Protoebanghelyo ni Santiago

(Idinirekta mula sa Ebanghelyo ni Santiago)
Gospel of James
Isinulat noong ~140-170 AD
Panulat ni Santiago, kapatid ni Hesus
Lokasyon
Pinagmulan Ebanghelyo ni Mateo, Ebanghelyo ni Lucas, Septuagint, tradisyong ekstracanonical
Manuskrito
Tagasunod
Tema Pagkabirhen ni Maria at kapanganakan ni Hesus

Ang Protoebanghelyo ni Santiago o Ebanghelyo ni Santiago, tinatawag din na Aklat ni Santiago, ay isang Ebanghelyong apocryphal na marahil ay isinulat noong mga AD 145, na paatras na pinalawak ang mga kuwento ng pagkabata na nilalaman ng mga Ebanghelyo nina Mateo at Lucas, at naglalaman din ng kuwento hinggil sa kapanganakan at pagpapalaki rin kay Maria. Ito ang pinakamatandang batayang nagsasaad ng pagkabirhen ni Maria, 'di lamang bago pati na rin noon (at pagkatapos) niya ipanganak si Hesus.[1] May iba't ibang pamagat ang mga sinaunang manuskritong nagpreserba ng aklat, kabilang dito ang "Ang Kapanganakan ni Maria", "Ang Kuwento ng Kapanganakan ni Santa Maria, Ina ng Diyos", at "Ang Kapanganakan ni Maria; Ang Pahayag ni Santiago."[2]

Nag-akda at panahon

baguhin

Ipinalalabas ng naturang dokumento na ito'y isinulat ni Santiago: "Ako, si Santiago, ang nagsulát ng kasaysayang ito sa Jerusalem."[3] Ang nagpinahiwatig na may-akda ay di-umano'y si Santiago, ang kapatid ni Hesus, ngunit pinatunayan ng mga eksperto na ito'y hindi isinulat ng taong sinasabing nag-akda nito.

Ang kongklusyong ito ay batay sa estilo ng panulat at mga paglalarawan ng may-akda ng ilang kaganapan bilang kontemporaryong kaugaliang Hudyo na marahil ay hindi umiral. Halimbawa, ipinapakita nito na may mga konsagradong birhen sa templo sa Judaismo, kagaya ng mga Vestal Virgin sa paganong Roma, bagaman malabo na naging laganap na kaugalian ito sa Judaismo. Sa kabaligtaran, pinagtatalunan ng ilang Kristiyanong Ortokdokso at Katoliko Romano na pinapakita sa Lumang Tipan na noon pa mang kapanahunan ni propeta Samuel ay may mga konsagradong birhen na (1 Samuel 2:22),[4] at hindi malayong si Maria'y isang konsagradong birhen sa templo.

Ang nagpagkasunduan ay ito'y nagsimula noong ikalawang siglo AD. Una itong binanggit ni Origen ng Alexandria sa unang bahagi ng ikatlong siglo, na ang mga panulat gaya ng Ebanghelyo ni Pedro, ay kaduda-duda, lumitaw lang kamakailan at kagaya ng mga aklat na nagsasaad na ang "mga kapatid ng Panginoon" ay anak ni Jose at dati niyang kabiyak.[5]

Tradisyon ng manuskrito

baguhin

Ang ilang indikasyon ng popularidad ng Protoebanghelyo ni Santiago ay marahil may sandaan at tatlumpung Griyegong manuskrito na naglalaman nito ang natira. Isinalin ang Ebanghelyo ni Santiago sa Syriac, Ethiopic, Coptic, Georgian, Old Slavonic, Armenian, Arabic, Irish at Latin. Bagaman walang naunang bersiyon sa Latin ang napag-aalaman, ito'y itinuring na apokripa sa Gelasian decretal. Kaya ito'y malamang alam na sa Kanluran noon pa lang ikalimang siglo. Gaya ng mga ebanghelyo, ang higit sa karamihan ng mga manuskrito ay nagmula noong ikasampung siglo at sumunod na siglo. Ang matandang napag-alamang manuskrito na may naturang teksto ay natagpuan noong 1958. Ito ay isang papyrus mula noong ikatlo o maagang ikaapat na siglo. Nakatabi ito sa Bibliotheca Bodmeriana sa Geneva (Papyrus Bodmer 5). Sa mga natitirang Griyegong manuskrito, ang may pinakabuong teksto ay isang ikasampung siglo na codex sa Bibliothèque Nationale, Paris (Paris 1454).

Nilalaman

baguhin

The Ebanghelyo ni Santiago ay may tatlong magkakapantay na bahagi, ang bawat isa'y may walong kabanata:

  • ang una'y naglalaman ng kuwento ng natatanging pagsilang ni Santa Ana kay Maria, pati ang kaniyang kabataan at pag-aalay sa kaniya sa templo,
  • nagsisimula ang ikalawa, nang siya'y 12 taong gulang, at sa pamamagitan ng anghel ay napili si San Jose upang maging kaniyang kabiyak,
  • ang ikatlo'y kaugnay ng pagsilang ni Hesus, na dinalaw ng mga kumadrona, pagtago kay Hesus mula kay Herodes sa isang sabsaban, at pati ang kasabay na pagtago kay Juan Bautista ng kaniyang inang si Elizabeth mula kay Herodes Antipas.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gambero, Luigi (1999). Mary and the Fathers of the Church: The Blessed Virgin Mary in Patristic Thought (ika-revised (na) edisyon). Ignatius Press. p. 35-41. ISBN 0898706866. Nakuha noong 2015-09-03.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ehrman, Bart D. Lost Scriptures: Books that did not make it into the New Testament. New York: Oxford University Press. p. 63. ISBN 0195141822. Nakuha noong 2015-09-03.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The Book of James - Protevangelium". The Gnostic Society Library. Nakuha noong Setyembre 4, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Mary would thus serve the Lord at the Temple, as women had for centuries (1 Sam. 2:22)" Mary: Ever Virgin Naka-arkibo 2016-08-26 sa Wayback Machine.
  5. Origen of Alexandria. "The Brethren of Jesus". Origen's Commentary on Matthew 10.17 in Ante-Nicene Fathers Volume IX. Nakuha noong 2008-09-18. But some say, basing it on a tradition in the Gospel according to Peter, as it is entitled, or "The Book of James," that the brethren of Jesus were sons of Joseph by a former wife, whom he married before Mary. Now those who say so wish to preserve the honour of Mary in virginity to the end, so that that body of hers which was appointed to minister to the Word which said, "The Holy Ghost shall come upon thee and the power of the Most High shall overshadow thee," might not know intercourse with a man after that the Holy Ghost came into her and the power from on high overshadowed her. And I think it in harmony with reason that Jesus was the first-fruit among men of the purity which consists in chastity and Mary among women; for it were not pious to ascribe to any other than to her the first-fruit of virginity. {{cite book}}: Unknown parameter |chapterurl= ignored (|chapter-url= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)