Ekonometrika

(Idinirekta mula sa Ekonometriks)

Ang ekonometriks o ekonometrika (Ingles: econometrics, econometrica) ay isang sangay ng ekonomiyang nakatuon sa mga gawain ng pag-unlad at paggamit ng mga paraang pangkantidad o dami o kaya estadistiko para sa pag-aaral at paglilinaw o pagpapaliwanag ng mga prinsipyong pangkabuhayan.[1] Ito ang paggamit ng mga metodong nabanggit upang mailarawan ang ugnayan sa pagitan ng mga puwersang pang-ekonomiyang katulad ng kapital (alin man sa mga kagamitan, gawain, o ibang mga bagay na kailangan upang maging nagagamit ang isang bagay), halaga ng tubo o interes (ang presyo ng pag-utang ng pera), at paggawa. Karamihan sa ekonometrika ay ang paggawa ng mga modelong payak na mga larawan ng tunay na mundo. Ang mga modelong ito ay magagamit pagkaraan upang hulaaan ang magaganap sa tunay na mundo. Pinagsasama ng ekonometrika ang teoriyang pang-ekonomiya at estadistika upang suriin at subukin ang mga ugnayang pang-ekonomiya. Isinasaalang-alang ng teoretikong ekonometrika ang mga katangunan tungkol sa mga katangiang pang-estadistika ng mga pantaya o tagapagtaya at mga pagsusulit, habang ang nilapat na ekonometrika ay nakatuon sa paggamit ng mga metodong ekonometriko upang timbangin ang mga teoriyang pang-ekonomiya. Bagaman ang unang nalalamang paggamit ng salitang ekonometrics ay ginawa ni Paweł Ciompa noong 1910, si Ragnar Frisch ang pinatutungkulan bilang umimbento ng salita ayon sa diwa ng paggamit sa kasalukuyan.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ragnar Frisch (1933). "Editor's Note". Econometrica 1. 1-4.
  2. Pesaran, M. Hashem, "Econometrics", sa Eatwell, John; Milgate, Murray; Newman, Peter (mga pat.), The New Palgrave: A Dictionary of Economics, bol. 2, pp. 8–22