Silangang Francia

Dating bansa sa Europa
(Idinirekta mula sa East Francia)

Ang Silangang Francia (Regnum Francorum orientalium) na mas kilala sa tawag na Francia Orientalis o Kaharian ng mga Silanganing Franco (o Pranko), ay ang lupaing ibinigay kay Louis the German noong 843 batay sa Kasunduan sa Verdun. Ito rin ang naunang kaharian bago ang Banal na Imperyong Romano.

Silangang Francia
Regnum Francorum orientalium, Francia Orientalis
843–c. 962
Location of Kaharian ni Louis
Relihiyon
Roman Catholic
PamahalaanMonarkiya
Hari 
• 843–876
Louis the German
• 
Louis the Child
Kasaysayan 
843
• Alitan sa imbestidura
c. 962
Pinalitan
Pumalit
Imperyong Carolingian
Banal na Imperyong Romano

Pagkatapos pumanaw ni Louis the Pious, ang huling haring Carolingian, ipinamahagi ng kanyang mga anak ang Imperyong Carolingian ng mga Franks sa iab't ibang hari sa pamamagitan ng kasunduan sa Verdun na naghati sa Silangan, Kanluran at Gitnang ng Kaharian. Lahat ng lupaing orihinal na pinamunuan ng dinastiyang Carolingian ay napasakamay ng pinakamatandang anak ni Louis na si Lothair I (795-855).

Luis ang Aleman (843-876)

baguhin

Sa pagpapatuloy ng Ordinatio Imperii ng 817, matagumpay na pinamunuan ni Luis ang Aleman ang teritoryo sa pamamagitan ng dukado ng Bavaria mula sa kanyang ama kaya't nagamit na niya ang titulong "Hari ng Bavaria". Pagkatapos ng kanyang pagkakaluklok sa trono ay nagsagawa siya ng hindi matagumpay na pananalakay sa Dakilang Moravia at nakisagupa sa mga Viking at Magyar. Nang mamatay ang kanyang anak na si Lothair II noong 869, nakakuha rin siya ng malaking bahagi ng kanyang kaharian sa pamamagitan ng Kasunduan ng Meerssen noong 870.

Ang panganay na anak ni Louis, si Louis II ng Italya, bagamat ligal na tagapagmana ng trono, ay nagkaroon ng problema sa pagkuha ng kaharian ng Lotharingia. Nang mamatay siya noong 875, ang kapatid ni Louis the German na si Charles the Bald ng Kanlurang Francia ay nakipag-away sa Kaharian ng Italya kabilang sa Burgundy at sa korona ng imperyo. Ang mga pinagtatalunang sakop ay ipinahinto ni Papa John VIII, kaya humantong sa pagwawakas ng Gitnang Francia.

Mga anak ni Louis (876-887)

baguhin

Sa loob ng Silangang Francia, apat na maliliit na dukado ang nabuo: Swabia (Alamannia), Franconia (silangang bahagi ng Austrasia), Saxony at Bavaria. Noong 865, napuwersa si Louis na hatiin muli ang kaharian sa ilalim ng kanyang mga anak:

  • Carloman (830-880)–namana ang orihinal na sakop ni Louis na kaharian ng Bavaria at ang mga katabing mga sakop;
  • Louis the Younger (835-882)–tinanggap ang mga lupain ng Saxony at Franconia;
  • Charles the Fat(839-888)–naging hari ng Alamannia.