Eight Bit
Ang Eight Bit Co., Ltd. (Hapones: 株式会社エイトビット, romanisado: Kabushiki-gaisha Eito Bitto), kilala rin sa tawag na 8bit, ay isang istudyong pang-animasyon na nakabase sa Tokyo, Hapón.[1] Ilan sa mga kilalang gawa nila ang Tensei Shitara Slime Datta Ken, Infinite Stratos, at Yama no Susume.
Pangalang lokal | 株式会社エイトビット |
---|---|
Kabushiki-gaisha Eito Bitto | |
Uri | Kabushiki gaisha |
Industriya | Anime |
Itinatag | Setyembre 2008[1] |
Nagtatag | Tsutomu Kasai |
Punong-tanggapan | , |
Pangunahing tauhan | Hirokazu Suyama (Kumakatawang Direktor at Pangulo)[1] |
Dami ng empleyado | 68 (2021) |
Dibisyon | Niigata Studio |
Website | 8bit-studio.co.jp |
Kasaysayan
baguhinItinatag ng mga dating miyembro ng Satelight, sa pangunguna ni Tsutomu Kasai, ang Eight Bit noong Setyembre 2008 sa Suginami-ku sa lungsod ng Tokyo. Nagsimula sila bilang isang subcontractor para sa mga gawa ng Satelight. Noong 2011, isina-anime nila ang nobelang magaan na Infinite Stratos.
Noong 2012, isina-anime nila kasama ang Satelight ang Aquarion Evol, ang sequel ng orihinal na anime na Genesis of Aquarion. Isina-anime rin sa taong ito ang Busou Shinki ng Konami.
Pagdating ng 2013, marami silang nagawang anime. Noong Enero, isina-anime nila ang slice-of-life na manga na Yama no Susume. May tatlong anime silang nilabas noong Oktubre: Tokyo Ravens, Walkure Romanze, at ang ikalawang season ng Infinite Stratos.
Gumawa rin sila ng pangalawang season para sa Yama no Susume noong 2014. Sa taon ding ito nila ginawa ang anime ng nobelang biswal na Grisaia no Kajitsu.
Noong 2015, isina-anime nila ang manga na Absolute Duo. Isina-anime din nila ang Grisaia no Rakuen, ang ikatlong kuwento sa trilohiya ng Grisaia no Kajitsu. Sa taon na ito, nilabas nila ang una nilang orihinal na anime, ang Comet Lucifer.
Isina-anime naman nila ang manga na Shonen Maid noong 2016. Isina-anime rin nila ang Rewrite, isang nobelang biswal ng Key.
Noong 2017, isina-anime nila ang nobelang magaan na Knight's & Magic. Sa sumunod na taon, isina-anime naman nila ang manga na Miira no Kaikata.
Ginawan nila ng ikatlong season ang Yama no Susume noong 2018. Sa taon ding ito nila ginawa ang Tensei Shitara Slime Datta Ken.
Ginawa naman nila niong 2019 ang Hoshiai no Sora, ang kanilang ikalawang orihinal na anime.
Noong 2020, isina-anime nila ang manga na Oshi ga Budoukan Ittekuretara Shinu. Sila rin ang gumawa sa ikalawang season ng Mahouka Koukou no Rettousei, na nilabas rin sa taong ito. Noong 8 Hunyo, inanunsyo nila ang partnership nila sa Namco Bandai Arts.
Sa taong 2021 nila ginawa ang ikalawang season ng Tensai Shitara Slime Datta Ken, pati ang spinoff nito na Tensura Nikki. Noong Nobyembre ng taong ito, binuksan nila ang istudyo nila sa Chuo-ku sa lungsod ng Niigata.
Ipapalabas naman sa Oktubre 2022 ang anime ng manga na Blue Lock, gayundin sa ikaapat na season ng Yama no Susume.
Gawa
baguhinAng bahaging ito ay dapat pang palawakin. |