Sa larangan ng elektronika, ang LED o light-emitting diode (salitang Ingles[1], maaring tawagin sa wikang Tagalog bilang duhandas na nagsasaboy ng liwanag o diyodong nagsasaboy ng liwanag) ay isang uri ilaw at duhandas[2][3] na semikonduktor o malasaluyang[2] lumilikha ng liwanag kapag ang saloy ng dagitab (daloy ng kuryente) ay inakwa sa paharap na direksiyon ng kasangkapang ito, katulad ng sa payak na sirkit ng LED (salikop ng LED). Isang anyo ng elektroluminisensiya (pagliliwanag na elektroniko) ang epekto nito kung saan lumalabas ang liwanag na inkoherente at may makitid na ispektrum mula sa dugtungan p-n. Malawakang ginagamit ang mga LED bilang mga ilaw na panghudyat (indikador) sa mga kagamitang elektroniko at higit na lumalaganap na rin sa mga nangangailangan ng mas maraming enerhiyang katulad ng mga flashlight at pang-ilaw sa mga pook. Karaniwang isang maliit na bagay na pinagmumulan ng liwanag (mababa sa 1 mm2), kadalasang may dinaragdag na optiks o optiko sa tsip upang mahugisan ang padron ng radyasyon at makatulong sa repleksiyon[4] [5]. Umaayon ang kulay ng sinasaboy na liwanag sa kayarian at kalagayan ng ginamit na malasaluyang materyal, at maaaring inprared (inprapula), nakikitang ispektro, o ultabiyoleta (ultralila). Bukod sa pagbibigay ng liwanag, kabilang sa mga interesanteng gamit sa mga duhandas na ito ang mga ultralilang LED para sa isterilisasyon (paglilinis) at disimpeksiyon (pagtatanggal ng mikrobyo) ng tubig at mga kasangkapan[6], at bilang mga pampagpapalaking liwanag upang mapainam ang potosintesis sa mga halaman[7].

Bughaw, lunti, at pulang mga LED; maaari itong paghaluin upang makalikha ng pinaka-mas-matatanaw na mga kulay, kabilang ang puti. Mayroon ding mga duhandas na may kulay na inprapula at ultralila (ultrabiyoleta o UVA).
Halimbawang laki at sukat ng mga LED.
Planong sagisag para sa LED.
Mga panel ng LED na nagagamit para sa mas maliit na set ng mga napagpapalitang mga duhandas upang maging isang malaking palamuti o tanawin.
Iba't ibang uri ng mga LED.

Sanggunian

baguhin
  1. "LED". Nakuha noong 2008-01-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Duhandas, diode; malasaluyan, semiconductor Naka-arkibo 2008-09-27 sa Wayback Machine., Isang Talaan ng mga Puristang Salitang Tagalog, Felipeaira.i.ph
  3. Duhandas, diode Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine., Talaan, Munoy.multiply.com
  4. ... (2008). "Modeling the radiation pattern of LEDs". Optics Express. Kinuha noong 2008-01-25.
  5. I. Moreno (2006). "LED Intensity Distribution". International Optical Design, Technical Digest. Kinuha noong 2007-08-13. Naka-arkibo 2008-02-16 sa Wayback Machine. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-02-16. Nakuha noong 2008-09-12.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Development of a new water sterilization device with a 365 nm UV-LED, Medical and Biological Engineering and Computing, Tomo 45, Bilang 12 / Disyembre 2007[patay na link]
  7. Tennessen, D.J. at Singsaas, E.L. at Sharkey, T.D. (1994). "Light-emitting diodes as a light source for photosynthesis research". Springer. Kinuha noong 2008-07-24.