Katibayan
(Idinirekta mula sa Ebidensya)
Ang katibayan (Ingles: diploma mula sa salitang Griyego δίπλωµα diploma) ay isang sertipiko na inilalathala ng isang edukasyonal na institusyon, gaya ng unibersidad, na nagpapatunay na nakatapos ang isang tao ng isang kurso, o pinagkalooban siya ng antas ng akademya.
Sa ilang mga bansa, tulad ng Nagkakaisang Kaharian at Australia, ang dokumentong ito ay tinatawag na testimonium o testamur, Latin ng "sumasaksi kami" o "patunayan" (testari), at tinatawag mula sa salita kung saan nagsisimula ang sertipiko.
Sa Ireland, tinatawag itong parchment.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.