Dryococelus australis

Ang Dryococelus australis o mas kilala bilang patpat na insekto ng pulo ng Lord Howe and inakalang ektinkt na noong 1930 pero nadiskubre ito muli noong 2001. Ang pangyayaring ito ay kilala bilang epektong Lazarus. Ektinkt na ito sa kanyang pinakamalaking habitat, ang Pulo ng Lord Howe at tinatawag itong "ang pinakabihirang kulisap sa mundo" dahil ang populasyong nadiskubre ay mas kaunti pa sa 30 indibidwal na nabubuhay sa maliit na pulo ng Ball's Pyramid.

Dryococelus australis
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
D. australis
Pangalang binomial
Dryococelus australis
(Montrouzier, 1885)

Anatomiya at Ugali

baguhin

Ang mga matatandang Dryococelus australis ay umaabot sa 15 cm sa haba at tumitimbang sa 25 g. Ang babae ay mas malaki sa lalaki. Dahil sa kanilang laki ay tinatawag na naglalakad na sausage o kaya panlupang ulang. Sila ay may parihabang hugis at matitibay na mga paa. Ang mga lalaki ay may makapal na mga hita. Di tulad ng ibang phasmid, wala silang mga pakpak ngunit kayang tumakbo ng mabilis.

Ang ugali ng patpat na insekto ay kakaiba para sa isang uri ng insekto. Ang mga lalake and babae ay nagbubuo ng isang uri ng pagsasama. Ang mga lalake ay sumusunod sa mga babae at ang kanilang mga gawain ay depende sa ginagawa ng mga babae. Natutulog sila ng magkatabi kapag gabi na at kung saan ang mga paa ng lalake ay nakaayakap sa babae.

Ang mga babae ay nangingitlog habang nakabitin sa mga sanga. Napipissa ang mga itlog pagkaraan ng siyam na buwan. Ang mga nimpa ay matingkad na luntian at aktibo kapag umaga. Habang tumatanda sila ay nagiging itim ang kanilang kulay at nagiging nokturnal.

Kasaysayan at Konserbasyon

baguhin

Ang mga patpat na insektong ito ay dati-rating pangkaraniwan sa Pulo ng Lord Howe, kung saan gingagamit silang pain sa pangingisda. Naging ekstinkt sila noong napunta ang itim na daga sa pulo noong 1918 dahil sa pagdaong ng, Makambo, isang barkong pansustento. Ang huling insekto ay nakita sa isla noong 1920, pagkatapos noon ay inakalang ekstinkt na ito.

Noong dekada 1960, isang koponan ng mga climber ang bumisita sa Ball's Pyramid, isang mabatong sea stack 23 km timog-silangan ng Pulo ng Lord Howe. Ang Ball’s Pyramid ay ang pinakamataas at nakabukod na sea stack sa mundo. Ang maliit na pulo ay walang mga puno at napatarik, meron itong taluktok na 562 m mula sa iababaw ng dagat. Nakakita ang mga climbers ng isang patay na Dryococelus australis. Marami pang nakitang mga patay na mga specimen ngunit walang nakitang buhay.

Noong 2001, isang koponan ng mga entomolohista at konserbasyonista ang dumaong sa Ball's Pyramid upang alamin ang mga flora at fauna. Kinagulat nila ang pagkadiskubre ng populasyon ng mga patpat na insekto sa iisang palumpong ng Melaleuca. Ang populasyon ay mayroon lamang 20-30 na indibidwal.

Noong 2003, isang koponang pananaliksik na mula sa New South Wales National Parks and Wildlife Service ay bumalik sa Ball's Pyramid at kumulekta ng dalawang pares na nagpaparami. Ang isa ay mapunta sa isang pribadong nagpaparami sa Sydney at ang isa naman sa Melbourne Zoo. Matagumpay ang pagpaparami sa pagkakahuli. Ang pinakahangarin ng proyekto ay ang pag-pasok ng isang malaking populasyon sa Pulo ng Lord Howe pagkatapos mapuksa ang mapanlusob na mga daga. Noong 2006, ang mga nahuling populasyon ay nasa 50 na indibidwal at libo-libong itlong na inaantay na mapisa.

Silipin din

baguhin

Sanggunian

baguhin