Kalye Legarda
Ang Kalye Legarda (Ingles: Legarda Street) ay isang maiksing kalye na matatagpuan sa distrito ng Sampaloc sa Maynila. Dumadaan ito sa silangang bahagi ng pook na tinaguriang University Belt sa orientasyong silangan-kanluran mula Abenida Lacson sa Sampaloc hanggang Kalye Nepomuceno/Concepcion Aguila sa Quiapo. Ang mga pangunahing daan na bumabagtas rito ay Abenida Recto at Kalye Mendiola. Paglampas ng Abenida Lacson sa silangan, tutuloy ito bilang Bulebar Magsaysay. Paglampas naman ng Kalye Nepomuceno/C. Aguila, tutuloy ito bilang Kalye Pedro Casal. May haba ito na 1.4 kilometro (0.9 milya).
Kalye Legarda Legarda Street | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 1.4 km (0.9 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa silangan | N140 (Abenida Lacson) sa Sampaloc |
| |
Dulo sa kanluran | Kalye Nepomuceno sa Quiapo |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Sinisilbihan ito ng Estasyong Legarda ng Linya 2. Bahagi ito ng Daang Radyal Blg. 6 ng sistemang arteryal ng mga lansangan sa Kamaynilaan at N180 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.
Ipinangalan ito mula kay Benito Legarda y Tuason, isang Pilipinong mambabatas at resident commissioner ng Pilipinas sa Estados Unidos.[1] Ang dating pangalan nito ay Calle Alix, mula kay José María Alix y Bonache, ang mahistrado ng Real Audiencia ng Maynila noong dekada-1860s.[2][3]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Did you know? Legarda Street". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 1 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Legarda Street". Historiles.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-11-01. Nakuha noong 1 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Full text of "Guía oficiál de España"". Archive.org. Nakuha noong 1 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)