinagigiliwang gawing alaga ang mga ibong ito dahil sa kanilang huni, at nagdadaos ng kumpetisyon sa pagkuho para mahanap ang ibong may pinakamagandang boses. Sa Indonesia, ang ibong ito ay tinatawag na perkutut . Sa Pilipinas sila ay kilala bilang katigbeng batubato ("pebbled katigbe") at kurokutok ; sa Malaysia ang ibong ito ay tinatawag na merbuk, na isang pagtukoy sa kanilang mga huni. Ang mga ito'y kilala rin bilang tukmo sa Filipino, isang pangalang itinalaga din sa spotted dove ( Spilopelia chinensis ) at iba pang ligaw na kalapati.

Pamamahagi at tirahan

baguhin
 
Sa Maui, Hawaii

Ang katutubong saklaw ng ispseye mula sa Timog Thailand, Tenasserim, Peninsular Malaysia, at Singapore hanggang sa mga isla ng Sumatra at Java sa Indonesia . Maaari ring katutubo ito sa Borneo, Bali, Lombok, Sumbawa, at mga isla ng Pilipinas .

Ang batubato ay kinagigiliwang algain at maraming populasyon ang ang nagsisulputan sa labas ng kanyang katutubong saklaw dahil sa mga alagang ibon na tumatakas o sadyang pinakawalan. Matatagpuan na ito ngayon sa gitnang Thailand, Laos, Borneo, Sulawesi, Hawaii (dala noong 1922), Tahiti (1950), New Caledonia, Seychelles, Chagos Archipelago (1960), Mauritius (bago 1768), Réunion, at Saint. Helena .

Ito ay naninirahan sa talahiban, bukirin, at kaparangan sa mga mababang lugar, at karaniwang makikita sa mga parke at hardin. Ang paghuli ng mga ito para gawing ibong-hawla ay naging dahilan ng kanilang pagiging bihira sa mga bahagi ng Indonesia, ngunit sa karamihan ng mga bahagi ng saklaw nito ay pangkaraniwan ito. Ang mga batubato ay kabilang sa pinakapangkaraniwang ibon sa ilang lugar tulad ng Hawaii at Seychelles.

Pag-uugali at ekolohiya

baguhin

Pagpaparami

baguhin

Sa katutubong saklaw nito, ang panahon ng pag-aanak ay mula Setyembre hanggang Hunyo. Ang mga lalaki ay nagsasagawa ng courtship display kung saan sila yumuyuko at kumukuho habang itinataas at ikinakalat ang buntot.

Sa pagpili ng pagpupugaran, ang babae mananatili sa lugar na iyon at huhuhning pagaralgal upang maakit ang mga lalaki na tumulong sa pagbuo ng pugad.

Ang pugad ay isang simpleng palapag ng mga dahon at mga dahon ng damo. Ito ay itinayo sa isang mababang puno, o kung minsan sa lupa o sa mga pasamano ng bintana.

Isa o dalawang puting itlog ay inilatag, at pinagsisisiw ito ng parehong mga magulang sa loob ng 13 hanggang 18 araw. Ang mga sisiw ay umalis sa pugad sa loob ng dalawang linggo, at maaaring lumipad nang maayos pagkatapos ng tatlong linggo.

Pagpapakain

baguhin

Ang batubato ay kumakain ng maliliit na damo at mga buto ng damo. Kakain din sila ng mga insekto at iba pang maliliit na invertebrates. Mas gusto nilang maghanap ng pagkain sa lantad na lupa, sa maikling damo o sa mga kalsada, kung saan sila'y kumikilos na mala-daga ang paggalaw. 'Di tulad ng ibang mga kalapati, sila ay kumakain nang isahan, o dalawahan. Ang kanilang mga kulay ay mainam sa pagtatago sa kanila kapag sila'y nasa lupa.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. BirdLife International (2016). "Geopelia striata". IUCN Red List of Threatened Species. 2016: e.T22690708A93284564. doi:10.2305/IUCN.UK.2016-3.RLTS.T22690708A93284564.en. Nakuha noong 13 Nobyembre 2021.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Baptista, L.F., Trail, P W.; Horblit, H.M.; Kirwan, G.M. (2020).