Eduardo V. Manalo
Si Eduardo Villanueva Manalo (ipinanganak noong Oktubre 31, 1955 sa Lungsod Quezon) ang ikatlo at kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo (INC). Siya ang pumalit sa kaniyang ama na si Eraño G. Manalo nang ito ay namayapa noong 31 Agosto 2009.[1]
Eduardo V. Manalo | |
---|---|
Ibang mga pangalan | Ka Eduardo/Ka Eddie/ Brother Eduardo/Brother Eddie |
Personal | |
Ipinanganak | Eduardo Villanueva Manalo 31 Oktubre 1955 |
Relihiyon | Iglesia ni Cristo |
Spouse | Lynn Ventura (k. 1982) |
Mga anak | Dorothy Kristine Gemma Minna Angelo Eraño |
Mga magulang | Eraño G. Manalo Cristina Villanueva |
Other names | Ka Eduardo/Ka Eddie/ Brother Eduardo/Brother Eddie |
Senior posting | |
Based in | INC Central Office Complex, Quezon City, Philippines |
Period in office | Setyembre 7, 2009 - Kasalukuyan |
Sinundan | Eraño G. Manalo |
Ordination | Mayo 9, 1980 |
Previous post | Deputy Executive Minister |
Personal ng Buhay
baguhinSi Eduardo ang panganay na anak nila Eraño Manalo at Cristina Villanueva. Ang kaniyang lolo na si Felix Manalo ang nagpangalan sa kaniya bilang "Eduardo". Ikinasal siya kay Lynn Ventura noong 2 Enero 1982. Nakilala niya ang kaniyang asawa ng sila ay nag-aaral pa lamang sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Diliman. Ang kanilang tatlong anak ay nagtapos rin sa UP. Si Dorothy Kristine na nagtapos ng may mataas ng karangalan at may Batsilyer na antas sa Pilosopiya at Pag-aabugasya ay isang abogado na naglilingkod bilang Kalihim Pangsamahan ng INC at Pangulo ng Lupon ng mga Direktor ng New Era University. Si Gemma Minna naman ay nagtamo ng mga antas Batsilyer sa Edukasyong Pangmusika at sa Pangagasiwa ng mga Mang-aawit. Siya rin ang Pangkalahatang Tagapagturo ng Awit ng INC at Tagapanguna ng Departamento ng Musika ng INC. Ikinasal siya kay Antonio De Guzman isang ministro ng ebanghelyo na nakapagtapos rin pag-aaral mula sa Yale University. Si Angelo Eraño na isa ring ministro ng ebanghelyo ang Tagapag-ugnay Pangkalahatan ng mga Kapisanang Pansambahayan ng INC; Nag-aral siya ng mga Wikang Europeo sa UP habang siya ay nag-aaral ng pagmiministro sa Kolehiyo ng Pangangasiwang Ebangheliko ng INC.[2]
Edukasyon
baguhinNagtapos si Eduardo sa mataas na paaralan sa Jose Abad Santos Memorial School sa Lungsod ng Quezon. Nagtapos naman siya ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman na may Batsilyer na antas sa Pilosopiya. Habang siya ay nag-aaral sa UP, nag-aaral rin siya ng pagmiministro sa Evangelical College (EVCO) ng INC. Nagtapos siya sa UP noong 1978, at sa EVCO naman noong 1980.[2]
Mga Unang Taon sa Ministeryo
baguhinPagkatapos niyang makapagtapos ng pag-aaral mula sa EVCO siya ay unang nadestino sa lokal ng INC sa Cubao sa Lungsod ng Quezon. Naordenahan siya bilang ministro noong ika-9 ng Mayo, 1980 sa gusaling sambahan ng INC sa Tondo, Maynila. Pagkatapos ng maikling pangangasiwa sa iglesya sa Project 4 sa Lungsod ng Quezon, hinirang naman siya bilang Katuwang na Dekano ng EVCO. Pinangunahan niya ang mga programang pangradyo sa DZEC at siya rin ay isa sa mga unang tagapagsalita sa isang programang pantelebisyon, ang "Ang Iglesia Ni Cristo". Lalo pang nahasa ang kaniyang kakayahan sa pangangasiwa ng siya ay maging Tagapag-ugnay ng Distrito ng INC sa Metro Manila noong 1984.[2]
Karanasan sa mga Teknolohiyang Pang-impormasyon at Pangkomunikasyon
baguhinItinatag niya ang Society of Communicators and Networkers (SCAN) para sa mga kaanib ng INC na may interes sa komunikasyong panradyo. Nagsimula rin siyang gumamit ng kilalang Bulletin Board System (BBS) at lalong pinaghusay ang kaniyang kaalaman sa programming. Isinaayos rin niya ang tanggapan ng Data and Network Management (DNM) na tumitingin sa kompyuterisasyon ng buong Tanggapang Pangkalahatan ng INC. Nag-isponsor rin siya ng mga pagsasanay sa paggamit ng Internet para sa mga ministro ng INC sa iba't-iba nitong distrito eklesiastiko. Sa isang artikulo na may pamagat na "RP marks 7th year on the Internet" ng Marso 2001 na edisyon ng magasin na Computerworld Philippines, kinilala ng mga Filipinong may hilig sa teknolohiyang pang-impormasyon si Eduardo Manalo na kabilang sa "grupo ng mga unang tao na nagdala sa bayan sa yugto ng ng paggamit ng Internet".[2][3]
Tumulong rin siya sa pagtatatag ng samahan sa INC na tinatawag na Asosasyon ng mga Kristiyano sa Teknolohiyang Pang-impormasyon na kinabibilangan ng mga kaanib sa INC sa larangan ng teknolohiyang pang-impormasyon. Sila ay tumutulong sa iglesia sa mga gawaing may kaugnayan sa kompyuter.[4] Ang pangalan ng samahang ito ay binago at naging Association of Computer Technologists and Information Volunteers (ACTIV) noong 2012.
Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan (1994–2009)
baguhinNoong 7 Mayo 1994, ginampanan ni Eduardo Manalo ang kaniyang responsibilidad bilang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo matapos siyang pagkasunduang ihalal ng Konsilyong Tagapagpatupad ng Iglesia. Bilang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan, siya ang hahalili at magmamana ng Tanggapan ng Tagapamahalang Pangkalahatan. Pinagtiwalaan siya sa opisyal na pagpaparehistro ng INC sa Roma, Italya noong 1994. Noong 1996, kasama ang 11 ministro, sinamahan niya ang noo'y Tagapamahalang Pangkalahatan na si Erano Manalo sa pagtatatag ng kongregasyon sa Herusalem, Israel. Noong 1997, sumama rin siya sa pagtatatag ng kongregasyon sa Atenas, Gresya.[5]
Sa mga buwan ng Hulyo hanggang Agosto ng 1998, nagsagawa siya ng mga pagdalaw pastoral sa Hawaii at sa Estados Unidos ng Amerika upang gunitain ang ika-30 taon ng INC sa Kanluran. Isang malawakang pagdalaw pastoral rin ang kaniyang isinagawa sa mga buwan ng Abril at Mayo 2006 sa mga kongregasyon sa Europa, Gitnang Silangan, at Asya.[6]
Pamamahala
baguhinTatlong taon mula ng manungkulan si Eduardo bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC noong 8 Setyembre 2009, nakapagdagdag ang INC sa labas ng Pilipinas ng 65 na mga lokal, 20 ekstensiyon, at 57 grupong pagsamba na inihahanda upang maging ekstensiyon o maging lokal pagdating ng panahon. Pitong mga bagong distrito eklesiastiko o malawakang pangasiwaan rin ang naragdag. Ang mga distritong ito ay kinabibilangan ng sampu hanggang isang daang mga lokal. Ang mga distritong ito ay ang Hilagang Silangang Asya(31 Agosto 2010), Timog Silangang Asya (28 Hulyo 2011), Silangang Kanada (16 Hunyo 2011), Kanlurang Kanada (16 Hunyo 2011), Katar (9 Hulyo 2012), Emirados Unidos ng mga Arabo (9 Hulyo 2012), at Britanya (9 Hulyo 2012). Hindi pa kabilang dito ang mga distritong naitatag sa Pilipinas.
Sa Pilipinas pa lamang kung saan ang Departamento ng Inyinyero at Paggawa ng INC ang nangangasiwa sa mga proyektong mga pagawain, 316 na mga gusaling sambahan na may sariling mga tanggapan at mga pabahay ang naipatayo habang may 28 naman na naipatayo sa labas ng Pilipinas mula lamang noong 11 Setyembre 2009 hanggang 7 Setyembre 2012. Ang pinakamalaki sa mga gusaling ito sa labas ng Pilipinas ay matatagpuan sa Barselona, Espanya. Ito ay nakapaglululan ng mahigit sa 1,000 katao sa bawat pagsamba. Nabili ng INC ang pag-aaring ito sa mga Saksi ni Jehova at ito ay pinasinayaan noong Hulyo 2012.
Noong 17 Agosto 2011, pinangunahan ng INC ang pagpapasimula sa pagtatayo ng pinakamalaking gusali ng iglesia, ang Philippine Arena sa 75 ektaryang lupain na humahangga sa Bocaue at Sta. Maria sa Bulacan. Ang istrukturang pangmaramihang gamit na nakapaglululan ng 50,000 katao ay magiging pinakamalaking panloob na arena sa buong mundo. Ito ay inaasahang matatapos sa takdang panahon para sa pagdiriwang ng INC ng kanilang sentenaryo sa Hulyo 2014. Ang iba pang malalaking proyekto ng iglesia kaugnay sa kanilang pagdiriwang sa ika-100 taong pagkakatatag ay ang EVM Convention Center at ang Museyo ng Iglesia Ni Cristo sa Central Avenue, Lungsod ng Quezon, ang Gusali ng Departamentong Panglegal at ang Gusali ng INC Media Center malapit sa Tanggapang Pangkalahatan ng INC sa Lungsod ng Quezon, at ang Philippine Stadium at ang Philippine Sports Center na nasa Bulacan. Sa dakong tinatawag na Ciudad de Victoria (Lungsod na Pagtatagumpay) ay itatayo rin ang EGM Medical Hospital at ang kampus ng New Era University sa Bocaue. Isa sa pinakamahalaga sa mga "proyektong pangsentenaryo" na ito ay ang bagong Kolehiyo ng Pangangasiwang Ebangheliko na itinatayo sa kahabaan ng Central Avenue. Tatlong palapag na mas mataas at mahigit doble sa lawak kaysa sa apat na palapag na dating gusali.
Nakapag-ordena si Eduardo Manalo ng 1,620 mga bagong ministro sa loob lamang ng tatlong taon niyang panunungkulan at pamamahala.[2]
Pampolitikang impluwensiya sa Pilipinas
baguhinAyon sa libro ni Armando Doronilla na The Fall of Joseph Estrada: The Inside Story, (ISBN 9712711544; mga pahina 226–227) – at mga ulat sa pahayagan (Philippine Daily Inquirer, 7 Mayo 2001), nasangkot si Manalo sa pagtatangkang rebelyon noong 1 Mayo 2001 ng oposisyon laban kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo Kadalasang tinatawag na EDSA Tres ang pangyayaring ito. Sa tantiya ng mga awtoridad, bumibilang sa 70% sa kabuuang ng mga nag-martsa sa EDSA (Epifanio Delos Santos Avenue) ang mga kasapi ng INC. [1] Naka-arkibo 2007-10-07 sa Wayback Machine.. Nagpunta sila sa EDSA para tutulan ang pagkaka-aresto kay Joseph Estrada na tinanggal sa pagka-pangulo ng naunang EDSA Dos. Wala itong patunay sa tutuong pangyayari kung kaya't walang inihain na demanda laban kay Manalo o sa INC. Ito ay naging sanhi upang idemanda ng INC ang pahayagang Philippine Inquirer ng paninirang puri.
Sanggunian
baguhin- ↑ No shifts seen when Ka Erdie's son takes over INC -- ABSCBNNews.com
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Joel Pablo Salud (5 Nobyembre 2012). "Family Life of Bro. Eduardo Manalo". Philippine Graphic (magazine). Makati City, Philippines: T. Anthony C. Cabangon. 23 (23): 27. OCLC 53164818.
{{cite journal}}
:|access-date=
requires|url=
(tulong);|editor1-first=
missing|editor1-last=
(tulong);|format=
requires|url=
(tulong); Check date values in:|accessdate=
(tulong)CS1 maint: date and year (link) - ↑ Wong, Chin Wong; Valdez, Melba-Jean "RP marks 7th year on the Internet Naka-arkibo 2005-08-12 sa Wayback Machine.", Computerworld Philippines, 26 Marso 2001
- ↑ Mangahas, Malou; "A Most Powerful Union Naka-arkibo 2013-08-17 sa Wayback Machine.", Philippine Center for Investigative Journalism, 29 Abril 2002
- ↑ Gemma Minna V. Manalo (Oktubre 2009). "A Biographical Account on Bro. Eduardo Manalo". Pasugo: God's Message (magazine). Quezon City, Philippines: Iglesia Ni Cristo. 61 (10): 11-14. ISSN 0116-1636.
{{cite journal}}
:|access-date=
requires|url=
(tulong);|editor1-first=
missing|editor1-last=
(tulong);|format=
requires|url=
(tulong); Check date values in:|accessdate=
(tulong)CS1 maint: date and year (link) - ↑ Pasugo: God's Message (magazine). Quezon City, Philippines: Iglesia Ni Cristo. 61 (9). Setyembre 2009. ISSN 0116-1636.
{{cite journal}}
:|access-date=
requires|url=
(tulong);|editor1-first=
missing|editor1-last=
(tulong);|format=
requires|url=
(tulong); Check date values in:|accessdate=
(tulong); Missing or empty|title=
(tulong)CS1 maint: date and year (link)