Kasaysayang pang-ekonomiya

(Idinirekta mula sa Economic history)

Ang kasaysayang pangkabuhayan o kasaysayang pang-ekonomiya (Ingles: economic history) ay ang pag-aaral ng mga ekonomiya o kababalaghang pang-ekonomiya na nasa nakaraang mga kapanahunan. Ang pagsusuri ng kasaysayang pang-ekonomiya ay isinasagawa na ginagamit ang pagsasama-sama ng mga paraang pangkasaysayan, mga paraang pang-estadistika, at sa pamamagitan ng paggamit ng teoriyang pang-ekonomiya sa mga kalagayang pangkasaysayan at mga institusyon. Kabilang sa paksa ang kasaysayang pangnegosyo, kasaysayang pampananalapi at nakikipagpatung-patong sa mga pook ng kasaysayang panlipunan na katulad ng kasaysayang pangdemograpiya at kasaysayan ng paggawa. Ang kuwantitatibo o pandami (ekonometriks) na kasaysayang pang-ekonomiya ay tinatawag ding Kliyometrika.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Robert Whaples (2008). "Cliometrics" sa S. Durlauf at L. Blume, mga patnugot. The New Palgrave Dictionary of Economics, ika-2 edisyon. Abstrakto.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.