Hokusai

Hapones na alagad ng sining (1760–1849)

Si Katsushika Hokusai (葛飾北斎, Oktubre 31, 1760Mayo 10, 1849), na kilala sa mononimong pangalan na Hokusai, ay isang Hapones na alagad ng sining na ukiyo-e noong panahon ng Edo, na nagpinta at gumawa ng mga impresyon.[1] Pinakakilala si Hokusai bilang may-akda ng mga seryeng impresyon sa kahoy na Tatlumpu't Anim na Tanawin ng Bundok Fuji, na kinabibilangan ng ikonikong impresyon, ang Ang Dakilang Alon sa Labas ng Kanagawa. Mahalagang papel ang ginampanan ni Hokusai sa paglilinang ng ukiyo-e mula sa isang istilo ng pagdidibuho na higit na nakatuon sa mga kortesana at aktor patungo sa mas malawakang istilo ng sining na nakatuon din sa mga tanawin, halaman, at hayop. Ipinapalagay na may malaking impluwensiya ang kanyang mga gawa kina Vincent van Gogh at Claude Monet noong daluyong ng Haponismo na kumalat sa buong Europa sa huling bahagi ng ika-19 na siglo.

Hokusai
北斎
Sariling-guhit noong matanda na
Kapanganakan
Tokitarō
時太郎

ipinapalagay na 31 Oktubre 1760(1760-10-31)
Kamatayan10 Mayo 1849(1849-05-10) (edad 88)
Edo, Hapon
NasyonalidadHapones
Kilala saPagpipinta, paggagawa ng manga, at impresyon sa istilong ukiyo-e
Kilalang gawaAng Dakilang Alon sa Labas ng Kanagawa
Magandang Hangin, Maaliwalas na Umaga

Ginawa ni Hokusai ang napakalaking Tatlumpu't Anim na Tanawin ng Bundok Fuji bilang tugon sa paglago ng lokal na paglalakbay sa Hapon at bilang bahagi ng personal niyang interes sa Bundok Fuji.[2] Itong serye, partikular na, Ang Dakilang Alon sa Labas ng Kanagawa at Magandang Hangin, Maaliwalas na Umaga, ang nagpasikat sa kanya sa Hapon at sa mga ibang bansa.[3]

Pinakakilala si Hokusai sa paggawa ng mga impresyong ukiyo-e sa kahoy, ngunit nakapaggawa siya sa mga iba't ibang midyum, kabilang dito ang pagpipinta at paglalarawan ng mga aklat. Nag-umpisa noong bata pa siya, nagpatuloy siya sa paggagawa at pagpapahusay sa kanyang istilo hanggang sa kanyang kamatayan, sa edad na 88. Sa kabuuan ng kanyang mahaba at matagumpay na karera, gumawa si Hokusai ng mahigit 30,000 pinta, guhit, impresyon sa kahoy, at mga larawan sa aklat. Makabago sa kanyang mga komposisyon at kakaiba sa kanyang pagguguhit, itinuturing si Hokusai na isa sa mga pinakamahusay na maestro sa kasaysayan ng sining.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Nussbaum, Louis Frédéric. (2005). "Hokusai" sa Japan Encyclopedia [Ensiklopedya ng Hapon], pa. 345.
  2. Smith, Henry D. II (1988). Hokusai: One Hundred Views of Mt. Fuji [Hokusai: Isang Daang Tanawin ng Bundok Fuji] (sa wikang Ingles). New York: George Braziller, Inc., Publishers. ISBN 978-0-8076-1195-1.
  3. Kleiner, Fred S. and Christin J. Mamiya, (2009). Gardner's Art Through the Ages: Non-Western Perspectives [Mga Sining ni Gardner sa Paglipas ng Panahon: Mga Di-Kanluraning Pananaw] (sa wikang Ingles), pa. 115.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.