Santa Ana
Si Santa Ana (mula sa Ebreo: Hannah חַנָּה, ibig-sabihin "pabor" o "grasya") ng angkan ni David ay ang ina ng Birhen Maria at nuno ni Hesukristo, ayon sa tradisyong Kristiyano at Islam. Hindi pinangalanan ang ina ni Maria sa mga ebanghelyo o kaya'y sa Qur'an. Ang pangalan ni Ana at ng kaniyang kabiyak na si San Joaquin ay nanggaling lamang sa apokripo ng Bagong Tipan, na kung saan mukhang sa Protoebanghelyo ni Santiago (isinulat malamang noong 150) sila unang nabanggit.
Santa Ana | |
---|---|
Ina ng Mahal na Birhen, Mistika, Babae ng Amram | |
Ipinanganak | c. ika-1 siglo B.C. |
Benerasyon sa | Kristiyanismo Islam |
Kanonisasyon | pre-kongregasyon |
Kapistahan | Hulyo 26 (Kanluraning kalendaryo) Hulyo 25 (Silanganing kalendaryo) Nobyembre 20 (Kalendaryong Coptic) |
Katangian | Aklat, pinto, kasama ni Maria, Hesus o Joaquin |
Patron | karpintero; mga walang anak; equestrian; lolo't lola; may bahay; naglalaso; nawawalang gamit; Fasnia (Tenerife); Mainar; Detroit; minero; ina; lipat-bahay; nagnenegosyo ng lumang damit; kahirapan; pagbubuntis; sastre; bantay ng kuwadra; baog |
Tradisyong Kristiyano
baguhinMay pagkahalintulad sa kuwento ng kapanganakan ni Samuel, na ang ina'y si Hannah na hindi rin magkaanak. Bagaman di-gaanong binigyan ng pansin si Santa Ana sa Kanluraning simbahan bago ang huling bahagi ng ika-12 siglo,[1] ang mga pag-aalay sa kaniya sa Silanganing simbahan ay nagsimula na noong pang ika-6 na siglo.[2] Sa mga Simbahang Silanganing Ortodoksa at mga Silanganing Simbahang Katolika, siya ay pinipintuho bilang Hanna. Sa tradisyon ng Silanganing Ortodoksa, si Hanna ay tinutukoy na Nuno ng Diyos, at kapwang ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Maria at paghahandog kay Maria sa Templo bilang dalawa sa Labindalawang Pinakadakilang Kapistahan. Ang paghimbing ni Hanna ay isang kapistahang menor sa Silanganing Simbahan. Sa tradisyong Protestante, sinasabi umano na pinili ni Martin Luther na pumasok sa buhay-relihiyoso bilang isang mongheng Agustino matapos managhoy kay Sta. Ana.[3][4]
Sa Islam
baguhinSi Ana (Arabe: Hannah) ay pinipintuho rin sa Islam, at kinikilala bilang isang babaeng may lubos na espirituwalidad at bilang ina ni Maria. Inilalarawan siya sa Qur'an bilang anak ni Faqud, na nanatiling walang anak hanggang sa kaniyang pagtanda. Isang araw habang nakaupo sa lilim ng isang puno, siya'y nakakita ng ibong nagpapakain ng kaniyang inakáy, binuhay ng tagpong ito ang kaniyang kagustuhang magkaroon ng sariling anak. Nanalangin si Hannah upang magkaanak at kalauna'y nagdalantao. Ang kaniyang esposong si Imran ay namatay bago ipanganak ang kaniyang anak. Sa pag-asang lalaki ang kaniyang magiging anak, isinumpa niyang iaalay niya ito upang maibukod at maglingkod sa Templo.[N 1][5][6]
Subalit, babae ang kaniyang iniluwal, at pinangalanan niya itong Maria. Ang kaniyang mga sinambit[N 2] nang ipanganak niya si Maria ay sumasalamin sa kaniyang katauwan bilang isang dakilang mistika, habang hinagad niyang magkaanak na lalaki, napagtanto niya na kaloob sa kaniya ng Diyos ang kaniyang anak na babae.[5][6]
Talâan
baguhin- ↑ "O aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Ako ay nangangako sa Iyo na ipagkakaloob ko sa Iyo ang nasa aking sinapupunan, bilang taimtim na pangako mula sa akin, na siya ay pagsisilbihin ko sa ‘Baytul Maqdis’ (Falisteen), na kung kaya hinihiling ko na ito ay tanggapin Mo sa akin, dahil Ikaw lamang ang ‘As-Samee`’ – ang Ganap na Nakaririnig ng aking panalangin, na ‘Al-`Aleem’ – ang Ganap na Nakaaalam ng aking layunin." (Qur'an 3:35).
- ↑ Nang ipinangank si Maria, sinabi niya, "O aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Ang aking ipinanganak ay babae at hindi maaaring manilbihan sa ‘Baytul Maqdis.’ Subali’t ang Allâh ang Nakaaalam kung anuman ang kanyang isinilang at ito ay pagkakalooban ng Allâh (ng di-pangkaraniwang katangian)". (Qur'an 3:36)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Nixon, Virginia (2004). Mary's Mother: Saint Anne in Late Medieval Europe. The Pennsylvania State University Press. pp. 12–14. ISBN 978-0-271-02466-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Procopius' Buildings, Volume I, Chapters 11–12
- ↑ "Martin Luther — Our Spiritual Guide". Evangelical Lutheran Church in Canada website. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-07-25. Nakuha noong 17 Disyembre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Google Books Archive of Martin Luther: His road to Reformation, 1483-1521 (By Martin Brecht)". Martin Luther: His road to Reformation, 1483-1521 (By Martin Brecht). Nakuha noong 14 Mayo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Wheeler, Brannon M. (2002). Prophets in the Quran: an introduction to the Quran and Muslim exegesis. Continuum International Publishing Group. ISBN 0-8264-4957-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Da Costa, Yusuf (2002). The Honor of Women in Islam. LegitMaddie101. ISBN 1-930409-06-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)