Claude Monet
Si Claude Monet (Pranses: bigkas [klod mɔnɛ]) kilala din bilang Oscar-Claude Monet o Claude Oscar Monet (14 Nobyembre 1840 – 5 Disyembre 1926)[1] ay ang nagtatag ng pagpipintang impresyonismong Pranses, at ang pinaka hindi pabagu-bago at mabungang nagsasanay ng pilosopiya ng kilusan na naghahayag ng sariling pagkaunawa sa kalikasan, lalo na kapag nalapat na sa plein-air na pagpipintang tanawin.[2] Hinango ang katagang Impresyonismo sa pamagat ng kanyang pintang Impression, Sunrise.
Claude Oscar Monet | |
---|---|
Nasyonalidad | Pranses |
Kilala sa | Pagpipinta |
Kilalang gawa | Impression, Sunrise Rouen Cathedral series London Parliament series Water Lilies Haystacks |
Kilusan | Impresyonismo |
Talambuhay
baguhinLumaki sa La Havre, Normandy, ginugol ni Monet ang kanyang oras sa pagpinta sa tulong ng kanyang guro na si Eugene Boudin, kung saan natuto siyang puminta sa labas ng kanyang tahanan.[3] Noong siya'y dalwampu't dalawang gulang, sumali si Monet sa isang art studio na pinapatakbo ni Charles Gleyre sa Paris. Kasama sa kanyang mga kaklase ay sina Auguste Renoir at Frédéric Bazille.[4] Sa paglipat din niya sa Paris ay nagkaroon siya ng mahabang pagkakaibigan kina Paul Cezanne at Alfred Sisley.[3]
Mula noong 1860s, sumubok si Monet ng bagong istilo kung saan imbes na gawin nang tapat ang eksenang gusto niyang ipinta, ginawa niyang nakakalundo o binigyang impresyong nakakalundo ang pansandaling pagtingin.[3] Noong 1865, ang mga ipininta ni Monet ay naisumite sa opiyal na Salon. Si Camille Doncieux at si Bazille ang nagmodelo o nag-pose para sa obra ni Monet na "Le Dejeuner sur l'herbe".[1]
Noong 1867, naipanganak ang unang anak nina Monet at Doncieux na si Jean Monet.[1][5]
Natuwa si Monet sa maikling tagumpay ng kanyang mga gawa pero dahil sa kabiguang makaipon ng pera, sinubukan niyang magpakamatay.[5] Pero dahil siya'y nakatanggap ng pensyon mula kay Ginoong Gaudibert, nagpinta siya sa Fecamp at Etretat.[1]
Noong 1870, pinakasalan ni Monet si Doncieux.[1] Sa parehong taon, tumakas ang mag-asawa papunting London upang maiwasan ang Digmaang Franco-Prusyano na naganap mula 1870 hanggang 1871. Habang sila'y natakas mula Pransiya hanggang London, gumawa si Monet ng mga larawang ipininta ukol sa mga kapaligirang kanilang nadaanan.[4]
Dahil sa karanasan ng pagkabigo, nagpursige si Monet na sumali kina Camille Pissaro, Renoir, at iba pang mga pintor para makapagsagawa ng malayang exhibition noong 1874, kung saan ginamit nila ang istilong impresyonismo. Dito ipinamalas ang obra niyang Impression, Sunrise, kung saan ito ang naging inspirasyon ni Louis Leroy, isang dyornalist, para bigyang pangalan ang grupo.[3][4] Naganap ang exhibition sa studio ni Nadar.[1] Noong 1881, ang grupo ay simulang maghiwa-hiwalay, tanging si Monet lamang ang nagpatuloy na gumamit ng pagsusuri sa kalikasan pagdating sa pagpinta.[3]
Noong 1877, nanirahan ang pamilya ni Monet sa Vetheuil kasama si Alice Hoschede at ang kanyang anim na anak. Ang pamilyang Hoschede ay malaking tagahanga ng mga gawa ni Monet subalit dahil sa pagkalugi ng negosyo ni Ginoong Ernest Hoschede, napilitang maghanap ng matitirhan si Monet para sa kanyang pamilya. Noong 1878 ipinanganak ang pangalawang anak ni Monet na si Michel Monet. Sa kasunod na taon, namatay ang kanyang asawang si Camille at ito naghudyat sa pagbabago ng pagpinta ni Monet, kung saan nagpokus siya sa pageksperimento ng atmospera at personalidad ng kanyang ipinipinta.[6]
Simula noong 1883, nakahanap si Monet ng bahay sa Giverny para kay Alice at sa walong batang kanilang kasama. Noong 1890, imbes na ipagpatuloy ang pagrenta, binili na nila ang tahanan sapagkat nagustuhan niya ang hardin na kasama nito. Dahil sa matagal na pagsasama ni Monet at Alice, nagpakasal ang dalawa pagkatapos ng pagkamatay ni Ernest noong 1892.[6]
Sa Giverny rin nakaranas si Monet ng tagumpay mula sa kanyang mga ipininta. Karamihan ng kanyang mga gawa na nanggaling sa lugar na roon ay nakabenta nang malaki sa Estados Unidos, Inglatera, gayundin sa mga lugar ng Pransiya. Siya ay naging maimpluwensiyang tao at dahil dito, nakatanggap siya ng malaking katulong para sa kanyang bahay kabilang ang anim na hardinero para mapaayos ang kanyang hardin.[6]
Dahil sa hindi pagkagusto sa pag-usbong ng modernismo sa sining, pinagpatuloy ni Monet ang pagtuon ng pansin sa atmospera at kalikasan. Ang kanyang serye ng ipinintang grainstock ay nakatnggap ng malaking pagpuri sa mga kritiko. Kasunod nito, nagtuon ng pansin si Monet sa Katedral ng Rouen kung saan ang mga resulta ay maliwanag na kulay, kung saan ito ay nagkakaisa sa biswal na pagtanaw.[6]
Huling yugto ng buhay at kamatayan
baguhinGusto ni Monet na maging mapag-isa tuwing siya'y nagpipinta sa kalikasan. Mula 1880s hanggang 1890s, lumalakbay si Monet papuntang London, Venecia, Norwega, at iba't-ibang parte ng Pransiya. Noong 1908, tumigil na siya sa paglalakbay at nanirahan na siya nang buo sa Giverny.[6]
Noong 1911, natuklasan ni Monet ang pagkamatay ng kanyang pangalawang asawang si Alice at sa pagganap ng Unang Digmaang Pandaigdig, tuluyan nang tumigil sa pagpinta si Monet.[6]
Sa parehong panahon, si Georges Clemenceau, isang kaibigan ni Monet at isang politikong Pranses, ay nag-alok na gumawa ng larawan sa kanya. Tumanggi noong una si Monet pero dahil sa pagpapalakas ng loob ni Clemenceau, bumalik muli si Monet sa pagpipinta.[6]
Noong 1923, malapit nang mabulag si Monet pero dahil sa operasyon nanumbalik muli ang kanyang paningin. Nagpinta si Monet ng mga serye ng waterscapes hanggang namatay siya sa kanser sa baga noong Disyembre 5, 1926.[1][6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 Talambuhay ni Claude Monet giverny.org. Nakuha noong 6 Enero 2007.
- ↑ House, John, et al: Monet in the 20th Century, pahina 2. Yale University Press, 1998.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 "Claude Monet summary | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 Auricchio, Authors: Laura. "Claude Monet (1840–1926) | Essay | The Metropolitan Museum of Art | Heilbrunn Timeline of Art History". The Met’s Heilbrunn Timeline of Art History (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "6 Things You Never Knew About Claude Monet". Google Arts & Culture. Nakuha noong 2024-01-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 6.6 6.7 "Claude Monet Paintings, Bio, Ideas". The Art Story. Nakuha noong 2024-01-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)