Ebanghelyo sa Pagkasanggol ni Hesus ni Tomas
- Huwag itong ikalito sa Ebanghelyo ni Tomas.
Ang Ebanghelyo sa Kasanggulan (ni Hesus) na Isinulat ni Tomas (Ingles: Infancy Gospel of Thomas) ay isang ebanghelyo tungkol sa pagkabata ni Hesus na may petsa mula ika-2 hanggang ika-3 siglo CE. Ito ay bahagi ng sikat na henero ng akdang biblikal na isinulat upang sapatan ang pananabik ng mga sinaunang Kristiyanismo para sa mas milagroso at mga anekdotal na kuwento ng pagkabata ni Hesus kesa sa ibinibigay ng Ebanghelyo ni Lucas. Ang mga kalaunang reperensiya nina Hippolytus ng Roma at Origen ng Alexandria ng isang Ebanghelyo ni Tomas ay mas malamang na tumutukoy sa pagkasanggol na ebanghelyong ito ni Tomas kesa sa buong ibang Ebanghelyo ni Tomas na minsang ikinalilitong ito.
May akda
baguhinAng Ebanghelyo ng Kasanggulan na Isinulat ni Tomas ay isang akdang itinuturo kay "Tomas na Israelita" (sa isang medieval na bersiyong Latin). Ang biblikal na apostol Tomas ay malamang walang kaugnayan sa tekstong ito bagaman ang ibang mga skolar ay naniniwalang ito ay isinulat ng isang hentil. Kung sino man ang may-akda nito, tila wala itong labis na alamn sa buhay Hudyo maliban sa natutunan nito sa Ebanghelyo ni Lucas na tila direktang tinutukoy ng tekstong ito nang direkta sa kapitulo 19. Ang mga pagmamasid ng Sabbath at Paskuwa ay binanggit dito.
Petsa
baguhinAng unang malamang na sipi (quotation) sa tekstong ito ay mula kay Irenaeus ng Lyon, ca 185 CE na nagtatakda ng pinakahuling posibleng petsa ng pagkakasulat nito. Ang pinakaunang posibleng petsa ay sa mga 80 CE kung saan ang ebanghelyong ito ay humiram ng kuwento ni Hesus sa templo sa edad na 12(Ikumpara ang Infancy 19:1-12 at Lukas 2:41-52). Ang mga skolar ay pangkalahatang umaayon sa petsa na gitna hanggang huli nang ika-2 siglo CE dahil may dalawang ika-2 siglong mga dokumento na Epistula Apostolorum at Adversus haereses ni Ireneus na tumutukoy sa kuwento ni tagaturo (tutor) ni Hesus na nagsasabi sa kanyang "Sabihing beta" at si Hesus ay sumasagot na "Una, sabihin mo sa akin ang ibig sabihin ng alpha". Pangkalahatang inaayunan ng mga skolar na kahit papaano ay may yugto ng transmisyong pambibig ng teksto na buo o bilang ilang mga kuwento bago ito binago at isinulat kaya buong posibleng ang mga tekstong ito at ang "Pagkasanggol na Ebanghelyo ni Tomas" ay lahat tumutukoy sa pambibig na mga bersiyon ng kuwentong ito.
Tradisyong manuskrito
baguhinAng mga skolar ay hindi magkasundo kung ang orihinal na wika ng Pagkasanggol na Ebanghelyo ni Tomas ay sa Griyego o Syria batay sa pagkakatuklas o kawalanan ng maling isinaling bokabularyo o idiomang Griyego o Syriac. Ang ilang mga natitirang manuskritong Griyego ay hindi nagbibigay ng indikasyon sa mga sarili nito dahil wala sa mga ito ay may petsa bago ang ika-13 siglo samantalang ang mga pinakaunang autoridad ayon sa editor at tagasalin na si Montague Rhodes James ay isang mas pinaikli na ika-6 siglo bersiyong Syriac at isang Latin na palimpsest sa Vienna noong ika-5 at ika-6 siglo na hindi kailanman na naunawaan (decipher) nang buo. Mayroon hindi nasiyasat na magulong mga manuskrito, salin, pinaikling mga bersiyon, kahalili at paralelo na natuklasan ni James na pumigil sa madaling pagtukoy kung aling teksto ang alin. Ang bilang ng mga tekstong ito at bersiyon ay nagpapakita ng malawak na kasikatan ng akdang ito tungo sa Mataas na Gitnang Panahon (Middle Ages).
Nilalaman
baguhinAng tekstong ito ay naglalarawan ng buhay ng batang si Hesus na may maguni-guni at minsang masamang mga sobre-natural na pangyayari na maikukumpara sa isang kalikasang mapaglaro ng batang-diyos sa maraming Mitolohiyang Griyego. Ang isa sa mga episodyo ay sumasangkot kay Hesus na gumagawa ng isang putik na mga ibon na kanyang binigyan ng buhay na isang gawang itinuro kay Hesus sa Qur'an 5:110;[1] bagaman sa Quran, ito ay hindi itinuto kay Hesus bilang isang bata o isang matanda. Sa isang episodyo, ang isang bata ay nagkalat ng tubig na tinipon ni Hesus. Ito ay sinumpa naman ni Hesus na nagsanhi sa katawan ng batang ito na matuyot sa isang bangkay. Ang isa pang bata ay namatay nang ito ay sumpain ni Hesus nang ito ay maliwanag na aksidenteng nakabunggo kay Hesus, bumato kay Hesus o sumuntok kay Hesus (depende sa salin nito).
Nang ang mga kapitbahay nina Marya at Hose ay nagreklamo, ang mga ito ay milagrosong binulag ni Hesus. Si Hesus ay nagsimula namang tumanggap ng mga aral ngunit bagkus ay aroganteng sinubukang magturo sa guro na nagpainis sa guro na nagsuspetsa ng mga pinagmulang sobre-natural. Si Hesus ay natuwa sa suspisyong ito na kanyang kinumpirma at binawi ang lahat ng kanyang mga naunang kalupitan. Kalaunan ay kanyang muling binuhay ang isang kaibigan na namatay nang ito ay mahulog sa isang bubong at pinagalin ang isang indbidwal na pumutol sa paa nito gamit ang isang palakol.
Pagkatapos ng iba't ibang mga pagpapakita ng mga kakayahang sobre-natural, ang mga bagong guro ay sumubok na turuan si Hesus ngunit bagkus ay nagsimulang ipaliwanag sa kanila ni Hesus ang batas. Mayroon pang isang hanay ng mga milagro kung saan pinagaling ni Hesus ang kanyang kapatid na lalake na kinagata ng ahas at dalawa pang iba na namatay sa iba't ibang mga dahilan. Sa huli, ang teksto ay nagaala-ala ng episodyo sa Ebanghelyo ni Lucas kung saan si Hesus na may edad na 12 ay nagtuturo sa templo.
Bagaman ang mga milagro ay tila igla biglang ipinasok sa teksto, may tatlong mga milagro bago at tatlo pagkatapos sa bawat mga hanay ng katuruan. Ang struktura ng kuwento ay binubuo ng:
- Pagbibigay ng buhay sa isang tuyong isda (ito ay umiiral lamang sa mga kalaunang teksto)
- (Unang pangkat)
- 3 Mga milagro - Binaligtad ang kanyang mga naunang ginawa, muling binuhay ang isang kaibigan na nahulog sa isang bubong, pinagaling ang isang lalake na pumutol sa kanyang paa ng isang palakol [1] Naka-arkibo 2009-02-26 sa Wayback Machine.
- (Ikalawang pangkat)
- 3 Mga milagro - Nagdala ng tubig sa kanyang damit, lumikha ng isang pista mula sa isang butil, hinatak ang isang barakilan ng kahoy upang tulungan ang kanyang ama sa paglikha ng isang kama.
- Tinangkang turuan si Hesus na nagbigo na si Hesus ang nagturo
- 3 Mga milagro - Pinagaling si Santiago mula sa kamandag ng ahas, muling binuhay ang isang bata na namatay sa sakit, muling binuhay ang isang lalake ng namatay sa isang akisdente ng pagtatayo ng bahayC
- Insidente sa templo na tumutugma sa Ebanghelyo ni Lucas
Makikita rin sa Pagkasanggol na Ebanghelyo ni Tomas na mula sa edad na limang taon hanggang sa edad na labindalawa, ang batang si Hesus ay pumatay ng hindi bababa sa tatlong katao, dalawang mga tao at isang matandang guro. Ang mga ito ay hindi muling binuhay ni Hesus.
Siryakong Ebanghelyo ng Pagkasanggol
baguhinAng Syriac Infancy Gospel (Injilu 't Tufuliyyah) na isinalin mula sa isang orihinal na Coptic ay nagbibigay ng ilang mga paralelo sa mga episodyong "nakatala sa aklat ni Josephus na Hepeng Saserdote, sa panahon ni Kristo."
Karagdagang babasahin
baguhin- Barnstone, Willis (ed.). The Other Bible, Harper Collins, 1984, pp. 398–403. ISBN 0-06-250031-7
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Kate Zebiri of the University of London (Tagsibol 2000). "Contemporary Muslim Understanding of the Miracles of Jesus" (PDF). The Muslim World. Hartford Seminary's Macdonald Center for the Study of Islam and Christian-Muslim Relations. 90: 74. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2010-07-09. Nakuha noong 2010-01-04.
In the Qur'an, the miracles of Jesus are described in two passages: 3:49 and 5:110. Qur'an 3:49 attributes the following words to Jesus: I have come to you, with a Sign from your Lord, in that I make for you of clay, the figure of a bird, and breathe into it, and it becomes a bird by God's permission
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na kawing
baguhin- Early Christian Writings: Infancy Gospel of Thomas
- Gnostic Society Library: Infancy Gospel of Thomas introduction and translations by M.R. James, 1924