Dragong Hapones
Ang mga dragong Hapones o dragon ng Hapon ay iba't ibang mga nilikhang maalamat sa mitolohiyang Hapones at kuwentong-bayang Hapones. Nasasama sa mga mito ng dragong Hapones ang katutubong mga alamat na may mga kuwento hinggil sa dragon na inangkat mula sa Tsina, Korea, at India. Ang estilo ng dragon ay mabigat na naimpluwensiyahan ng dragong Intsik. Katulad ng mga dragong Asyanong ito, karamihan sa mga dragong Hapones ay mga diyos ng tubig na may kaugnayan sa pagpatak ng ulan at mga katawan ng tubig, at karaniwang inilalarawan bilang mga nilikhang malalaki, walang mga pakpak, at parang ahas na may makukong mga paa. Ang makabagong wikang Hapones ay mayroong maraming mga salitang "dragon", kabilang na ang katutubong tatsu mula sa Lumang Hapones na ta-tu, Intsik-Hapones na ryū o ryō 竜 mula sa Intsik na lóng 龍, nāga ナーガ mula sa Sanskrit na nāga, at doragon ドラゴン mula sa Ingles na dragon.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya, Hayop at Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.