EDSA Tres
Ang EDSA III (pagkakabigkas: EDSA Tres) ay isang protesta na nagbunga mula sa pagkakadakip kay dating Pangulong Joseph Estrada noong Abril 2001. Naganap ang nasabing protesta ng pitong araw sa Abenida Epifanio de los Santos o EDSA, na isang mahalagang lansangan sa Kalakhang Maynila, at sinundan ito ng tangkang paglusob sa Palasyo ng Malacañang. Nangyari ito apat na buwan matapos ang EDSA II, kung kailan napatalsik si Estrada na noon ay nililitis sa impeachment trial sa kasong katiwalian. Sinasabi na ang EDSA III ay siyang mas makamasa kumpara sa naunang demonstrasyon, na naganap din sa kaparehong lugar, sa may Dambana ng EDSA sa panulukan ng Abenida Ortigas at EDSA, noong Enero 2001. Ang layunin na lusubin ang Palasyo ay nauwi sa kabiguan. Ginigiit ng mga lumahok na ang protestang ito ay ang tunay na People Power o puwersa ng mamamayan, na siyang tinanggihan ng mga lumahok at sumuporta sa EDSA II. Inako ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga terminolohiyang ito na nagdulot ng matinding pagkakahati sa lipunan, at sinabi niya na nais niyang maging pangulo ng "EDSA II at EDSA III".
EDSA III | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
| |||||||
Mga nakipagdigma | |||||||
Administrasyong Arroyo Lakas–CMD Sandatahang Lakas Presidential Security Group Pambansang Pulisya ng Pilipinas |
Partido ng Masang Pilipino Mga Loyalista ni Estrada Iglesia ni Cristo | ||||||
Mga kumander at pinuno | |||||||
Gloria Macapagal-Arroyo Angelo Reyes Pambansang Pulisya ng Pilipinas |
Joseph Estrada Vicente Sotto III Juan Ponce Enrile Eraño G. Manalo |
Panimula
baguhinNagkaroon ng matinding pagtitipon ang mga tao sa Dambana ng EDSA, na pinangangasiwaan ng Simbahang Katoliko at naging lugar kung saan napatalsik si Estrada mula sa pagkapangulo. Bagaman may nagsasabi na ang bilang niula ay nasa iilang daang libong katao, binanggit ng Net 25 at ni Tito Sotto na umabot sa mahigit 3 milyon ang mga katao noong gabi ng Abril 30. Karamihan sa mga lumahok ay mga mahihirap at mga miyembro ng Iglesia ni Cristo, na sumusuporta kay Estrada.
Inabisuhan ang mga mamamahayag na huwag lumapit sa nasabing lugar, dahil sa mga napaulat na mga pagbabato ng mga bato sa mga cameramen, lalo na ang mga galing sa ABS-CBN.
Pinamunuan ang nasabing protesta ng mga miyembro ng oposisyon, kabilang na dito ang mga Senador na si Juan Ponce Enrile, Miriam Defensor Santiago at Vicente Sotto III.
Mayo 1
baguhinLayunin ng rebelyong ito na alisin si Gloria Macapagal-Arroyo mula sa pagkapangulo at iluklok muli si Estrada. Sumulong ang rebelyon bandang umaga ng Mayo 1, 2001. Karamihan ng mga tao ay nagsilisan na partikular na ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo, bilang kasunduan sa pagitan ng kanilang pamunuan at ng pamahalaan. Ngunit marami pa ring mga nagpoprotesta ang nanatili at sumugod sa Palasyo ng Malacañang, na siyang tirahan ng Pangulo. Pinaalis ng magkasanib na puiwersa ng mga sundalo at kapulisan ang mga demonstrador, na nagdulot ng karahasan. Sinunog ng mga tao ang mga broadcast van ng ABS-CBN, habang pinagbabato ng iba ang mga pulis at mga sundalo gamit ang bato, patpat at tubo. Gumamit na ng puwersa ang kapulisan matapos na pairalin ang polisiyang "maximum tolerance", na nagdulot ng pagkasugat sa karamihan sa mga demonstrador.[2] Idineklara ni Pangulong Arroyo ang State of Rebellion sa buong Kamaynilaan ayon sa Proklamasyon 38[1] at pinadakip ang mga pinuno na nakilahok sa rebelyon tulad ni Senador Juan Ponce Enrile, na nagpiyansa upang makalaya.[3] Noong Mayo 7, 2001, inalis ni Pangulong Arroyo ang State of Rebellion.[3]
Ilang oras matapos na mapaalis ang mga taong lumahok sa EDSA III, nakuha muli ng mga kinatawan ng Arkidiyosesis ng Maynila at ng Lipunang Sibil na sumusuporta kay Arroyo ang Dambana ng EDSA, kung saan nakitaan ang nasabing lugar ng mga sinasabing gawa ng bandalismo at mga nagkalat na basura, kasama doon ang masangsang na amoy ng ihi at dumi. Dahil karamihan sa mga sumali sa protesta ay ang mga maralita at hindi nakapag-aral, nagkaroon ng malawakang pagwasak at bandalismo sa mga kagamitang pampubliko tulad ng mga ilaw pantrapiko at mga posteng panlansangan, at sa mga sasakyan ng mga organisasyong pangmidya (na siyang sinunog). Hindi rin nakaligtas ang mga tindahan sa Recto Avenue, Legarda Street, Mendiola Street, Rizal Avenue, Nicanor Reyes (Morayta) Street at Quezon Boulevard—mga lansangang kinaganapan ng protesta. Marami ang dinakip ngunit pinalaya rin sila. Maraming mga pampublikong personalidad na sumuporta sa nasabing rali ang nagtago at nanahimik, noong nagiging malinaw na hindi aatras ang administrasyong Arroyo mula sa pinakahuling protesta na may estilong people power na sinasabing isa itong manipulasyong pampolitika, na nagdulot ng mob mentality at anarkiya sa masa na hinikayat ng mga kalaban sa politika.
Sinasabi ng mga kritiko ng EDSA III, na siyang ginaya mula sa naunang mga rebolusyon sa EDSA ng 1986 at Enero 2001, na bagaman ito ay isang malawakang protesta, ay iba ito kumpara sa dalawang naunang demonstrasyon. Sinasabi ng mga tagasuporta ng EDSA III na ang mga lumahok sa EDSA I at II ay ang mga nasa gitna at mas mataas na klase, kaya hindi ito maaaring sabihin na kumakatawan ito sa masa, taliwas sa mga katulad na lumahok sa EDSA III. Ang naging ibang argumento ay ang tagumpay ng naunang dalawa sa layunin na patalsikin ang tinatarget nitong mga pangulo, at ang pagkabigo ng ikatlo sa layuning ito.
Tignan Din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Presidential Proclamation No. 38". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-12-12. Nakuha noong 2014-02-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-10-07. Nakuha noong 2014-02-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 CNN News