Edwin Hubble
Si Edwin Powell Hubble (20 Nobyembre 1889 – 28 Setyembre 1953) ay isang Amerikanong astronomo. Ang mga natuklasan ni Hubble ay nakapagpabago sa pananaw na pang-agham ukol sa sansinukob. Noong 1925, ipinakita niya na mayroong mga galaksiyang lampas sa ating sariling galaksiyang Daang Magatas.[1] Gayon din, nagpaunlad siya ng isang paraan ng pag-uuri-uri ng mga galaksiya. Pagkaraan ay pinatunayan niya na ang mga galaksiya ay lumalayo magmula sa isa't isa. Natuklasan ni Hubble na ang antas ng epektong Doppler (ang redshift o "pulang paglipat") magmula sa isang galaksiya ay nadaragdagan na katumbas ng proporsiyon nito sa layo nito mula sa Daigdig. Ang epektong Doppler ay ang pagbabago sa tirik o kulay kapag ang isang bagay o tunog ay pumapasok (mas mataas na tirik, mas maliwanag na kulay) o lumalayo (mas mababang tarik at mas madilim). Ang pulang paglipat o redshift ay napagmamasdan sa ispektrum ng liwanag.
Edwin Powell Hubble | |
---|---|
Kapanganakan | 20 Nobyembre 1889 |
Kamatayan | 28 Setyembre 1953 | (edad 63)
Nasyonalidad | Amerikano |
Nagtapos | Pamantasan ng Chicago University of Oxford |
Kilala sa | Big Bang Batas ni Hubble Redshift sekwensiyang Hubble |
Parangal | Medalyang Bruce noong 1938 |
Karera sa agham | |
Larangan | Astronomiya |
Institusyon | Pamantasan ng Chicago Obserbatoryo ng Bundok Wilson |
Naimpluwensiyahan | Allan Sandage |
Noong 1929, isinapormula ni Hubble ang Batas sa Layo ng Pulang Paglipat (Redshift Distance Law) ng mga galaksiya, na sa pangkasalukuyan ay payak na tinatawag bilang Batas ni Hubble. Ipinapahayag ng batas na kapag mas malaki ang layo sa pagitan ng anumang dalawang mga galaksiya, mas malaki ang kanilang kaukol na tulin ng paghihiwalay. Sa ngayon, 'madaling mapansin na mga belosidad' (madaling mapansing tulin) ng mga galaksiya ay nauunawaan bilang isang pagtaas sa naaangkop na distansiya na nagaganap dahil sa paglawak ng kalawakan. Ang liwanag na naglalakbay sa lumalawak o "nababanat" na kalawakan ay nakakaranas ng isang "paglipat na pula" na nasa kauriang Hubble.[2]
Ang akdang ito ay nakatulong sa paglulunsad na ang kalawakan ay kumakalat o "nadurugtungan". Mayroong ilan na may pagkakamaling nagsabi na si Hubble ang nakatuklas ng paglipat o pagpapalit na Doppler sa ispektra ng mga galaksiya, subalit ito ay nauna nang natuklasan ni Vesto Slipher, at ginamit lamang ni Hubble ang dato mula sa pagkakatuklas na ito.
Apat na mga pangunahing nagawa
baguhinAyon kay Sandage, nakagawa si Hubble ng apat na pangunahing mga bagay:[2]
- Isang sistema ng klasipikasyon ng mga nebula, na kapwa galaktika (pakalat) at ekstragalaktika (kapwa mga nebulang nasa loob ng galaksiyang Daang Magatas, at iba pang mga galaksiyang nasa labas nito).
- Mapagpasyang nalunasan ni Hubble ang katanungan hinggil sa kalikasan ng mga galaksiya (bilang ibang mga bagay na katulad ng Daang Magatas).
- Ang pagkakamudmod ng mga galaksiya ay natuklasang homoheneoso o magkakatulad sa layo (laganap ang mga galaksiya sa buong sansinukob, hindi nasa anumang partikular na mga lokasyon).
- Nailunsad ang ugnayan ng pagguhit na tulin-distansiya. Ang pagkakatuklas na ito ay humantong sa paniniwala hinggil sa sansinukob na lumalaki na pirasong panggitna sa kosmolohiya ng pangkasalukuyang kapanahunan.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Marcia Bartusiak (2010). The day we found the Universe. Random House Digital, Inc. pp. x–xi.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Sandage, Allan 1989. Edwin Hubble 1889-1953, The Journal of the Royal Astronomical Society of Canada, Vol. 83, No.6., nakuha noong 2010-03-26.