Ang ETH Zurich (Swiss Federal Institute of Technology in Zurich; Aleman: Eidgenössische Technische Hochschule Zürich) ay isang pang-agham, panteknolohiya, pang-inhinyeriya, at pangmatematikang unibersidad sa lungsod ng Zürich, Suwisa. Tulad ng kanyang mga kapatid nitong institusyong EPFL École Polytechnique Fédérale de Lausanne, ito ay isang mahalagang bahagi ng Swiss Federal Institute of Technology Domain (ETH Domain) na direktang nakapailalim sa Federal Department of Economic Affairs, Education and Research ng Suwisa.[1] Ang paaralan ay itinatag sa pamamagitan ng pamahalaang federal noong 1854 na may nakasaad na misyong turuan ang mga inhinyero at siyentipiko, maglingkod bilang isang pambansang sentro ng kahusayan sa agham at teknolohiya at magsilbing isang hub para sa pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga komunidad na pang-agham at industriya.[2]

ETH Hönggerberg
Pangunahing gusali
Albert Einstein, alumno (1921)

Mga sanggunian

baguhin
  1. "ETH Board - Governance ETH Domain". eth-rat.ch. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-02. Nakuha noong 2013-11-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Bericht über den Entwurf zu einem Reglemente für die Eidgenössische polytechnische Schule" (PDF). Schweizerisches Bundesblatt. Berne, Switzerland: Swiss Federal Council. 6 (39, Bd. 3): 163–182. 1854 – sa pamamagitan ni/ng ethistory.ethz.ch.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

47°22′35″N 8°32′52″E / 47.37645°N 8.54785°E / 47.37645; 8.54785   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.