Paul Cézanne
Si Paul Cézanne (IPA: [pɔl se'zan]; 19 Enero 1839 – 22 Oktubre 1906) ay isang Pranses na alagad ng sining at Post-Impressionist na pintor. Kilala siya sa kanyang paggamit ng mga mayayamang kulay gayundin sa kanyang mga nakakaengganyong mga disenyo batay sa kanyang istilo ng pagpipinta. Sinubukan din ni Cezanne na gumamit ng mga karaniwang istraktura sa ilalim ng mga ibabaw na porma at gumamit din siya ng mga makakapal na kulay at malagrabeng mga hugis. Ang kanyang diin sa istrakturang heometriya ay nagdulot ng pagkakaroon ng impluwensya sa istilong cubism.[1]
Paul Cézanne | |
---|---|
Kapanganakan | Paul Cézanne 19 Enero 1839 Aix-en-Provence, France |
Kamatayan | 22 Oktobre 1906 Aix-en-Provence | (edad 67)
Nasyonalidad | Pranses |
Kilala sa | Pagpipinta |
Kilalang gawa | Rideau, Cruchon et Compotier, 1893-94 Forest (painting), 1902-04 |
Kilusan | Post-Impressionism |
Maagang Buhay
baguhinSi Cézanne ay anak mula sa isang maykayang pamilya. Nakatanggap siya ng edukasyon sa Kolehiyo ng Aix at noong 1858, pumasok siya sa Unibersidad ng Aix-en-Provence sa ilalim ng direksyon ng kanyang ama. Dahil walang interes si Cézanne sa pag-aaral ng batas, kinunsulta niya ang kanyang ama, sa tulong ng kanyang ina, na makapag-aral ng sining sa Paris.[2]
Tumagal si Cézanne sa Paris sa loob lamang ng limang buwan. Marahil ito ay dahil hindi niya kayang makipagkompitensya sa mga istudyante ng Académie Suisse, kung saan nagdulot ito sa kanya ng depresyon. Tumagal lamang siya sa Paris dahil sa suporta ni Émile Zola, isang manunulat, at nagkaroon sila ng munting pagkakaibigan sa isa't-isa.[2]
Bumalik muli si Cézanne sa Aix, at para makontento ang kanyang sarili, nagtrabaho siya sa bangko sa ilalim ng kanyang ama. Pagkatapos ng isang taon, nagbalik uli si Cézanne sa Paris at may matibay na resolusyong ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa sining. Sa kalagitnaan ng 1858 at 1872, si Cézanne ay namumuhay sa Paris at bumibisita sa Aix.[2]
Mga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.